Chapter 47: Setting myself free.
MAVIE'S
Gumising ako dahil sa sakit ng ulo. Sobrang taas ng lagnat ko pero muli kong sinawalang bahala. Last day na kasi ng convention ngayon.
Marami ang lumapit sakin para mag alok ng business deal, marami rin ang nagpasalamat naging eye opener daw ang speech ko.
And knowing that i touched others lives? Naging masaya ako don. We have chances in life, but it's not unlimited.
Lumakad ako in my casual attire. Hindi naging masikip ang lugar na ito sa amin ni Grae. Kagaya ng gusto nya ay nanatili akong hindi humaharang sa kung nasaan sya.
Pwera nalang ngayon. Nagsilapitan ang iilang business man sa kumpol namin. At kasama sa mga lumapit si Grae at Czeska.
"Mr. De Chavez!" Nakipag kamay ang lahat, pwera ako.
"Ms. Guevara" Baling ng isa sa mga matatandang negosyante.
"Mr. Mamarid." bati ko rin.
"I'm very impressed, i heard na wala ka pa daw asawa?" nagtawanan ang mga kalalakahihan.
"You heard it right sir." biro ko rin pabalik kahit na nahihirapan ako dahil masama ang pakiramdam ko.
"I have a son, baka pwedeng kayo nalang?" tawa ng matanda.
Napangiti ako, hindi naman ito ang first time na may mag alok sakin ng ganito. Move on na kasi ang mga tao sa storya namin ni Grae marami ang nanghinayang noon. Pero move on na sila, ako nalang ang hindi.
"Gwapo po ba ang anak nyo?" biro ko rin. Lalong nagtawanan ang mga kalalakihan.
"Napakaswerte ng mapapangasawa ng batang ito."
Sumang-ayon ang iba.
"Ikaw Grae kelan ka magpapakasal?" baling ni Mr. Mamarid sa kanya. Napayuko ako.
"Wala pa sa plano"
"So who's the lucky girl?" tanong nya ng hindi man lang bumaling sa katabi ni Grae.
Tumingin si Czeska kay Grae. Pero hindi sya sinukliaan ng tingin ng nobyo nya. Yumuko sya, nakaramdam ako ng awa.
"The girl beside him is her girlfriend, Sir." napalingon sakin si Mamarid at pabalik kay Czeska.
Napaangat ng tingin si Czeska, at halos papaiyak na.
"Oh.. I'm sorry I thought she's your secretary." Anong aasahan mo sa mamayaman? May iba talaga sa kanila na mapang mata.
"Actually she is" sagot ko. Nanahimik ang nasa paligid
"And wala naman akong makitang masama don. Inaalagaan nya ng maayos si Grae at hindi ako magtataka kung mahuhulog si Grae kay Czeska. She's a nice girl, a good catch. Saka look at them, they look good together. Perfectly made for each other." I said.
"Enough" simpleng sabi ni Grae.
Natahimik ang lahat, maging ako. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Czeska.
Napabuntong hininga ako. At tumalikod. Naglakad ako papunta sa butterfly garden na nadaanan ko noong nakaraan.
Ewan kung anong pumasok sakin para gawin yon.
Hays. Am I ok with it? I don't know. But the pain was lessened. Dapat pala mas mapadalas ang interactions namin. Nababawasan ang sakit. Nasasanay ang puso. Nakakaya ko.
Nakakaya kong magmahal nalang at di masaktan.
Acceptance.
Napaupo ako sa bench doon, ipinikit ko ang mata ko.
"Masochist" I stiffened when I heard his voice. Hindi ko binuksan ang mata.
"I am" I answered.
"Why did you do that? Are some kind of a match maker now?"
"Naawa lang ako sa girlfriend mo na hindi mo pinakilala" napahawak ako sa kumikirot kong ulo.
"You're not helping" bulong nya.
"Wag mo na pakawalan yun, patay na patay sayo yun" pumatak ang luha ko habang nakapikit ako.
Ayaw ko syang makita dahil baka magmakaawa nanaman ako, I kept my eyes shut.
"Go away Grae, promise hindi ako hahabol gaya ng gusto mo"
"No I'm staying."
"W-why?" napabukas ang mata ko.
"Because you love hurting yourself, I'm staying because I know it hurts to be near me and not having me"
"Conceited huh?" nag iwas ako ng tingin. At napangiti.
"How are you?" I asked.
Nakaupo sya sa kabilang dulo ng bench. Parehas kaming nakatingin sa mga paru-paro sa harap namin.
"I'm ok."
"Good for you" may kung anong harang sa lalamunan ko.
"Kamusta na k-kayo" bulong ko.
"Ok naman"
"Nice" I whispered.
Tahimik lang sya ganon din ako bago pa ako nagsimulang magkwento sa kanya.
"Growing up, si Cale lang ang tanging kaibigan na mayroon ako. Spoiled brat kasi ako ayaw ng mga kalaro ko sakin. Sya naman kami na tinuturing nyang pamilya."
Narinig ko ang buntong hininga nya.
"Pinagmamalupitan ng tatay nya yun eh lalo na pag hindi sya no.1 dapat lagi syang una. Ako yung nandon kada marami syang pasa. Kaya siguro mayroon kaming string sa isa't-isa. Then he left para makapag aral sa abroad" Ipinikit ko ang mata ko.
"Noong bumalik sya akala ko ok na sila ng Dad nya. Mukhang ok na kasi sila tapos hindi nag uusap. Akala ko si Cale na yung makakatulong sakin para makalimutan ka noon. I tried, I opened my door for him kaya umasa sya. Tapos bumalik ka and again, It's always be you."
"Nawala sya, akala ko ok na sa kanya kaso noong bumalik sya hindi na stable ang pag iisip nya. Sabi nya ako lang ang meron at nakakaintindi sa kanya. Nagalit sya noong hindi ako sumama kasi pinili kita kasi mahal kita"
"Nakipag usap ako sa kanya non para sa closure kaso nauwi naman sa aksidente"
Napaka tahimik ng paligid. Tanging pagtama lang ng hangin sa mga puno bukod sa boses ko ang maririnig.
"Again I chose you."
"Tapos dumating nalang sa point na dinalaw ko sya alam kong ayaw mo pero makulit ako. Dinalaw ko sya ng paulit ulit dahil sa awa, nothing more. At tama ka iba ang tingin nya si ginagawa ko. I risk my child's life. I lost her" tumulo na ang luha ko ng husto.
"My sweet little Avirae. Bilib na bilib ako non sayo. Nagawa mo pa akong pakiharapan. Kung ako yun hindi ko na siguro alam." napailing ako.
"Noong nakita mo kami sa kwarto nag papaalam sya at humingi sya ng tawad. Akala ko ok na lahat kaso huli na pala at hinding... H-hindi ko masisisi ang naging reaksyon mo"
"Pero hindi ko matanggap, kasi mahal na mahal kita. Gusto kong sumaya ka at alam kong hindi ka sasaya sakin." Lumingon ako sa kanya at nag tama ang tingin namin. Blangko ang mukha nya.
"Gusto ko lang humingi ng tawad. Gusto ko ihingi ng tawad bawat pagkukulang ko sayo. Ihingi ng tawad lahat ng sumobra. Gusto ko ihingi ng tawad yung kay Avirae" napahagugol ako.
"Sorry for hurting you" tumingin ako sa mata nya.
"Gusto ko lang lumaya sa sakit. Gusto ko maging masaya para magawa kong maging masaya pag nakikita ka kahit nasa piling ka na ng iba"
"Alam kong hindi kita makakalimutan. Mahirap ang pigilan ko ang sarili na hindi kana mahalin. Hahayaan ko lang, wala akong gagawin para kalimutan ka pero gusto ko lang pigilan ang sarili ko na masaktan kasi kotang kota na ko"
"So-sorry Grae" Humagulgol ako at Inilabas ko na lahat dahil huli na ito.
I'm not giving up. But I'm giving myself a chance to be happy. Even without him. Even if I still love him.
Tumayo ako para sana umalis.
"Mavie..."

BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.