Epilogue

19.3K 419 72
                                        

GRAE'S

"You promised me! Sabi mo... Sabi mo hindi mo ko sasaktan!" Umiiyak na sigaw ni Mavie.

Agad akong umiwas ng makita kong hawak nya yung isang antique na figurine from China.

"Babe that's the last piece! Wala nang iba pa nyan collectors item yan please!" I begged. I know she's mad. Wala naman akong magagawa don. I need to endure her rage.

"I DON'T CARE! You need to feel my pain too!" napalunok ako.

3 million pesos ang halaga ng matandang Buddha na gusto nyang ibato. Napanalunan ko iyon sa isang bidding at ang sakit lang isipin na magiging sanhi pa yata ito ng bukol sakin.

"And these.. These are the only way!" She's crying, if only I can take her pain away.

Broken lampshades, crystal glass, antique figurines are everywhere. Kanina nya pa ko binabato, all i did was to keep my self guarded ayaw ko ng concussions.

"Babe, let's do this right, ok... Let me help you. You know that I will always be here for you, right? I'm here... And I'm sorry for hurting you"

Iyon Lang ang kaya kong gawin for now, ang manghingi ng tawad. Though it's not my entirely my fault pero seeing her crying in pain and can't do anything about it makes me feel that I'm the sinnest man here on earth.

"Sorry, ok? Baby... Let me make it up to you. I promise hindi na ako uulit." I write a mental note to myself na bawiin iyon pag ok na ang lahat.

She's crying habang hawak nya sa kanang kamay nya yung Buddha at nakahawak ang kaliwa nyang kamay sa lamesa. Hindi ko na matandaan kung paano kami nakarating sa ganitong sitwasyon. Kailangan ko pa atang magkabukol para marealize nya na hindi ko to kasalanan.

"But it hurts, sobrang sakit." panay ang hinga nya ng malalim.

"Everything will be ok... I promise... " tumango sya habang sumisinghot pa. Umiiyak parin sya and it really breaks my heart to see her this weak.

"Now baby, can you put that thing down?" maingat kong sabi habang naka angat ang dalawang kamay ko to guard my head.

Tumango sya.

I sighed.

"Can I go near you? Are you ok with that?"

Tumango sya, poor Mavie. Lumakad ako hanggang sa makarating ako sa gilid nya.

"Grae, ang sakit sakit kasi. Hindi mo to kasalanan per----" napapikit nanaman sya.

"Breathe baby, breathe...." she inhaled and exhaled.

Hinawakan ko ang tyan nya. Tatlong oras na syang nag lalabor. Andito kami sa bahay. Yes, dito ko piniling manganak si Mavie. Nagpaset ako ng mini hospital sa isa sa mga kwarto dito. Actually, mas hi-tech pa ang equipments ko dito kesa sa ilang hospital sa Pilipinas.

I want the best for my family so I even hired a well-known doctor from the states plus 3 nurses to assist her.

"Ahh--- baby, ang sakit..."

Awang-awa na ako sa asawa ko. Sa totoo lang nasasaktan din ako sa nakikita ko. Totoo nga na pag mahal mo ang asawa mo at dala nya ang anak mo, hindi lang sya ang buntis kundi kayong dalawa.

"You can do it. Para kay baby Marieé" tumango sya habang umiiyak.

Time passed and her situation worsened. Mas matindi ang mga sumunod na contractions. Halos madurog ako sa higpit ng kapit nya.

"I- I think she's near... I'm near... M-my waterba--g br--"

"You want water?" Nalilitong tanong ko. Lutang na lutang din ako at takot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon