23

17K 344 43
                                        

Chapter 23: you gotta fight for it.

Mavie's

Bumalik ako na lugmok sa pwesto ko. Nag uusap ang mga nasa paligid ko. Naririnig ko kung paano halos sambahin nila ang angking galing ni Grae sa pag nenegosyo..

Lahat nalang si Grae paano ako makakatagal sa pwesto ko kung puro sya.
I excused myself from that crowd and went out to breathe.

Napatingin ako sa langit. Ang hirap akala ko happy ending na pag dating nya kaso hindi.

"hmmm babe..." napalingon ako sa ungol na narinig ko.

"oh please...." sinundan ko ang tunog kung saan nagsisimula ang ungol na narinig ko.

Nasa garden kasi ako. Ewan ko ba dapat hindi ko pinapansin eh pero may kung anong humihila sa paa ko.

"oh please.. GRAE do it.." i froze.

"shut your fvcking mouth" he says.

"get a room" i whispered pero hindi nila narinig yon. Kumukulo ang dugo ko. Mga Baboy!

"damn it! I said stop and get a room!" i shouted. Napalingon si Grae sakin. Hindi naman sya nagulat, nagpunas sya ng bibig.

"it's our private moment why are you here"

"private moment in a public place." i cleared

"public place that's owned by me" he answered back.

"hindi kaba nahihiya?"

"why should i? Hindi ba dapat ikaw ang mahiya?"

"anong dapat ko ikahiya?"

"madami" he said

"enumerate?" balik ko sa kanya. Wala eh kumukulo ang dugo ko.

"excuse me guys" umalis yung babae nakaramdam ata

"ano grae enumerate" matapang kong sabi di naman sya sumagot.

"manahimik ka." nagtangka syang umalis pero pinigilan ko sya at kinabig palapit sakin.

Pinalupot ko ang mga braso ko paikot sa katawan nya saka Idinikit ang tenga ko sa dibdib nya.

Ang sakit kasi, pero ganon naman talaga kung sino ang nagko-cause ng pain sayo sya rin nakakatanggal nito.

"stay still please" i whispered. Hindi sya kumibo.

"mahaba haba pa ang ilalaban ko para mawala ang takot mo." i continued.

Ang bilis ng tibok ng puso nya.

"for now let me recharge first. Hinang-hina ako Grae.. Hindi ko alam ang gagawin ko" pumapatak ang luha ko.

Hindi sya gunagalaw, hindi sya gumaganti nga yakap. Hindi nya rin ito tinatanggal.

"miss na miss na miss kita, akala ko mababaliw narin ako."  bulong ko lang.

Hindi sya sumasagot mabilis lang ang paghinga nya.

"nakakabaliw nga talaga ang pag-ibig" Humiwalay ako ng yakap.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan muli kong nahawakan ang mukha nya. Nakatitig sya at walang bakas ng kahit na anong emosyon.

I traced his eyes, he closed it. Then tip of his nose, then his luscious lips.

"gisingin mo ko sa masamang panaginip na ito... Paano mong nagawang makalimutan ang lahat ng ganoon kadali?" tumataas baba ang adam's apple  nya.

Patuloy na umaagos ang luha ko.

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon