13

26.7K 388 10
                                    

Chapter 13: his mom.

Nakauwe kami mula palawan na may baon na Iba't-ibang alaala.

"you must be tired, go to sleep" he said.

"how about you?"

"may mga gagawin lang ako and after that mag papahinga narin ako, goodnight mavie"

"good night" tumalikod na ko pero hunarap ako pabalik.

"and by the way, thanks for saving me" i briefly smiled.

__

"good morning, alis na ko pero babalik ako agad" humigop sya sa kape nya sabay akmang pag aayos nya ng kurbta nya.

"ayusin ko muna yan" napatingin sya.

"ok" lumapit sya sakin

"dito ako mag didinner" sabi nya.

"ok what do you want for dinner?"

"hmm anything"

"ok.. there you go." pag kayos ko ng kurbata nya.

"see you later mavie"

"see you"

Pag alis nya ginawa ko ang mga pangkaraniwang bagay na ginagawa ko. Dahil nga wala kaming kasamang katulong dito ako ang naglilinis ng buong bahay, hindi naman mahirap dahil hindi naman nadurumihan. Iniisa isa ko ang bawat silid sa bahay.

Ang huling kwarto dito sa second floor ay ang playroom ni Grae, hanggang ngayon kada pumapasok ako dito hindi nawawala ang kilabot ko.

Pinunasan ko ang bawat flat surface na na andon. Pinalitan ko ang mga bedsheets nilinis ko ang lahat ng nandon.

"si Grae kaya ang nagpaint nito?" naalala ko nanaman yung malaking painting sa kwarto nya.

Mahilig sya sa malalaking canvass. Yung tipong dikit sa kisame hanggang sahig. Binusisi ko ng husto ang painting nayon. Ang pulido ng pag kakagawa. Isang babaeng papalayo at unti-unting kinakain ng dilim.

"feminism" mahilig sya sa babaeng subject.

Kinuha ko ang basahan at pinagpasyahan nalang na punasan ang gilid ng canvass.

Kumuha rin ako ng banko para maabot ang tuktok na bahagi nito. Matyaga at maingat kong nilinis ang bawat sulok nito ng sinasadyang..

"ahh!!!" napakapit ako sa canvass at tuluyang nalaglag.

"aray.. PATAY!" imbis na dumaing sa sakit ay takot ang naramdaman ko. Napatingin ako sa painting.

Umuwang ito at bahagyang nahiwalay sa pader. Napabalikwas ako ng tayo, lagot ako nito.

"patay ka mavie." takot na takot kong hinawakan ito, halos lumundag ang puso ko ng lalo itong humiwalay.

Napapikit ako.

Isa.. Dalawa..tatlo.. Minulat ko ang isang mata ko.

"hindi nalaglag?"

"may pinto?" sa likod at sa mismong pader na kinakabitan nito ay may isang pinto.

Curiosity yan ang naramdaman ko. Saan naman kaya papunta ang pintong ito?

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit.

"bukas..." bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong tinulak ang konti ang pinto.

Nang nabuksan ko na ito ng maliit. Sinilip ko ang loob.

"ang dilim"

"mavie?!" sigaw ni Grae mula sa ibaba.

Nagmamadaling sinara ko ang pinto at idinikit ng maayos ang painting. Wish ko lang di nya mapansing nagalaw to.

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon