Magbasa ng authors note sa baba.
Chapter 25: separate lives.
On that same spot may isang babaeng nakaluhod at walang saplot. Nakatirintas ang buhok nya at nakatingin sya sa semento.
Nakita ko kung paano nanginig ang katawan nya mapagtantong hindi nag iisa si Grae, ang kanyang master.
Umaagos ang luha ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko bukod sa bakit nagawa nya ito?
Hindi kaya ng tuhod kong tumayo, wala lumalabas sa bibig ko, hindi ko magawang manumbat. Andoon lang ako umiiyak, tulala, nangdadasal na sana may magligtas sakin sa sitwasyon na ito. Dahil kung tama ang tancha ko? Itong nararamdaman kong sakit ay sapat na para patayin ako.
"camille" sabi ni Grae.
"yes master" nakaluhod sya at hindi tumingin samin.
"umakyat kana at wag lalabas hanggang wala akong sinasabi" Dali-daling tumayo ang babae at walang lingon-lingon na umakyat papunta da kwarto nya.
Ang submissive na gusto ni Grae. Yung hindi nangangatwiran, walang restrictions, yung gagawin lahat for him.
Nakakatawang pagkakataon.
Karma... Kinakarma ako kahit wala akong ginawang masama.
Napahilamos ako sa mukha ko alam kong napaka miserable ng itsura ko ngayon.
Bakit hindi ba? Napaka miserable ko.
Umiiling ako, tumatawa.. Sinasampal sampal ko yung mukha ko."gising mavs gising nanaginip ka" tumingin parin ako sa paligid nandito parin ako.
Tumayo ako lumapit kay Grae.
"utang na loob! Gisingin mo ko Grae. Gisingin mo ko" kinuha ko yung kamay nya at hinahampas ko katawan ko
"oo na nakaganti kana! Masakit na sobra na yung sakit tama naman na! Tama na!" sigaw ko.
Hindi sya kumikibo pero nakatikom ang mga kamay nya. Hinawakan ko ang mukha nya.
"panaginip to diba?" tumatango ako kinumbinsi ko ang sarili ko.
"hindi ba!! Sumagot ka p*tang ina ka!" tinutulak ko at sinusuntok sya.
"gago ka! Hindi ko pinilit sayo ang sarili ko! Hindi ko alam na minahal mo ko ng husto! Ikaw yun! Kasalanan mo yun!" tinutulak ko sya.
"pero tinanggap ko! Sabi ko oo mavie kasalanan mo kasi pumasok kana dito eh" tinturo turo ko yung puso ko.
"nandito kana... Andito ka! at ayaw mong mawala.." bulong ko..
" KAYA SINO KA PARA SAKTAN AKO NG GANITO GRAE! SINO KA!" pumikit sya ng mariin.
"kung iniwan kita ng noong mga pagkakataon na yon kasi gusto kong matuto ka. " nanghihinang bulong ko.
"kung nasaktan ka patawarin mo ko" bulong ko. Nakatitig sya sakin.
"ano pa bang gusto? " tanong ko.
"ito ba?" hinawi ko ang buhok ko at pinunasan ang sarili ko, ang mukha ko.
Pumikit ako ng madiin.
Saka unti unting lumuhod sa harapan nya.
Lumuhod at binaba ko ang sarili ko. Kung ito ang gusto nya para matapos na ang lahat
"ito diba? Sige na Grae ginawa ko na please.. I'm submitting to you. Tama na.itigil na natin ang bangungot na to kasi hindi ko na kaya.."
Nanatili lang akong ganon.
Nakaluhod sa harap nya. Walang kibo.

BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.