"I think I'm starting to like her."
I don't know on who is he referring to, I'm just looking at him and thinking "talaga bang nagustuhan niya ako?"
Life is really unfair, it seems like it was just easy for him to moved on but it's okay I guess?
Gusto ko lang na bumalik yung pagiging komportable namin sa isa't-isa pero parang sa aming dalawa ako lang ang masyadong naapektuhan.
"Sino ba sa dalawa?" I asked him referring to Dayana and Sasa.
"Si Dayana."
Yes, inaasahan ko na naman na "Dayana" ang sagot niya since Dayana is not that hard to like on the first place.
Pero pakiramdam ko may kumurot sa puso ko, sounds so weird but yeah that's really the term. Basta masakit sa dibdib.
"Ang ganda niya kasi." Pag sang-ayon ko
He shook his head "hindi lang siya maganda...kasi parang nasa kaniya na lahat ng hinahanap ko sa babae. Siya yung tipo na seseryosohin talaga."
Panibagong sakit na naman yung naramdaman ko sa puso ko. This is more than just an attraction.
"Yeah." I nodded approvingly. I fake a yawn to have an excuse to go home. "Inaantok na ako. Uuwi na ako ha?"
"Hatid na kita?"
Tumayo siya sa kinauupuan niya "no. I can manage, marami ka pang bisita so enjoy your day. Happy birthday ulit."
Hinatid niya ako sa labas at pinagpara ng taxi, bago ako makasakay ng taxi hinigit niya ang kamay ko palapit sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit. "Namiss kita pare. Sobra!"
I smile at sumakay na sa taxi, my heart is pounding so fast. I feel like I can't breath properly. Hawak ko lang ang dibdib ko ng magtanong sa akin yung taxi driver.
"Boyfriend niyo po yun ma'am?"
"Hindi po." Sagot ko habang umiiling
"Pero may gusto ka sa kaniya no?"
"Ho?" Nagulat ako sa tanong niya, kaya nag dalawang isip ako kung sasagutin ko ba siya o hindi
Tumawa lang siya bahagya at tsaka ulit nagsalita "kitang-kita naman po sa mga mata niyo na gusto niyo ang isa't-isa. Bakit hindi pa po kayo magkaaminan?"
Natawa naman ako sa sinabi ni manong, masyado na pala akong halata. Masyado lang sigurong manhid si August kaya hindi niya pansin. "Nako, bestfriend lang po kami."
"Diyan din po kami nag-umpisa ng misis ko."
**
Pagkauwi ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto para makapag-pahinga na.Naglinis muna ako ng katawan at chineck ang cellphone ko.
From: Dayana
"Iniwan mo na ako dito kila August :("
Hindi ko alam pero parang bigla akong nainis kay Dayana. Alam ko hindi naman to tama dahil wala naman kaming relasyon ni August bukod sa pagiging mag-bestfriend. Pero siguro selos ang tawag dito.
Maya-maya pa tumawag siya sa akin.
"Yes?" I asked in a bored manner
"Did I wake you up?"
I fake a yawn, wala ako sa mood makipag-usap. "Not really."
"Hayst. Alam ko inaantok ka, but I swear magigising ka dito sa sasabihin ko."
Tumango ako, as if she would see me. "Okay, ano iyon?"
"August asked me out!" Nagising ako sa narinig ko, muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko.
"Hello Kirs?"
"Good for you." I fake a laugh "good for you." Ulit ko pa and I ended the call.
Naramdaman ko na tumulo yung luha ko, I wiped it as soon as I heard a knock on my room.
"Pasok."
Dali-daling tumakbo si August palapit sa akin at niyakap ako. "I asked Dayana out and she said yes."
Tumango ako, he is still hugging me. Bumitaw ako sa kaniya at tinignan siya. He is so happy, this is different from the other girls he dated.
"Paano ba gagawin ko? I wanted to court her."
