"I want to take a chance on you Oliver."
Gusto kong sampalin yung sarili ko dahil sa sinabi ko, nasisiraan na ba ako ng ulo at pati si Oliver dinadamay ko?
Lumakad na ako palayo at pilit na hindi pinapansin si Oliver. Ano ba kasing nangyayari sa akin?
"Huy, ano ba yung sinabi mo?"
"Hey, pansinin mo naman ako."
"Kahit ano pa yung sinabi mo, di ako tatawa promise!"
Syete naman oh! Katabi ko nga pala to, at magllunch time na kinukulit pa rin niya ako.
"Hey."
"Ay butiki!"
"Sa gwapo kong to, butiki lang ako?" Nag pogi sign pa siya.
Hindi niya ba talaga ako narinig o gusto niya lang marinig na ulitin ko yun?
"Hindi mo talaga narinig yung sinabi ko kanina?"
"Narinig ko naman, kaya lang gusto kong makasigurado."
"Nevermind that okay? Kalimutan mo na iyon."
"How can I forget that if that's what I'm longing for to hear from you?"
Oh shit! Eto na nga yun sinasabi ko e, ayokong paasahin si Oliver. He's so nice to me.
"Oliver..."
"Why don't we give it a try Kirs?"
Napabuntong hininga na lang ako, ganito niya ba talaga ako kagusto na kahit alam niyang may gusto ako sa best friend ko e okay lang sa kaniya?
"Not now...please"
Kinuha niya ang dalawa kong kamay, At tsaka ngumiti sa akin. Oliver is so attractive plus the fact that he is nice and that's the reason why I don't want to took him for granted.
"Is it August?"
"Bakit naman siya nadamay sa usapan?"
"Is it August that stopping you from taking a chance on me?"
Nagpakawala muna ako ng buntong hininga at tsaka nag-isip ng mabuti. Is it really him?
"It's not him, it's just that..."
"Then let's give it try? I'm not saying na boyfriend mo na ako, but at least uhm...MU?"
MU? As in mutual understanding? But we don't have the same feelings. Tss
"Ano...Oliver"
"Okay, I'm going to court you. Just don't close your door for me. So?"
Instead of answering, I just nodded to him and smiled.
"Ligaw lang ha?"
"Yes. Atleast there is a chance between the two of us."
Lumakad na kami papunta sa room ng makasalubong namin si August. I don't know how to approach him, it's kinda awkward but I don't want to lose our friendship.
Siniko ako ni Oliver "himala, di ata kayo nagpansinan?"
I thought babae lang ang tsismosa, minsan pala pati lalaki rin. -_-
Should I tell him? Well, halos lahat na naman ata alam na ni Oliver tungkol sa akin. Pero I guess, hindi ko na lang ikkwento sa kaniya ang nangyari.
Umuwi si Oliver ng maaga, dalawang subjects ang hindi niya napasukan. May family gathering daw sila, sinasama nga ako because he wanted me to introduce to his family but I refuses.
"What?! Eh akala ko ba gusto mo tong si August? Tapos ngayon na nagtapat na sayo e, binasted mo naman. Alam mo di kita maintindihan e."
"Alam mo, you'll never understand me kasi hindi ikaw yung nasa posisyon ko."
"Just give it a try, you know..."
Kinuwento ko lahat kay Sasa, ang hirap kasi kapag tinatago mo lang sa sarili mo. Good thing Sasa is here to listen to me.
"And what if it didn't work out? Eh di goodbye friendship?" I asked
"Eh bakit sa ginawa mo ba sa kaniya ngayon, anong nangyari ha? Di ba kayo nagka-away?"
"We'll be best friends forever. We just both need time and space to move on."
"Exactly! Sa nangyayari ngayon para na rin kayong nag break e."
Napaisip ako sa sinabi niya. I think I need to make a move para magkaayos kami ni August.
Mataas ang pride ng lalaking yun, kaya ako na lang ang magpapakababa kesa naman yung pagkakaibigan namin ang mawala.
I texted him, bahala na kung magreply o hindi.
Nagluto akong carbonara. U like?
3 oras na yung nakakalipas wala pa rin siyang reply. Pilit kong iniisip na nagbabasketball lang yun o kaya naman nambabae, pero takte naman! Bahala siya sa buhay niya!
Maya-maya lang may nag doorbell, dali-dali akong bumaba. Halos mahulog pa ako sa hagdan sa pagmamadali, baka kasi si August na yun. Maiksi pa naman pasensya nun.
"Au-hello po tita. Kasama niyo po si August?"
"Ay nako hindi. Pauwi na kasi ako ng magtext si August. Daanan ko daw dito yung carbonarana niluto mo?"
Kumunot yung noo ko. Kapal ng mukha ni Agosto! Talagang inutusan nya pa yung nanay niya ha?
Mabuti pa yung carbonara hindi niya matiis, samantalang ako? Ay, ewan sa kaniya!
"Pasyensya na po, hindi pa po kasi luto e."
Excuse ko lang naman yung carbonara para magreply siya, malay ko ba na papupuntahin niya dito si tita Hazel.
"Iintayin ko na lang?"
"Dalhin ko na lang po bukas, kailangan din po kasi namin mag-usap e."
"Bakit may problema ba kayo?"
Tsismosa din tong nanay ni August e. May problema nga ba kami?
"Wala po, may hindi lang po kami napagkasunduan."
"Ganun ba? Sige, una na ko ha."
"Sige po. Ingat kayo."
Nagtext ulit ako kay August.
Kapal ng mukha mo hoy! Nanay mo pa talaga pinakuha mo?
Hindi ulit siya nagreply, nabasa niya na kaya yung text ko? Sana kasi may 'seen' na rin sa text para hindi ako naghihintay sa wala. Tss
Kinabukasan pagpasok ko yung kalandian agad ni August yung bumungad sa akin. Wait! Akala ko ba mahal niya ako?
Isang linggo pa nga lang buhat nung umamin siya sa akin e. Teka, bakit ko ba yun iniisip? Siguro wala lang siyang malandi kaya pati ako dinadamay niya na.
"Pssst"
Halos lahat ng estudyante sa hallway lumingon sa akin pwera sa kaniya kaya naisipan ko na lang siyang tawagin sa pangalan niya.
Good thing lumingon naman siya. Sinabi niya naman sa kasama niya na mauna na muna at tsaka siya lumapit sa akin.
"What?!" Halata mong may pagkairita sa boses niya
"Okay ka na ba?"
"I am okay, may masakit lang sa akin."
Naglakad na siya, sumabay naman ako sa kaniya.
"May sakit ka ba?" Hinipo ko yung noo niya
"Wag ka ngang lumapit sa akin!"
"Per-"
"Are you that insensitive? We can't be friends again Kirs!"
"August na..."
Lumigon siya sa akin at binigyan ako ng tingin na hindi ko maintindihan.
"I realized one thing Kirs and I guess you can't just be friends with someone you are madly in love with."
![](https://img.wattpad.com/cover/21367222-288-k568576.jpg)