"Ayusin mo na yung gamit mo Kirs, we're going home."
Nanginginig sa galit si August. What happened? He doesn't usually fight, not until he is really pissed off.
"Bakit hindi na lang natin sila hinatayin? Uuwi na rin naman sila diba?"
Nakaupo lang ako sa kama at si August na ang nag-ayos ng gamit ko.
"Let's go!"
Agad din naman akong sumunod sa kaniya. Ayoko ng dumagdag pa sa init ng ulo ni August. Good thing meron mga taxi na nadaan dito kaya madali kaming nakasakay.
"Ano bang nangyari? Sabi ko naman sayo diba pakisamahan mo si Oliver, nagiging overprotective lang yun sa kapatid niya."
Ginulo niya ang buhok niya at tumingin sakin. May galit pa rin sa mga mata niya pero hindi kagaya kanina somehow he manage to be calm now.
"Kita mo naman kung gaano ko siya pinakikisamahan diba? Pero iba yung kanina, niloloko ka niya!"
Nabigla ako sa sinabi ni August. Hindi ko alam kung paano ako mag reresponse sa sinasabi niya. Oliver has been nice to me since we met at alam ko din naman na hindi ako lolokohin ni August when it comes to this matter.
"I know you don't like Oliver for me but you don't have to made up stories for me to hate him."
Hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa lap ko. I am so confuse that I don't know what and who to believe.
"I heard him talking to someone on the phone..." He is trying to stay calm "urgh! Sabi ko na 'e, from the start ayoko na sa kaniya and I am right. Kagaya ko rin siya, He's not good enough for you!"
He ball his fist and I just look away, hours seems like days. Parang ang tagal ng biyahe. All I want to do now is to shut down my mind from thinking.
Bumaba na kami ng taxi at agad ko ng kinuha yung gamit ko pero inagaw niya yun sa akin. "Ako na magdadala."
Hinila ko rin iyon agad pabalik sa akin "kaya ko naman."
Hinawakan niya ako sa braso at tsaka hinarap sa kaniya. Ang talim ng mga tingin niya sa akin "you don't believe me, do you?"
"I want to hear Oliver's side first."
Pumasok na ako sa loob at agad isinara ang gate. Sinipa niya ang gate because of what I do.
"Bestfriend mo ako! Why don't you believe me?"
Nanghina ako sa tanong ni August but I don't want to believe him. He didn't even bother to explain kung ano ba yung narinig niya. Basta ang alam niya niloloko ako ni Oliver.
Natulog na lang ako maghapon at nagising ako ng 3AM. Naiiyak na lang ako kapag naalala ko yung sinabi ni August but why Oliver would do that?
Binuksan ko iyon ilaw sa kwarto ko at nanood na lang muna ng tv. Nagring yung phone ko, Oliver is calling. Sa ganitong oras?
Agad ko naman itong sinagot, I just want to hear his side kahit alam ko na naman sa sarili ko ang totoo. August is maybe a jerk but he'll never made up stories.
"Nandito ako sa labas niyo."
Sumilip ako sa bintana at nakita ko na nakapark ang kotse niya sa labas ng bahay at nakasandal lang siya dito. Pinatay ko na ang tawag niya at tsaka bumaba.
Agad siyang lumapit sa akin ng makita niya ako "kanina pa ako dito, sabi ng mama mo bukas na lang daw tayo mag-usap kasi mukhang pagod ka." He step closer to me "hindi din naman ako makakatulog hanggang hindi kita nakakausap kaya naghintay na lang ako dito."
Napansin ko ang maliit na cut sa may labi niya kaya hinawakan ko ito. Lumunok muna ako bago ko siya tinanong "ano bang nangyari?"
Hindi siya makatingin sa akin ng deretso habang nagsasalita.
"Nag-usap kami ni August kanina, I told him that I really love you then he punched me." He fake a laugh to lighten up the mood "tapos ayun, dumating na kayo."
"Ang kailangan kong marinig ay yung totoo."
"That's the truth Psyche."
Pumasok na ako sa loob. If that's what happened, then why August is so mad? I'm confused. Is he being overprotective again?
Sabay kaming pumasok ni Oliver, nakasalubong pa namin si August na matalim ang tingin sa amin. Sasa asked me kung ano nangyari kahapon, pero hindi ko na sinagot. Kahit ako hindi ko pa alam ang totoo.
August should clear this.
"Sabay tayo mag lunch?" Oliver asked me, tumango na lang ako.
Pagkalabas ko ng room may humila agad sa akin papunta sa dulong part ng school.
"Believe me Kirs! Why don't you believe me?! I'm trying to protect you from him."
Ayoko man umiyak pero tumulo na yung luha ko. August is mad, he is really mad.
"Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko!" Tumalikod na ako sa kaniya pero tinawag niya ako with full of authority.
"Yung lalaking pinagkakatiwalaan ko, yung lalaking akala ko hindi ako lolokohin, ginagago ako ngayon!" Humikbi ako at nagpunas ng luha, this is maybe the biggest mistake of my life "tapos ikaw!" Dinuro ko ang dibdib niya ng paulit-ulit. "Ikaw na akala ko manloloko, ikaw yung nagseseryoso ngayon!"
Tumakbo na agad ako pagkatapos kong sabihin iyon. Why did I trust Oliver too much?
Tumakbo lang ako hanggang sa may naramdaman na lang akong yakap. Tinignan ko kung sino ang lalaki sa harapan ko pero agad akong lumayo ng makita siya.
"I gave you my trust Oliver!" Pilit siyang lumalapit sa akin pero lumalayo ako agad sa kaniya "I almost gave you my heart! Why?!"
Nagpunas ako ng luha, hindi dapat ako umiiyak ng dahil sa lalaki.
"Ano bang sinabi sayo ni August?" Tanong niya, quit it Oliver. I won't buy it.
"Wala siyang sinabi, pero alam ko na niloloko mo ko. Bakit?!" My voice broke "ayoko maniwala e, you've been a perfect man for me. Pero bakit?!"
Niyakap niya ako at mas lalo akong napahagulgol when he mutters his "sorry." While caressing my back.
At dahil sa sorry niya, I know na kahit hindi man sabihin ni August ang buong nangyari, alam ko that Oliver is just really playing with me.
