11. Double date

324 9 0
                                    

"Ano yung surprise na tinutukoy ni August?" Tanong ni Oliver pagkaupo ko sa tabi niya

"Ah wala." Ayoko naman pangunahan si Dayana sa pagsasabi kay Oliver na nanliligaw na sa kaniya si August.

Sa pagkakaalam ko kasi mahigpit si Oliver kay Dayana pagdating sa mga lalaki, kahit ako din naman sa posisyon ni Oliver siguro ganoon din ang gagawin ko. Dahil napakaswerte ng magiging boyfriend ni Dayana, she is almost perfect.

Lutang lang ang isip ko habang nagkaklase. Break time ng magtext sa akin si Dayana, sabay na daw kami sa kanila ni August kumain.

Sila na kaya ngayon? Napailing na lang ako sa naiisip ko.

Sabay kaming pumunta ni Oliver sa foodcourt ng school. Agad naman kumaway sa akin si Dayana ng makita niya kami ng kuya niya.

Umupo ako sa harap ni Dayana at sa tabi ko naman umupo si Oliver.

"Kuya may sasabihin ako sayo." Umpisa ni Dayana ng makabili na kami ng kani-kaniyang pagkain.

"Go on."

May kinang sa mga mata ni Dayana, parang ako yata ang hindi handa sa maririnig ko. Nakikinig lang naman si August at nag-aabang ng sasabihin ni Dayana.

"Nanliligaw sa akin si August." Tumango naman si August

Nanliligaw? Hindi pa sila?

"And I'm actually planning to ask her out tomorrow. Sabi ni Dayana ipagpaalam ko daw muna sayo." Dagdag naman ni August

"Okay, I'm coming with you guys."

Napanganga ako sa sinagot ni Oliver. Ano siya chaperone?

"Take Kirs with you Kuya. It's a double date." Pumalakpak pa si Dayana sa idea na naisip niya.

"I think this is not a good idea Dayana." Bumaling ako kay Oliver "bakit hindi mo na lang sila hayaan bukas Oliver?"

Nginisian ako ni August na akala mong isa akong guardian angel niya dito. I shouldn't be helping him with this.

"Sorry Psyche, not that I don't trust August pero alam mo naman siguro kung gaano kamanloloko to si August diba?"

"Kuya..." Pigil ni Dayana, halata kong nagpipigil lang ng inis si August dito sa harap namin.

I can't blame Oliver also if he's being rude. Pinoprotektahan niya lang ang kapatid niya, he doesn't want Dayana to be hurt.

"Okay lang kung sasama kayo Kirs." Sagot ni August at tumayo na.

**

"Na-offend ata si August kanina."

"I know. Pero ayoko naman na mahanay ang kapatid ko sa nga naloko niya."

Bumuntong hininga ako at pinag-tanggol si August "nagbago na naman siya."

Nagkibit balikat lang siya at hinatid na ako sa bahay.

"Pakasabi na lang kay August na dito na lang tayo magkita sa inyo bukas."

Tumango na lang ako, ayoko talaga sumama sa kanila bukas. Magpapanggap na lang siguro akong may sakit bukas. Ayoko naman makita kung gaano kalandi si August no, buti sana kung ako yung nilalandi niya. Ay! Ano ba tong iniisip ko.

**

"Kirs gising na!"

Naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko, minulat ko ang isang mata ko para makita kung sino ba tong umiistorbo sa napaka sarap kong tulog.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon