28. Battle for the heart

283 7 0
                                    

"Anak may sasabihin ka ba?."

Natatakot akong lumapit kay mama. Paano ko ba sasabihin to? Napag-usapan na namin dati na hindi pa ako pwedeng magboyfriend. Not until I graduate.

I can consider suitors naman daw but no boyfriend muna. Alam ko naman ang limits ko and I'm already 18.

Hindi pa naman kami ni August but I am already planning to. Hindi na rin naman siguro kailangan pa ng mahabang ligawan? Basta all I know is I really love him.

Umupo ako sa tabi ni mama. Sasabihin ko pa lang sa kaniya ang tungkol sa amin ni August ng magsalita siya "sinabi sa akin ni August na nililigawan ka niya."

August didn't tell me about this. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalam na gusto ko na siya sagutin, I don't even know if my mom would allow me.

"Nililigawan ka din ni Oliver hindi ba?"

Sasagot pa lang sana ako ng 'hindi na' ng may nagdoorbell. "Ako na magbubukas." Agad naman tumayo si mama at pinagbuksan kung sinoman ang bisita namin.

"Speaking of Oliver. Maupo ka hijo."

May dala siyang isang box ng donuts. Pumunta naman ako sa kusina para makuha siya ng maiinom. Bakit siya nandito?

Pagkabalik ko sa salas ay masaya lang silang nagkekwentuhan ni mama. "Andiyan na si Kirstain hijo, ano nga bang sasabihin mo tungkol sa kaniya?" Parang bigla akong kinabahan sa sinabi ni mama. Ano ba talagang pakay niya?

"Actually, kaya po talaga ako nandito ay gusto ko pong magpaalam." Saglit na tumingin sa akin si Oliver bago siya nagpatuloy sa sasabihin niya "gusto ko po sanang ligawan ang anak niyo."

Parang nawala lahat ng dugo ko sa mukha. Ganoon na ba kahaba ang buhok ko? Tss.

"Eh hindi ba't noon ka pa nanliligaw sa anak ko?"

Gusto ko sanang sigawan si mama at ipaalala na sa kaniya na mismo nanggaling na hindi pa ako pwedeng magboyfriend. Pero parang dahil kay Oliver ay mababali ang rules niya. Bakit ba gustong-gusto niya si Oliver?

"Opo pero..." Nag-aalinlangan pa siyang kinuwento kay mama ang nangyari. At least he's being honest now.

Tumango-tango lang si mama habang nagkukwento si Oliver. Nakikinig lang siyang mabuti pero wala naman bakas na galit sa kaniya.

"Pero pangako po, ngayon hindi ko na siya lolokohin. This time all I want to do is to make her happy and love her."

Hindi ako nagbibigay ng kahit na anong reaksyon sa mga sinabi ni Oliver. Is it real for this time? I don't know either.
Tatayo na sana ako ng mabanggit ni mama ang pangalan ni August kaya nakinig ako sa usapan nila ulit.

"Nagpaalam din si August na manliligaw kay Kirstain. Ang desisyon ay na sa kanya at sana lang din pumayag kayo sa isang kahilingan ko. Gusto ko munang magtapos ng pag-aaral si Kirstain bago siya mag boyfriend."

"Makakapag-hintay naman po ako."

Umakyat na ako sa kwarto ko at tinext si August 'nandito si Oliver, nagpaalam siya kay mama na manliligaw siya sa akin.'

Kakalapag ko pa lang ng cellphone ko sa lamesita ng nakita kong nag-reply na agad si August. 'Nagpaalam pa siya. Basted mo na rin naman siya.'

Natawa ako sa reply niya kaya naisipan ko na naman siyang asarin 'nakakasigurado ka ba? He is already making his first move 😉'

Hindi na naman nagreply si August kaya naligo muna ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay nandoon si August at nakahiga sa kama ko kaya agad akong napabalik sa banyo. Gosh! For pete's sake naka tapis lang ako ng tuwalya.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon