21. Say yes

288 8 0
                                    

"Wag ka ngang magmukmok diyan friend."

Kanina pa ako nakatalukbong ng kumot dito sa hotel room namin habang ang lahat ay nagsasaya. Mabuti na lang naisipan ni Sasa na samahan ako dito sa kwarto, kung hindi kanina pa ako nagwala at umiyak dito.

"Ano ba kasi problema mo friend?"

Inalis ko ang kumot na kanina pa nakatakip sa akin at tsaka ako umupo sa kama.

"Si August..."

"Lagi na lang si August." Putol ni Sasa sa akin pero pinagpatuloy ko pa rin ang sinasabi ko sa kaniya.

"Magsasabi siya ng malalambing na salita, and next thing he's asking for my help para sa surprise niya kay Dayana."

Nalilito na ako, August is undeniably sweet noon pa man. Pero iba na kasi ngayon, he has a girlfriend...a girlfriend that loves him, and he loves her too. He should stop acting like this to me.

"Wag ka ngang mag overthink Kirs, ganiyan naman talaga si August diba? Masyadong sweet sayo."

"Iba kasi ngayon, may girlfriend na siya."

Sandaling napaisip si Sasa at tsaka bumaling ulit sa akin.

"May girlfriend din siya noon."

"Pero mahal niya ngayon ang girlfriend niya."

Natahimik na kami ni Sasa ng may kumatok na sa pintuan at pumasok ang isa sa mga kaibigan ni August.

"Hinahanap na kayo ni August sa labas."

Tumango na lang kami at sinabing susunod na agad kami. August is asking for my idea, ngayon kasi talaga ang birthday ni Dayana. May regalo na daw siya pero gusto niya pa rin daw siyang surpresahin.

Agad akong sinalubong ni Oliver ng nakita niya ako, pagkatpos kasi namin mag jetski ni August ay dumating si Chanel at Mara. Habang nag-uusap si Chanel at Oliver ay kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makapasok sa loob ng room namin.

"Bigla kang nawala kanina."

"Busy ka kasi sa pakikipag-usap kay Chanel." Paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin, napakagwapo at bait ni Oliver hindi ko maikakaila iyon.

"Wag kang magselos, kapag sinagot mo ako, si Dayana at mommy na lang ang kakausapin 'kong babae para sayo."

Natawa ako sa sinabi niya at biglang nagseryoso ang kaniyang mukha. Did I offend him?

"If you will just give me your yes, You'll never get hurt anymore."

Natigil ako sa pagtawa dahil sa nagumpisa ng magseryoso si Oliver. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon, pero hindi ko alam kung tama nga ba ito.

"Alam kong nasasaktan ka whenever August is asking for your help regarding these things." Patuloy pa ni Oliver

"Gusto ko tong ginagawa ko. Kailangan ko siyang suportahan sa mga ganitong bagay."

Naglakad na kami ni Oliver habang nag-uusap.

"Buti naman nakita na namin kayo." Sabi ni Jerry, isa sa mga kaibigan ni August.

"Kanina pa namin kayo hinahanap. Kailangan natin bilisan baka dumating na sila Dayana." Dagdag naman ni Sasa, agad din naman sila umalis pagkasabi noon dahil may mga gamit silang dala.

Pinigilan ako ni Oliver sa pagpunta sa venue "Kung ayaw mo tong makita, we can go to souvenir shops." Ngumiti pa siya sa akin.

"Okay lang, halika na?"

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon