15. Preparations

456 12 0
                                    

"Hindi JS prom ang aattendan mo kaya hindi required ang partner Sasa."

Nangalumbaba si Sasa sa mesa, nandito kami sa garahe ng bahay. Dito kami nagpapractice ng cotillion para sa debut ko. Mabuti na lang at isang linggo na lang sembreak na, kaya wala ng ginagawa sa school masyado.

Nandito rin yung mga pinsan ko. Si Oliver ang ka partner ko sa sayaw, si August at Dayana naman ang magkapareha.

"Sasabihin mo lang naman kay August kung gusto sumali nung kaibigan niya sa cotillion. Kulang pa rin naman ng isa diba?"

"Kulang pa nga, pero mamaya dadating din yung pinsan kong si Japhet."

"Okay, formation!" Sigaw ng choreographer namin. Agad naman kaming bumalik sa pwesto namin.

Nagtatampo sa akin si August dahil hindi daw siya ang partner ko. Si mama naman kasi ang nag-insist kay Oliver na maging kapartner ko, nakakahiya naman kung harapan kong tatanggihan si Oliver.

Inilagay ni Oliver ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang kabila naman ay nakahawak sa kamay ko.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang nag-uumpisa na kaming sumayaw. Naiilang ako sa pagtingin na ibinibigay ni Oliver sa akin.

"Ang sarap hawakan ng kamay mo."

Tumingin ako palayo dahil sa sinabi niya at nakita ko si August at Dayana na sobrang saya tignan habang nagsasayaw. Perfect couple, sila ata ang definition nun.

Kumain na rin kami ng lunch. Tumabi ako kay August at bumulong "kunwari ka pang nagtatampo, tuwang-tuwa ka naman na kapartner mo si Dayana."

Tumingin siya ng masama sa akin "dapat ba akong magpasalamat sayo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Nagiging maarte na naman si August, ano ba problema niya? Hindi ba dapat maging masaya siya dahil ang babaeng mahal niya ang kapartner niya?

Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay nag-uwian na ang mga kasali sa cotillion. Naiwan si August sa bahay dahil kinausap siya ni mama na ihatid kami sa boutique nila kung saan ako pipili ng susuotin sa debut ko.

Sa tabi ako ni August pumwesto at si mama naman sa likod. Gusto ko sanang kausapin si August pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

"Anak, subukan mo to."

Iniabot sa akin ni mama ang isang kulay itim na gown na punong-puno ng mga makikinang na maliliit na dyamante sa itaas na bahagi.

Tinulungan naman ako ng assistant nila tita Hazel sa pagsusukat. Lumabas ako mula sa fitting room para ipakita kay mama at tsaka umikot para makita ni mama ang kabuuan design nito.

Nakatayo lang si August sa harap ko at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi bagay sayo." Sumimangot ako dahil sa komento niya. Tama lang naman ang pagkakafit nito sa akin, masyado nga lang itong nagpapakita ng balat dahil sa pa-v nitong harapan at malaking butas nito sa likuran.

Tumingin si August sa mga nakadislay pang mga gown na suot ng mannequin at inabot sa akin ang isang kulay pula na gown.

Maganda ito na may lace sa taas, ikumpara sa kanina ay mas concervative ito tignan. Sinuri muna ni mama ang gown na inabot sa akin ni August bago niya ito ipinasukat sa akin.

Dahan-dahan akong lumabas sa fitting room "perfect!" Komento ng isang assistant at tumango naman si mama bilang pag sang-ayon.

Inilibot ko ang mata ko sa boutique para hanapin si August pero hindi ko na siya nakita. Agad na akong nagpalit at lumabas na.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon