27. First lie

338 8 0
                                    

Tinignan ko ng masama si August. Mabuti na lang at tapos na kami maghugas ng pinggan, kung hindi nabato ko na sa kaniya lahat yun.

Eto na yung sinasabi ko e' tapos ano? Mag-aaway kami at masisira yung pagkakaibigan namin? Mababaliw na ata ako.

Pumunta na ako sa salas at tumabi sa kinauupuan ni mama. Umupo naman sa kabilang sofa si August. Kinukulbit niya lang yung binti ko, mabuti at busy si mama sa panonood kaya di niya iyon napapansin.

Pero nakakairita talaga. Yung tipong ready ka na at tanggap mo na ang lahat tapos mauudlot pa? Ano bang kagaguhan to?

Naiinis na rin ako sa paulit-ulit niyang kalabit sa akin kaya tumayo ako at sinigawan siya "ANO BA?! NAKAKAIRITA KA NA."

Napaupo ako ulit ng mapansin kong ang sama ng tingin sa akin ni mama.

"May sasabihin kasi ako. Ayaw mo akong pansinin."

I cross my arms. Bahala siya sa buhay niya! Balikan niya yung ex niyang maganda! Tss.

"Aba Kirstain, daig mo pa yung pinanood ko sa kaartehan mo."

Natawa si August sa sinabi ni mama kaya sinigawan ko siya ulit "wala kang karapatan tumawa! Galit ako sayo!"

Umakyat na ako sa kwarto ko at nag-lock ng pinto. Nakatulog na ako't nagising, hindi man lang kumatok si August? Diba dapat nilalambing niya ako? Ay, ano ba tong iniisip ko.

Lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng tubig. Halos malaglag ang puso ko sa gulat ng makita ko si August na nakaupo sa hagdan. Takte, anong oras na ba?

Tinapik ko yung balikat niya. Nakatulog pala siya.

"Bakit nandito ka pa? Anong oras na o."

Kinusot niya pa yung mata niya bago siya nagsalita.

"Akala mo ba uuwi ako ng galit sa akin ang girlfriend ko?"

Posible bang kiligin ka kahit galit ka? Ramdam na ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko kaya bumaba na lang ako at hindi siya pinansin.

Uminom ako ng tubig at halos himatayin ako ng makita ko sa likod ko si August. Buti wala akong sakit sa puso, ang dilim pa naman kaya medyo nakakatakot.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Kung kanina halos malaglag yung puso ko, ngayon para na tong sasabog sa sobrang bilis ng pagtibok. Ano ba ginagawa mo sa akin August?

"Ayoko naman talaga magsinungaling sayo. Kaya lang alam kong magagalit ka, kaya hindi ko na lang sinabi." Bulong niya sa akin

Hindi ko naman hinihingi yung explanation niya pero alam kong kailangan ko to. Kailangan kong makasigurado sa amin dalawa.

Aalis na dapat ako sa pagkakayakap niya pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Sana lang hindi ako matumba dahil nanlalambot na ang tuhod ko.

"Hindi ba mas magagalit ako dahil nagsinungaling ka?"

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. Parang bawat parte ng mukha ko ay kinakabisado niya kahit na medyo madilim sa kinatatayuan namin. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin at tsaka hinalikan ang ilong ko. "Ayokong magselos ang girlfriend ko." Ngumisi pa siya ng makita ang reaksyon ko.

Mabuti na lang talaga at medyo madilim mas nakakahiya siguro ang reaksyon ko kung maliwanag.

"Ang kailangan ko lang naman assurance na hindi mo ako niloloko."

"Mahal kita. Ayos na ba 'yon?"

Ng marinig ko 'yon mula sa kaniya parang gusto kong maiyak sa sobrang saya. Ang sarap sa pakiramdam na yung taong mahal mo mahal ka rin pala.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon