18. Christmas celebration

370 10 0
                                    

Ang bilis nga naman ng araw at Christmas break na. Usual celebration lang naman ang ginagawa namin with family. This year sa bahay namin gaganapin ang salu-salo. Tapos kaniya-kaniya naman share ng pagkain.

Nandito pa rin naman si papa, 3 months kasi ang bakasyon niya dito kaya paniguradong magiging masaya iyong pasko namin.

Syempre bago ang noche buena ay nagsimbang gabi muna kami. Ugali na rin kasi sa bahay na magkumpleto ng simbang gabi.

Tapos na ang misa at isa-isa na namin iniintay ang pagdating ng mga kapatid ni mama. Unang dumating si tita Jackie at ang asawa niyang si tito Pedro, kasama din nila iyong dalawa nilang anak na si Japhet na naging partner ni Sasa sa cotillion noong birthday ko pati ang bunso nila na si Jenica.

Makalipas naman ng ilang minuto ay dumating na rin si tita Susan at kasama rin ang anak niya sa pagkadalaga na si Shusi. Hindi iyon yung totoo niyang pangalan sadyang mahilig lang siya sa Sushi.

Tatlo lang naman sila magkakapatid, si mama Kendra ang panganay sumunod si tita Jackie at bunso si tita Susan. Yung mga kapatid naman ni papa ay nasa probinsya si tito Sandro lang ang pumunta kasama ang buo niyang pamilya.

Nagpatugtog muna kami habang inaayos iyong mga pagkain sa mesa pati na rin iyong mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. May exchange gift kasi kaming magpipinsan kahit pito lang kami. Bali iyong tatlo ay iyong mga anak ni tito Sandro.

"Ano ba gusto niyong unahin? Kain muna o palaro?" Tanong ni papa sa lahat

Napagkasunduan naman na kumain muna tapos exchange gift at pahuli na iyong mga palaro. Mag-uumpisa na sana kaming kumain ng magring iyong doorbell.

"May kulang pa ba sa atin?" Tanong ni tita Jackie nagkibit balikat naman si mama.

"Titignan ko na lang po kung sino iyon."

Agad akong pumunta sa gate at pinagbuksan kung sino man iyong nag doorbell kanina. Si August pala, may hawak na isang box ng cake at may isang malaking paper bag.

"Tinitext kita hindi ka naman nagrereply."

"Hindi ko pa nachecheck cellphone ko. Pasok ka muna."

Nagulat yung mga kamag-anak ko nung nakita na may kasama akong lalaki. Hindi kasi nila kilala si August.

"Boyfriend mo iha?" Tanong ni tito Sandro, napalunok ako dahil parang may galit sa tono niya. Umiling ako ng sunod-sunod.

"Bestfriend po ako." Nakahinga naman ako ng maluwang ng finally si August na yung sumagot para sa tanong sa akin at agad naman siyang pinaupo ni papa sa bakanteng upuan katabi ko.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay August habang inaayos na namin magpipinsan ang mga regalo para sa exchange gift.

"Pumunta sila mommy sa Singapore, ayoko naman mag noche buena mag-isa."

Tumango na lang ako sa kaniya at nag-umpisa na kami ng palitan ng regalo. May nabunot na kami noong nakaraang linggo pa at inabot na namin ito isa-isa.

Si Japhet ang nabunot ko at gitara ang binigay ko sa kaniya. Nagbabanda kasi sila. Si Jenica naman ang nakabunot sa akin, binigyan niya ako ng make-up set. Seriously? Eh hindi nga ako gumagamit ng ganito maliban lang sa face powder at lipgloss.

Umpisa na ang mga parlor games at ilang oras na lang din pasko na. Ang unang laro ay iyong baraha na ipapasa mo sa kasagpi mo gamit ang bibig. Dapat ang baraha ay nakapagitan sa labi ng dalawang players. Yung mga matatanda laban sa aming magpipinsan. 3 sa aming pinsan ang hindi sumali, si August naman ay nakihalubilo rin sa amin.

Unang magpapasa ng baraha si August papunta sa akin, paunahan lang at paramihan ng maitatawid na baraha. Palapit na siya sa akin at humawak sa magkabila kong braso. Nakatitig siya sa mga mata ko habang ginagawa iyon, napapalunok na lang ako habang mas lalo pang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Kaunti na lang ang pagitan ng mukha namin ng mahulog ang baraha at naglapat ang mga labi namin. Ang init ng pakiramdam ng labi niya at napakalambot nito. Nagwawala ang dibdib ko at para akong lumutang sa ere ng dahil sa nangyari.

"Merry Christmas!!!!" Sigaw ng isa sa mga pinsan ko, tumingin ako sa paligid para ikumpirma kung meron bang nakakita sa amin at buti na lang ay walang nakapansin sa amin.

Lumabas kami ng bahay dahil nakaugalian na rin namin na mag fireworks kapag sumapit na ang 12mn ng pasko. Nanonood lang ang lahat pero hindi ako mapakali ng maramdaman kong may nakatingin sa akin at hindi nga ako nagkakamali, kanina pa ako tinitigan ni August.

Pumasok ako sa loob para kumuha ng jacket dahil na rin sa nilalamig ako. Excuse na rin siguro to para makaiwas sa mga titig ni August. Ano ba ang dapat ko sabihin sa kaniya? Na wala lang iyon? Pero hindi pwedeng wala lang iyon dahil first kiss ko iyon at higit sa lahat kay August nanggaling iyon.

* knock knock *

"Pasok."

Nakita ko lang na nakatayo si August sa may pintuan ng kwarto ko. Ilang minuto na rin siguro ako dito sa kwarto dahil hindi ko alam kung dapat pa ba akong bumaba at isa pa nga sa ikinakatakot ko e' kung paano ko haharapin si August, pero ito na nga nasa harap ko na siya.

"Bumaba ka na raw sabi ng mama mo, ipagpapatuloy na daw yung mga parlor games."

Tumango na lang ako at kunwaring itinuon ang sarili ko sa pagtetext. Ganoon naman talaga ang ginagawa sa mga awkward na sitwasyon diba?

"Ah Kirs..." Tumingin ako ulit sa kaniya pero agad ko rin iyon iniwas dahil nakakaramdam ako ng pagkailang dahil sa nangyari kanina.

"Galit ka ba dahil kanina?" Hindi ko ulit siya pinansin at nagkunwaring hindi siya narinig "hindi ako magsosorry..."

Narinig ko ang malalim niyang paghinga bago niya ipinagpatuloy ang kaniyang sinasabi "dahil aaminin ko iyon yung pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong pasko."

Makalipas pa ng ilang minuto ay nagpaalam na siya na uuwi na siya. Hindi pa rin matigil sa pagwawala ang puso ko dahil sa sinabi niya. I know na hindi ako dapat kinikilig, this is so wrong he has a girlfriend and I should stop fantasizing about him.

Humiga na ako sa kama, siguro ay dapat na matulog na lang ako. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may magsalita.

"Ate tulog ka na ba? Papasok ako ha."

Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa kama ko at umupo naman si Jenica sa sofa sa kwarto ko. Ilang buwan lang naman ang tanda ko kay Jenica pero masyado siyang magalang kaya ate pa rin ang tawag niya sa akin.

"Asan na yung boyfriend mo?"

"Bestfriend ko lang yun."

Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bestfriends don't kiss each other on the lips."

Agad na namula iyong mukha ko dahil sa sinabi niya. So, ibig sabihin nakita niya iyon? Sabagay napakaimposible nga naman na walang makakita sa amin dahil may nagjajudge ng laro namin pero ang tanong sino pa ang ibang nakakita?

"Aksidente lang iyon kasi nalag..."

"You don't have to explain, mukha naman sinadya ilaglah ni kuya August yung baraha."

And with that she leave. What the? Ano bang sinasabi niya? My cousin is really weird.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon