22. You don't have the right to hurt her

313 10 2
                                    

Last day na namin sa Batangas, napagkasunduan na maglaro muna kami ng beach volleyball tapos mamayang gabi na lang kami bibiyahe pauwi.

Girls vs. Boys ang labanan. Pero dahil nga sa dakilang kj ako, hindi ako sumali kaya kailangan din magtanggal ng isang lalaki para 4vs.4 lang ang labanan.

Nakaupo lang ako sa gilid at nanonood sa mga naglalaro, umupo naman sa tabi ko si August. Siya yung hindi sumali sa mga lalaki.

"Bakit hindi ka sumali?" Tanong ko sa kaniya

"Hindi ako marunong diba? Ikaw?"

Nilalaro ko lang yung buhangin habang nag-uusap kami. Gusto ko na rin umuwi dahil ilang araw na akong walang maayos na tulog, lagi kasi kaming nagbobonfire at nag-uusap ng kung ano-ano hanggang sa inaabot na kami ng madaling araw.

"Baka matamaan ako ng bola."

Tinawanan naman ako ni August, marahil naalala niya noon na kaya kami nagkakilala ay dahil natamaan niya ako ng bola ng basketball sa mukha.

"Takot ka pa rin sa bola hanggang ngayon?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay pero ginulo niya lang yung buhok ko kaya naman hinampas ko siya sa braso.

Lahat sila ay naghihiyawan na dahil sa init ng laban. Lamang ang girls dahil 3 sa kanila ay naging player dati.

"Swimming tayo? Nabobored na akong manood."

Hinila niya agad ako sa tubig pero pilit ako nagpupumiglas. Hindi ako marunong lumanggoy.

"August hindi ako marunong lumangoy."

"Akala mo ba pababayaan kita? Syempre tuturuan kita."

Pagkatapos ng mahabang pagkukumbinse niya sa akin ay napapayag niya rin ako. Sa mababaw na parte lang kami nag-umpisa, hanggang sa makarating na kami sa medyo malalim na parte ng dagat. Hanggang dibdib ko na ang tubig pero tanaw at rinig pa rin namin ang hiyawan ng mga kaibigan namin naglalaro.

"Dayana!!!"

Tumakbo agad si August palapit kay Dayana ng marinig niya ang sigaw ng mga kaibigan ko. Susunod na rin sana ako kay August ng makaramdam ako ng pamumulikat.

"Aug..." Hindi natuloy ang pagtawag ko kay August ng lumubog ako sa tubig. Pilit akong lumalangoy pero hindi ko makagawa dahil sa pulikat sa paa ko.

***

Tinignan ko ang kabuuang kwarto ng aming hotel at umupo sa kama.

"She's awake!" Sigaw ni Mara, katabi niya si Sasa at Chanel.

Nakaupo naman si Dayana sa isa pang kama habang ang kaniyang paa na may benda ay nakapatong sa mga binti ni August. Magkakatabi rin si Oliver at ang tatlo pang kaibigan ni August sa isang sofa.

Lumapit sa akin si Oliver "are you okay? Nalunod ka, good thing I was there to save you." Tumingin siya ng masama kay August pagkasabi noon.

"Ayos na naman ako. Thank you."

"Kung hindi ka sana iniwan ng bestfriend mo..."

Pinutol ni August ang sasabihin ni Oliver and started to explain his side. "It's my fault. Okay? I knew it! Pero, sumigaw kayong lahat kaya tinignan ko kung anong nangyari sa girlfriend ko, that I forget about Kirs."

Tumungo ako at pilit na pinigilan ang pagtulo ng luha ko. He forgets about me because of Dayana, this is hurting me.

"Guys, baka pwedeng kausapin ko muna si Kirs? If you don't mind?"

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon