29. Facing Dayana

273 9 1
                                    

"Dayana."

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Siguro nga may kasalanan ako kung bakit sila nagkahiwalay ni August but Dayana is one of the best friend I've ever had.

"Alam kong may klase ka, let's just talk later."

Habang nagkaklase ay lumilipad na ang utak ko kung sa anong pwedeng mapag-usapan namin ni Dayana. I'm nervous but I hope magkaayos kami kagaya ng pagkakaayos ni Oliver at August.

I texted August and tell him na mag-uusap kami ni Dayana. Tinanong niya pa kung saan kami mag-uusap para daw makasunod siya but I don't need him to be there. Baka imbis na maayos namin ay lalo pang magulo.

Eto na nga at papunta na ako sa foodcourt. Bawat hakbang ko ay parang ang bigat, gusto ko ng umatras but I have to face this.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang likod ni Dayana. She checked her wristwatch at tumingin sa paligid at tsaka nagtama ang mga mata namin. I smiled to her but she didn't smile back.

Marahan akong umupo sa harap niya. Nilalaro niya lang ang tinidor sa harap niya kaya naman ako na ang bumasag ng katahimikan.

"I'm sorry."

She flash a bitter smile. Hindi ko alam kung galit pa ba siya but I know that she is hurt. "Kunwari na lang hindi kita nakilala."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Akala ko kahit kailan hindi ako sisira ng pagkakaibigan dahil lang sa pagmamahal pero masyado ko pa lang minamaliit ang kapangyarihan ng pagmamahal. It can break any rule, even the friendship.

"You know, friends don't stole their friend's boyfriend."

Parang nawalan na ako ng boses dahil sa mga sinasabi niya. I didn't stole August from her but I still feel guilty. Kung hindi siguro ako nag confess ng nararamdaman ko kay August ay okay sila ngayon.

"I'm sorry." Wala akong ibang masabi kundi sorry. That's the least thing I can do, to ask forgiveness from her.

"Don't. I don't need it anyway." Tumayo na siya and I call her for the last time.

"Another thing, don't mention my name 'cos I don't know you anymore."

Umalis na siya ng hindi na lumingon pa ulit sa akin. Gusto kong magkaayos kami pero paano nga ba?

Sinalubong ako ni August sa bahay at nagtanong kung anong nangyari. Ayoko naman lumabas na sumbungera. Nasaktan si Dayana, kaya hindi ko siya masisisi kung ganoon ang pakikitungo niya sa akin.

"Okay naman." Dumiretso na ako sa kwarto at natulog na.

Maaga akong pumasok sa school para na rin hindi ako makasabay kanino 'man kila August at Oliver. Pagtungtong ko sa school ay mukha agad ni Dayana ang sumalubong sa akin.

Maybe this is destiny's way of saying that we should fix this mess.

"Dayana..."

Tinignan niya lang ng matalim ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad ko siyang binitawan.

"What?!" Nakataas ang kilay niya sa akin and I slowly bow my head.

"Gusto ko lang naman na mapatawad mo ako."

I look around, wala pa naman masyadong tao dahil maaga pa.

"THEN GIVE ME BACK MY BOYFRIEND!!"

Mariin akong napapikit. I don't know how to react. Is she really thinking that I stole August from her?

"Hindi ko naman siya inagaw..."

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon