14. I really love her

402 11 0
                                    

Magkasama kami ni Sasa sa library na nagrereview para sa nalalapit na finals, malapit ng matapos ang first sem at malapit na rin ang 18th birthday ko.

"Totoo pala yung sinasabi nila, may mga kaibigan talaga na nakakalimutan ka na kapag nagkalovelife na."

Kanina pa ako dinadramahan ni Sasa dahil madalas ngang hindi na kami magkasama. Paano nga ba kami magkakasama kung puro pag-iistalk ang ginagawa niya?

"Una, wala akong lovelife. Pangalawa, tigilan mo yang pagsunod-sunod mo doon sa crush mo para lagi tayong magkasama. Okay?"

Tumili siya ng mabanggit ko yung crush niya, masyado siyang patay na patay sa lalaking hindi niya naman kilala.

"Ssssh." Sita ng librarian sa amin kaya namin napatakip siya sa bibig niya.

"Deads na deads ka talaga sa kaniya no?"

"Ikaw din naman patay na patay kay August."

Binato ko siya ng ballpen. "Hindi naman ako kagaya mo na masyadong obvious."

"Oo, kaya naunahan ka na ng iba." Tumawa pa siya sa sinabi niya pero inirapan ko lang siya. Kailangan pa bang ipamukha sa akin ang bagay na yun?

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa mapapunta na sa debut ko ang usapan. "Ano plano mo sa debut mo?"

Nagkibit balikat ako, napag-usapan na namin ni mama at papa na bibigyan daw nila ako ng isang party pero hindi ko pa alam kung tuloy ba yun dahil hindi pa namin ito ulit napag-uusapan.

"Sabi ni mama magpapa-party daw."

"Excited na ako para sayo friend, sino escort mo? Si Oliver o si August. Haba naman ng hair mo."

Natawa ako sa reaksyon niya, kumakalat na naman sa buong school na mag on na si Dayana at August kaya imposibleng hindi niya pa alam yun.

"Ano ka ba, malabo na yung sa amin ni August."

Tumawa naman siya sa akin. "Escort lang naman tinatanong ko, hindi boyfriend masyado ka rin assumera e."

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kay Sasa o mainis, pero tuwing kasama ko si Sasa ay parang ang gaan ng lahat. Kaya mahal na mahal ko tong bruhang to e.

Naghiwalay na kami sa labas ng school. Magkaiba kasi ang daan namin pauwi, sinabi ko naman kay Oliver na wag niya muna akong ihatid ngayon dahil nga nag review pa kami ni Sasa.

Ngatext sa akin si mama at agad kong binasa iyon.

"Nak, may nakausap na ako na coordinator para sa debut mo. Maglista ka na ng mga bisita mo."

Naisipan ko na lang din muna na dumaan kila August. Walang pasok si August tuwing Biyernes pero kalimitan naman nasa school siya dahil nga varsity player siya ng basketball. Wala naman silang training ngayon dahil wala naman nalalapit na tournament kaya marahil ay nasa bahay nila siya ngayon.

* dingdong *

Agad naman akong pinapasok ng kasambahay nila, nasa taas daw si August kaya pinaderetso lang niya ako kung nasaan siya.

Bukas naman yung pinto ng kwarto niya kaya dumiretso na ako sa loob. May kausap siya sa cellphone, agad niya naman akong napansin kaya tinanguan niya ako.

"I love you." Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya habang nakatingin sa mga mata ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa tatlong mga salita na sinabi niya. Alam kong hindi yun para sa akin pero hindi ko mapigilan ang puso ko.

Nag-iwas ako ng tingin at umupo sa kama niya kung saan doon din siya nakaupo. Pinatay niya na ang cellphone niya at tsaka bumaling sa akin.

"Buti naman pumunta ka dito pare. Wala si mommy."

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon