20. Batangas getaway

310 9 5
                                    

"Anak, bumangon ka na diyan. May mga nag-iintay sayo sa baba."

Tuwing gigisingin na lang ba ako ng nanay ko ay may naghihintay sa akin sa baba?

Bumaba na ako agad. Hindi na ako nag-abala pa na mag-ayos o magmumog. Baka mga pinsan ko lang yun, nagtext kasi sila kagabi sa akin na pupunta sila sa bahay.

Ng makababa ako ay dali-dali din ako tumakbo paakyat. Ano ginagawa nila dito? Si August, may kasamang 3 pang varsity ng basketball, si Sasa, Dayana at Oliver.

Agad naman akong naghilamos. Nakakahiya. Malay ko ba na pupunta sila dito? Pagkalabas ko ng banyo ay nandoon si August kasama si Dayana.

"Pare, maligo ka na. Pupunta tayong Batangas. Beach tayo."

Tinaasan ko siya ng kilay, tumawa lang naman si Dayana.

"Sana man lang diba sinabi niyo ng maaga para nakapag prepare ako."

"No need Kirs, I got what you need."

Pumasok naman si mama na may dalang malaking bag at inabot ito sa akin. Uuwi pa naman ako bakit ang dami atang laman ng bag? "Inayos ko na mga gamit mo Kirstain, maligo ka na." Tumango na lang ako at pinalabas na sila sa kwarto ko para makapaligo na rin ako.

Bakit nga ba ako pinayagan ng nanay ko? Dahil 18 na ako o dahil kasama si Oliver?

Isa-isa na namin nilagay iyong mga gamit namin sa sasakyan. Van lang yung gamit namin, ang nagdadrive ay kaibigan ni August.

Umupo ako sa dulo para din makatulog pa ako. Tumabi naman sa akin si August, sa kabila niya naman si Dayana.

"Birthday ni Dayana. She doesn't want to throw a party kaya nagyaya na lang siya mag beach." Saad ni Oliver

"Sana sinabi mo na birthday mo para nabilhan kita ng regalo." Sabi ko naman kay Dayana

"No need. Presence niyo lang naman okay na ako. Actually, susunod si Mara at Chanel. I hope you don't mind Kirs."

Tumango naman ako sa kaniya. Marahil kaya niya sinabi ay dahil alam niyang hindi malamig sa akin ang dalawang iyon.

Nakarating na kami sa Batangas at inayos na namin ang aming mga gamit sa room. 2 malaking rooms ang kinuha ni Dayana para share na lang. 1 room for boys and 1 room for girls.

"Actually, pinlano na namin to ni August if ever na mananalo ako sa ms.university he'll treat me for a trip but since natalo ako napagkasunduan na lang namin na isama kayo."

Tumingin sa akin si Sasa at pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko sa mga sinasabi ni Dayana but I act as normal as possible.

"Ah...Dayana, thanks ha? Sinama mo rin ako dito." Pag-iiba ni Sasa sa usapan

"It's okay. Kirs' friend is also mine." Ngumiti pa siya sa amin dalawa.

Kahit gusto kong magalit kay Dayana ay hindi ko magawa. I know, I shouldn't hate her but there is this jealousy feeling inside me. Sila na ni August, ilang buwan na nga ba? Pero hanggang ngayon parang hindi ko pa rin matanggap.

"By the way Kirs, this is your swimsuit. I bought it yesterday."

Inabot niya sa akin ang isang paper bag. Hindi ko pa nasusubukan magsuot ng ganito. I don't have enough confidence.

"Magbibihis na ako, magpalit na rin kayo." Pumasok na si Dayana sa loob ng cr.

Pinasadahan ko naman ng tingin yung swimsuit na binili ni Dayana, nakakahiya naman kung hindi ko ito gagamitin. Tinignan ko yung laman ng bag ko, mabuti pala ay nilagay dito ni mama yung see through ko.

Lumabas na si Dayana at kitang-kita ang ganda ng katawan niya sa suot niyang pulang one piece. Mas nawalan ata ako ng lakas ng loob para magsuot mg swimsuit.

"Why are'nt you preparing yet?"

"Sa cr kasi ako magbibihis." Palusot ko na lang at tsaka na pumasok sa loob ng cr.

Paglabas ko ay wala na sila, siguro ay nauna na silang lumabas. Itinaas ko rin ang buhok ko ng messy bun. Nahihiya akong lumabas. May kumatok sa pintuan ng room namin, si Oliver.

"Kanina pa kita hinihintay kaya tinignan ko kung okay ka na."

"Ayos na ko."

Tumungo na kami kung nasaan sila. Narinig kong nag-uusap si August at ang mga kaibigan niya, hindi pa naman nahahagip ng mata ko kung nasaan sila Dayana.

"Tol ang daming maganda dito."

"Tara pormahan na natin?"

Nagtawanan sila at nakita kong lumingon si August sa amin bago siya nagsalita "kayo na lang, loyal na ako ngayon." Tatawa-tawa niya pang sabi

Tumingin na lang ako sa malayo, totoo nga siguro na kaya baguhin ng pag-ibig ang isang tao.

"Kirs..." Tinignan ko si Oliver na nakaupo sa tabi ko "alam ko naman na ayaw mong madaliin kita pero, medyo matagal na kasi kitang nililigawan..."

"Excuse me lang."

Hinila ako ni August patayo pero agad naman kaming pinigil ni Oliver "saglit, nag-uusap pa kami August."

"Gusto kasi ni Kirs makasakay ng jetski, isang oras lang to. Ibabalik ko siya agad."

"Ako na lang ang sasama sa kaniya."

Tinignan ko lang si August at mukhang determinado siya na makasama ako. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong tensyon sa pagitan nila.

"May pag-uusapan din kami."

Ikinabit ni August sa akin ang life vest at tsaka niya inilagay ang kamay ko sa baewang niya "kumapit ka lang."

Lumipas na ang ilang minuto ng magsalita ulit si August "sasagutin mo na siya?"

Nagulat ako sa tanong niya. Kaya naman wala sa sarili akong um-oo.

"Sigurado ka ba diyan?"

Malaki naman ang tiwala ko kay Oliver, alam kong hindi niya ako sasaktan. Isa pa gusto ko rin naman siya, siguro naman kung halos buong oras ko ay igugugol ko sa kaniya ay malilimutan ko na si August.

"Hindi naman ako sasaktan ni Oliver."

"Sana nga, kasi ako...lahat ginagawa ko wag ka lang masaktan."

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon