19. Who's the prettiest?

368 5 0
                                    


Last class namin for the month of January. Next week kasi ay university week. Wala na naman discussion na nagaganap more on announcement lang para sa mga mangyayari sa uweek.

Tulala lang ako sa kawalan. Wala ako sa mood makinig, gusto ko na lang umuwi at matulog.

"Who wants to represent our department for Ms. University?"

"Si Kirs po."

Nabigla ako ng may sumigaw sa pangalan ko. Agad ko naman nilingon si Sasa at tinanong kung para saan iyon. Nginitian niya lang ako at tsaka bumaling ulit ang tingin sa prof namin.

"Okay Kirstain. See you on the auditorium right after this for your orientation."

Lumabas na yung prof namin right after the announcement. Sumunod na rin kami palabas ni Sasa at kung nakakamatay lang ang pagtingin ng masama kanina pa siguro patay tong si Sasa.

"Hey Psyche." Nginitian ko si Oliver na medyo hinihingal pa dahil sa pagtakbo.

Dalawang subject ko na lang classmate si Oliver dahil nagshift lang siya ng hrm, dati siyang engineering kaya yung mga kinukuha kong minor subjects ngayon ay nakuha niya na last year.

"Saan kayo pupunta?"

"Audi." Sagot ni Sasa. Ayokong magsalita, medyo badtrip pa rin ako kay Sasa.

"Ano gagawin niyo doon? May kasali din sa inyo sa Ms.University?"

Hindi ko na lang sinagot si Oliver at nagpatuloy na lang maglakad papunta sa audi. Bahala na silang mag-usap ni Sasa.

Paano kaya ako makakaback-out dito? This isn't my thing I swear.

"Uy friend, galingan mo ha? Uwi na ko."

"Tse! Kasalanan mo to."

Umuwi na si Sasa at si Oliver naman daw ay uuwi na rin. Marami ng mga candidates ang nasa stage na para sa orientation. Ibinaba ko muna yung gamit ko sa upuan ng mahagip ng mata ko si August. Kumaway pa siya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Teka, alam niya agad na kasali ako? Tsismosa talaga si Sasa. Umakyat na ako sa stage at napansin na kasali din pala si Dayana.

So, hindi ako yung pinuntahan niya? Okay assumera mode na naman ako e.

"Kirs, mag sign-up ka muna dito."

May inabot sa akin yung prof ko na ballpen at papel. Nagdadalawang isip pa ako kung isusulat ko ba iyong pangalan ko o hindi. Bahala na si batman.

Natapos na rin yung orientation. Sinabi lang naman kung kailan yung pageant at tuwing kailang ang practice namin.

"Pare, uuwi ka na?"

Tumango lang ako sa kaniya. Medyo naiilang ako dahil sa halik. Ayst, dapat hindi ko na iniisip yun halos isang buwan na ang nakakalipas e.

"Hindi bagay sayo mag pageant. Barako ka e." tumawa pa siya kaya naman sinamaan ko lang siya ng tingin.

Maganda naman ako e, syempre sino pa ba mag bibuild up sa sarili ko diba? Pero siguro nga hindi bagay sa akin kasi hindi naman ako girly-girl kumilos.

Lumapit pa siya sa akin at bumulong "hindi kita mahahatid, nagtampo kasi sa akin si Dayana noong pasko. Kailangan kong bumawi."

May naramdaman naman akong selos dahil sa sinabi niya. Paano ko ba mapipigilan ang selos?

"Okay lang, hindi mo naman responsibilidad na ihatid ako."

Dumating na rin si Dayana mula sa cr.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon