10. Courting Dayana

340 11 0
                                    

"Bukas na natin pag-usapan yan ha? Inaantok na ako e" tinulak ko siya palabas ng kwarto ko at napahawak ako sa dibdib ko, bakit kailangan niya pa sa akin magtanong? Kasi best friend ako?

Nagulat ako ng biglang magring ang cellphone ko, si August. Tss

"Oh?" Walang gana kong sagot sa kaniya

"Tutulungan mo ako manligaw kay Dayana?" Tanong niya, napaisip naman ako.

"Ano naman malay ko sa panliligaw? E babae ako." Tinawanan niya lang ako, kung magkasama lang kaming dalawa binatukan ko na to e.

"Hindi ka pa naman pala matutulog e' nandito pa ako sa labas niyo. Sayang load ko, labas ka muna."

Pinatay ko na yung tawag niya at lumabas saglit para papasukin siya sa salas. Nanonood lang si mama ng paborito niyang drama tuwing gabi.

"Doon nga kayo sa kwarto mo Kirstain, hindi ko maintindihan ang pinapanood ko."

Ang laki nga naman ng tiwala ni mama dito kay Agosto at ayos lang na doon kami sa kwarto. Umakyat naman ako, sumunod naman siya sa akin. Iniwan ko lang bukas yung pinto ng kwarto ko, mahirap na.

"Tawagan mo si Dayana." Sabi niya ng nakangisi na akala mong nang-aasar. "Tanungin mo kung ano gusto niya kapag niligawan siya."

"Corny mo, hindi ba pwedeng mag-isip ka ng sarili mong idea?"

"Sige na.." At sa huli napapayag niya rin ako, sino ba naman ako diba? Isang best friend na nagmamahal ng palihim. Aray naman sa heart </3

"Hello Dayana?" Niloud speaker ko yung cellphone ko para marinig ni August ang pinag-uusapan namin.

Nakangisi lang siya habang magka-usap kami ni Dayana, si Dayana todo kwento kung paano siya kinikilig kay August.

Pinatay ko na ang tawag at tumingin kay August. "Masaya ka na?" Tanong ko na nakasiring sa kaniya "makakaalis ka na, matutulog na ako."

"Maaga pa naman Kirs. Mukhang hindi na ako mahihirapan ligawan si Dayana ah." Pagyayabang niya sa akin

"Alam mo kung gusto mo talaga si Dayana okay lang kahit mahirapan ka sa panliligaw. Gusto mo kasi ata kapag sinabi na gusto mo e' sasagutin ka kaagad."

Tumawa na naman siya ng mahina "oo na, akala mong expert ka kung makapag salita ka diyan a."

"Effort kasi! Effort!" Parang lahat ata ng lumalabas sa bibig ko e' yung mga bagay na gusto ko sabihin sa kaniya noong panahon na sinabi niya sa akin na gusto niya ako.

Mababaliw na ata ako sa lalaking to!

"Oo naman, kung kinakailangan naman ng effort gagawin ko naman e. Tinamaan na ata talaga ako sa kaniya."

Napatingin ako sa seryoso niyang mukha, hindi kami ganito mag-usap. Madalas puro kalokohan lang.

Kinuha ko yung unan ko sa kama at hinampas sa mukha niya "ang drama mo! Hahahaha."

"First time ko kayang manliligaw. Panira ka ng moment e."

Oo, si August yung tipo ng babaero pero hindi pa nakakapanligaw, kaya maswerte si Dayana kasi handang mag-effort sa kaniya si August mapasagot lang siya.

**
Kinabukasan, sinundo ako ni August. Back to routine na naman kami --ang sabay sa pag-pasok.

Sinadya talaga ni August na pareho ang oras ng pasok namin para magkasabay kami lagi kami pagpasok at nag-iintayan na lang kami kapag uwian na.

Pagkasakay ko ng kotse niya inabutan niya ko ng makapal na sticky notes "sulatan mo lahat yan."

"Ha? Ano ilalagay ko."

"Say yes." Ngumisi pa siya sa akin bago pinaandar ang kotse niya.

"Bakit ako gagawa? Diba ikaw dapat ang nag-eeffort dito?" Alam ko naman na para sa panliligaw niya kay Dayana ang mga ito. Kaya pala medyo maaga niya akong sinundo.

Meron pa ngang isang piraso ng bulaklak sa likod ng sasakyan niya e' pero hindi ko na lang tinanong pa kung para kanino. Para saan pa diba? Alam ko na naman ang sagot.

"Good morning Psyche." Bati ni Oliver ng makasalubong namin siya sa pathway ng school.

Inabot ko na kay August yung mga sticky notes "sabay na ako kay Oliver papasok ng room."

"Ayaw mo makita surprise ko?"

Tinaasan ko siya ng kilay "surprise mo mukha mo!"

Pero wala na akong nagawa ng hilahin niya ako palayo kay Oliver, kaya naman sinabi ko na lang kay Oliver na susunod ako habang hinihila ako palayo ni August.

"Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa kaniya."

"Hindi ko naman hinihingi opinyon mo."

Isa-isang inabutan ni August ang mga classmate ni Dayana ng sticky note, sinabi niya na rin kung ano ang dapat nilang gawin.

Halos 30 minutes na rin kami naghihintay kay Dayana dito sa room nila.

"Nandito na si Dayana." Sigaw ng isa niyang classmate

Isa-isa na silang pumwesto at lumipat naman si August sa kabilang room. Ipa-ring ko na lang daw ang phone niya kapag naabot na lahat kay Dayana nung sticky notes.

Pumasok na si Dayana sa room nila at isa-isa ng lumapit sa kaniya yung mga classmate niya.

Mayroon lang nakalettering na BE MY GIRLFRIEND sa white board at 'say yes' naman ang nakalagay sa mga papel na inaabot sa kaniya.

Halata sa mukha ni Dayana ang pagkakilig at panay lang ang tanong niya sa mga kaklase niya kung sino ang may gawa nun.

Hindi naman niya ako napansin na nakaupo sa isang sulok ng room. Pinaring ko na ang cellphone ni August sign na pwede na siyang pumasok.

Nagtilian ang mga kaklase ni Dayana na babae ng makitang dahan-dahan pumasok si August sa room habang may kagat-kagat na rose.

Hindi naman maikakaila na sobrang gwapo ni August kaya karamihan naman talaga ay napapaganga sa kaniya.

Natatawa ako habang papalapit si August, para siyang si Don romantiko. Inabot niya ang kamay ni Dayana at tsaka nilahad dito ang pulang rosas na kanina ay kagat niya.

"Be my girlfriend?" Tanong niya kay Dayana na nakapag-pasikip ng dibdib ko.

Dapat ay maging masaya ako bulong ko sa sarili ko, ngunit hindi pa man nakakasagot si Dayana ay lumabas na ako ng room. Hindi ko ata kaya marinig ang isasagot niya.

Take a chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon