I didn't hear Oliver's answer. I don't need it anyway. I just need to run away from him now.
Hinatid ako ni August sa bahay but I have to say this bago pa kami maghiwalay.
"I know hindi pa pwede but I can't wait any longer..." I bit my lower lip
August is trying to digest what I am talking about, until he gets it finally. "Are you saying that..."
I claim his lips before he can finish what he is saying. Agad din naman akong tumingin sa malayo ng maglayo ang mga labi namin.
He looked at his phone "march 1, noted." Ngumisi pa siya sa akin at hinalikan ako ulit ng marahan sa labi "I can kiss you everytime I want." He whispers to my lips as he continue kissing me.
I giggle and move away from him. I'm getting addicted to his kisses, I don't know if this is a good or bad thing.
Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at tsaka bumaba. Kumaway ako sa kaniya at pinanood ko lang na lumayo ang kotse niya pero makalipas ang ilang minuto ay niliko niya pabalik ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin.
Tumigil siya sa harap at ibinaba ang bintana ng kotse niya "I miss you already."
"Don't be a clingy boyfriend. Bukas ipapaliwanag pa natin to kay mama."
Tumango siya at nagflying kiss at tsaka tuluyan ng umalis. Napahawak ako sa dibdib ko. My heart is pounding so fast, is it true that too much love will kill you? I swear I can't breath properly when he's around.
**
Pagkababa ko ay magkatabi si mama at August sa sofa they are both serious. Did he tell my mom already?
Umupo ako sa kalapit na sofa ni August. Hinawakan niya ang kamay ko at bumulong "ako na ang magsasabi." Tumango ako at binalingan ng tingin ang mama ko.
Kinakabahan ako. What if magalit siya sa akin and she wouldn't allow August to come here anymore?
"Ahm...tita..."
"Huwag niyo ng sabihin, alam ko na." Tumayo si mama at dumiretso sa kusina sinundan ko naman siya agad doon, susunod pa sana si August pero pinigilan ko siya. "Ako ng kakausap."
"Ma..." Niyakap ko siya sa likod. I hope she's not mad at me, ayokong nagagalit siya sa'kin.
"Kirstain, akala ko ba nagkaintindihan na tayo dito?" Galit na nga ata siya.
Umupo ako sa dining table at pinapanood si mama na mag hiwa ng mga gulay na iluluto niya. "Sorry kung na disappoint ko kayo."
Binitawan ni mama ang kutsilyo na hawak niya at lumingon sa akin "hindi ako na disappoint anak..." Nagpatuloy siya sa paghihiwa "kaya lang masyado pa kayong bata para diyan."
"Naiintindihan ko naman po kayo pero mahal ko po talaga si August."
Hinimas niya lang ang likod ko at tumango. Bumalik ako sa salas at umupo sa tabi ni August, nakangisi lang siya sa akin kaya tinignan ko siya ng masama "ano problema mo?"
"Narinig ko 'yun."
"Alin?"
He moves closer to me "I want to hear it again..." Nakatingin lang ako sa mga mata niya. I'm drowning in his eyes. "Say you love me"
"Anak ibili mo naman ako sa tindahan!"
Nakahinga ako ng maluwang ng biglang sumigaw si mama mula sa kusina.
Agad naman akong tumayo "sasama na ako." Tumango na lang ako.
Malayo kami sa isa't-isa habang naglalakad. Hindi naman kalayuan ang tindahan pero bigla siyang lumapit sa akin at umakbay. "Ngayon ko lang napansin na maganda ka pala."
Agad ko naman inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nang-aasar na naman to. "Wag mo na kong bolahin. Girlfriend mo na ako okay?"
Ngumisi naman siya sa akin. "I can't still believe..." Umiiling iling pa siya "but seriously, look around. Ang daming tumitingin sa'yo."
I do what he told me at oo nga ang daming mga lalaki na naglalaro ng basketball ang nakatingin. Hindi naman kasi ako pala labas ng bahay, I'm usually with my friends kaya hindi ako nakikita ng mga tao dito.
"Sorry sila 'cos you're mine."
I can't help but blush. Mabulaklak nga talaga ang labi ni August, no wonder ang daming naloko sa kaniya. Bigla naman nawala 'yong ngiti ko. Paano kung...napailing na lang ako sa iniisip ko.
"Share me your thoughts." Sabi niya habang bumibili na kami sa tindahan.
Should I tell him? I don't think so. Relationship should have trust. Hindi ko siya dapat pagdudahan. After all, unang araw pa lang namin as official couple. Marami pa kaming pagdadaanan.
Paparaan na kami ng basketball court ng may gumulong na bola sa harap namin. "Castro! Laro tayo?!" Sigaw ng isang player. Lumingon siya saniba pang naglalaro ng basketball.
"Hatid ko lang girlfriend ko." Pumula yung pisngi ko ng dahil doon. Hindi pa rin nadadigest ng utak ko na kami na talaga. Na hindi na lang ako bestfriend at may karapatan na akong magselos tuwing may mga babae na lalapit sa kaniya.
Agad ko naman inabot kay mama ang pinabibili niya.
"Manonood ka?" Tanong sa akin ni August at umiling lang ako. Hindi naman talaga ako mahilig manood ng basketball, hindi ko nga maintindihan 'yong laro kaya wag na lang.
"Sigurado ka? Maraming manonood na babae." Ngumisi pa siya sa akin. Nice try August, pero hindi ako clingy kagaya mo.
"Alam ko naman kahit maraming babae na manonood ako lang ang love mo." Natatawa kong biro sa kaniya kaya pinisil niya ang pisngi ko "ouch!" Hinihimas-himas ko pa ang pisngi ko na kinurot niya.
"Ang cute mo! Hindi na nga ako maglalaro, dito na lang ako."
Tinulak ko siya palabas ng gate. He's being adorable. Hinayaan ko na lang siya "They're waiting for you. Kaya pumunta ka na, daan ka na lang dito kapag pauwi ka na. Okay?" Tumango siya at tsaka nagpaalam.
Palakad ako pabalik sa loob ng bahay ng makita ko si mama na naka crossed arms sa may pintuan. "Halika nga mag-usap tayo."
Sumunod naman ako papasok sa loob at umupo sa katabi niya. "Alam na ba ng tita Hazel mo na boyfriend mo na si August?" Umiling lang ako.
Akala ko kanina okay na nag-usap kami ni mama pero parang kinakabahan ako. "Sabi mo nga diba mahal mo si August?" Tumango naman ako. Para lang akong ewan na puro body gestures lang ang sinasagot kay mama.
"Ipinapaalala ko lang sa'yo anak ha? Bata ka pa, dapat lagi mo ding iisipin ang sarili mo, lagi lang magtitira para sa sarili mo. Lahat ng sobra ay nasasayang, hindi ko naman sinasabi na ayoko kay August pero pinapayuhan lang kita." Tumango ako at niyakap si mama.
Tama lang talaga ang desisyon ko na sabihin to kay mama, na boyfriend ko na si August. Sa una medyo nakakatakot pero ang importante hindi kami nagsinungaling at alam namin kung hanggang saan ang limitasyon namin. Mas maganda pa rin na may gabay ng mas nakakatanda.
"Salamat mama, akala ko talaga magagalit ka kasi sinuway kita."
Nginitian na lang ako ni mama at nagpatuloy na siya sa pagluluto niya.
Isang oras na ang nakakalipas simula nung lumabas si August para maglaro ng basketball, hindi ko alam kung gaano katagal ba natagal ang isang game pero kinakabahan na ako. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa salas.
Napagdesisyunan ko na lang na pumunta ng court para tignan siya. Papalapit ako ng may narinig akong sigaw ng mga babae. Hindi ito 'yung tipo ng sigaw na mga cheer kaya agad ako tumakbo palapit at nakita ko na lang so August na nakaupo sa gitna ng court habang may dugo sa gilid ng labi.
"Anong nangyari?!" Agad naman siyang tumayo ng makita niya ako at inakbayan ako para makaalis kami sa gitna ng court.
"Natamaan lang ng bola."
Wala 'man akong alam sa basketball hindi naman ako tanga para maniwala sa kaniya. Ano ba nangyari?
Tatanungin ko sana siya ulit ng makita ko si Oliver na nakakuyom ang kamao habang naglalakad palayo sa amin.