"Tigilan mo nga ako August."
1 week na ang nakalipas simula nung nakita niya yung picture niya sa wallet ko at hanggang ngayon kinukulit niya pa rin ako.
"Aminin mo na pare, type mo ba ako?"
Siniringan ko lang siya kahit na gusto kong sabihin na 'oo manhid ka lang' but no way! May gusto ng iba si August at ayoko naman sabihin yung nararamdaman ko, ngayon na nagtitino na siya.
"Pinanakot ko lang sa daga yung picture mo, wag kang assuming!"
"Grabe ka naman pare, sakit mo magsalita."
Tumalikod pa siya sa akin at nagkunwari na lang na nagbabasa ng notes niya, umusod ako palapit sa kaniya at tsaka siya kinulbit pero hindi siya lumilingon.
"Uy Agosto naman, nagbibiro lang ako."
Umusod siya palayo ulit sa akin at ako naman ay umusod palapit ulit sa kaniya, hanggang sa nahulog na siya sa kinauupuan niya.
"Hahahahahahahahahahahahahahahaha." Tawa ko na akala mong wala ng bukas, umupo siya ulit sa tabi ko at nakitawa na sa akin
Inayos niya yung buhok ko na humaharang sa mukha ko, nabigla ako sa ginawa niya kaya napatigil ako sa pagtawa. Pakiramdam ko nakuryente ang buo kong katawan ng dahil sa ginawa niya.
Sobrang lapit niya sa mukha ko na parang hindi na ako makahinga, hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya na nasa may likod ng tainga ko.
"Gusto ko laging makita ka na ganiyan kasaya."
"*ehem* akala ko kapatid ko yung nililigawan mo?"
Tanong ni Oliver na dahilan para lumayo kami sa isa't-isa "akala ko mabibigla ka sa gusto kong sabihin August, pero mukhang ako pa yung nabigla." Tumakbo si Dayana palayo na kaninang nasa tabi ni Oliver.
"Dayana wait..."
Agad sinundan ni August si Dayana ng may tumunog sa gilid ko, may tumatawag kay August. Kinuha ko iyon para isunod kay August pero pinigil ako ni Oliver ng hawakan niya ang braso ko.
"Hayaan mo muna silang mag-usap."
Tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko "baka importante to." Agad din naman niya akong binitawan at tumakbo na ako para hanapin si August.
Titigil na sana ako sa paghahanap kay August dahil tumigil na ang pagring ng cellphone niya ng may marinig akong nag-uusap na malapit sa akin.
Sinilip ko yung room na pinanggagalingan ng pag-usap, si August at Dayana.
"...dati pa naman gusto na kita August, kaya sobra yung saya ko nung ligawan mo ako. Pero bakit hindi pa tayo nasasaktan na agad ako? Ganito ba talaga magmahal ng tulad mo?"
Lumapit sa kaniya si August at niyakap siya "si Kirs, bestfriend ko lang siya."
Ansakit na marinig na bestfriend lang ako. Pero wala e, eto naman yung pinili ko ang maging best friend forever.
Umupo si Dayana sa upuan na malapit kay August "hindi mo ba siya gusto?"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ni Dayana kay August. Nakita ko ang pag-iling ni August.
Ano nga bang inaasahan ko na sagot niya e si Dayana na ang gusto niya, sa bibig na mismo ni August nanggaling.
"Yes August."
Naguluhan ako sa sinabi ni Dayana, marahil pati si August ay naguluhan dahil tinanong niya si Dayana kung ano ang ibig niyang sabihin.
"It's a yes August! Sinasagot na kita."
Muli niyakap ni August si Dayana dahil siguro sa labis na saya. Nakita ko sa mga mata ni Dayana kung gaano siya kasaya, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya kay August at tsaka niya ito hinalikan.
Kasabay ng paghalik ni Dayana kay August ay ang pagtulo ng luha ko. Bakit sobrang bigat ng dibdib ko? Hindi ba dapat maging masaya ako?
Tatakbo na sana ako palayo ng may humawak sa magkabila kong balikat at tinignan ako sa mga mata. Pinunasan niya ang basa kong pisngi at tsaka ako hinila palayo kila August.
"Bakit ba nakinig ka pa sa usapan nila? Gusto mo ba talagang nasasaktan ka?"
Tumingin ako kay Oliver at pinunasan ang pisngi ko na kanina pa basang-basa dahil hindi matigil ang mata ko sa pag-iyak.
"Hindi ko naman gusto makinig sa kanila."
"Kumain na lang tayo."
Dinala niya ako sa isang fast food sa labas ng school, buti na lang uwian na. Pakiramdam ko kasi naubos yung lakas ko sa pag-iyak.
"Kuya, nandito pala kayo." Masayang bati ni Dayana
Hindi ako makatingin sa kanila, ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak kanina.
"Kanina pa namin kayo hinahanap, naiwan daw kasi ni August yung cellphone niya kay Kirs, yung cellphone ko naman lobatt kaya hindi rin namin kayo matawagan."
Umupo si Dayana sa tabi ko, bakas sa kaniya ang labis na kasiyahan. Umupo naman si August sa bakanteng upuan sa kalapit namin lamesa.
"May sasabihin din kami sa inyong dalawa kuya."
Tumango na lang ako, mabuti na lang at hindi nila napapansin ang pamamaga ng mata ko.
"Kami na ni August kuya."
Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon. Alam ko na naman ito pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko sa narinig ko?
Tumingin sa akin si Oliver at parang pinag-aaralan niya ang reaksyon ko bago siya nagsalita.
"I don't like him for you Dayana." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas sa fast food "halika na Psyche."
Tumigil kami sa may lilim ng puno, pinagmamasdan lang ako ni Oliver. Pakiramdam ko anytime soon tutulo na naman ang luha ko.
"Wag ka ng umiyak. Okay lang sa akin na masaktan yung kapatid ko, wag lang ikaw. Gagawa ako ng paraan para magkahiwalay sila."
Nag-angat ako ng tingin at ang tangi ko na lang nakita ay ang likod ni Oliver na naglalakad palayo sa akin.