Kinabukasan naghanda ako para sa school. Kinakabahan ako sa bawat hakbang na papalapit si Oliver sa akin. Naglapag siya ng isang maliit na envelope sa desk ko pero wala siya kahit anong sinabi sa akin.
Tinignan ko kung ano ang laman, invitation pala para sa birthday niya mamaya.
Bakit niya ako iniimbitahan kung wala naman pala siyang balak kausapin ako? Am I being too much? I know I hurt his feelings but I hope he'll accept that I'll never like him more than a friend. I don't know, he actually has the qualities of an ideal man but I just don't like him.
Masyado na ata kasing nakatuon ang pansin ko kay August na kahit sino pang mas higit sa kaniya ang dumating ay wala na akong pakielam.
Nagtext sa akin si August na may pupuntahan daw siya mamaya. Hindi na ako nag-abala magreply. Hindi rin naman niya sinabi kung saan siya pupunta.
Iniisip ko pa kung pupunta ba ako sa birthday ni Oliver. Pero may invitation naman ako, so why not?
Isa pa palang kinakatakot 'e ang pagkikita namin ni Dayana ulit. Isama ko na lang kaya si August? Bahala na.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako tuluyan pumasok sa bar na pinag-gaganapan ng party ni Oliver. Puro kilalang mukha naman ang nandito.
Hinanap ng mata ko si Oliver para iabot sa kaniya yung regalo ng makita ko siya ay agad niya lang akong nilagpasan. Hindi ko alam kung hindi ba niya ako napansin o ano.
Sumunod din naman ako sa kaniya at lumabas siya sa bar dahil may kinakausap siya sa phone niya. Inintay ko lang sila matapos mag-usap at tsaka ako tuluyan lumapit sa kaniya.
Nakita niya ako pero hindi niya ulit pinansin kaya hinarang ko na ang dadaanan niya.
"Pinapunta mo ba ako dito para lang hindi mo pansinin?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Oo, kasalanan ko pero sana naman 'wag niya na akong konsensiyahin pa dahil nagsisisi na rin naman ako.
"You wished for this right?" Napatungo na lang ako "this is how much I love you, na kahit magpanggap na hindi tayo magkakilala gagawain ko and you know what? Nothing's change I still like you."
"Bro code."
Hindi pa 'man ako napapatingin sa nagsalita mula sa likod ni Oliver ay alam ko na kung kanino nanggaling ang boses. Ganoon ko siya kakilala.
Hinila ako papasok ni August sa bar. "Why are you here?" Tanong niya sa akin. I don't know if he's mad or what.
"Inimbitahan niya ako."
"Dito ka lang." Iniwan niya ako sa isang VIP part ng bar.
Hindi rin naman ako nag-iinom kaya nag-stay na lang rin ako. Hindi ko nga alam kung tama ba na pumunta pa ako dito.
Isang oras na mula ng iniwan ako ni August, medyo nabobored na ako kaya lumabas na ako at hinanap siya.
Nakita ko siya na nakikipagtawanan kay Dayana. I step backward, wala naman silang ginagawang masama pero bakit pakiramdam ko naiiyak ako? I don't want to be a possessive girlfriend pero ang hirap pala lalo na't ex niya ang kausap niya. Ang babaeng sinabi niya na special sa kaniya.
"They were just talking." Bulong ng isang lalaki sa likuran ko "you're his girlfriend right?"
Binalingan ko siya ng tingin at kung hindi man ako nagkakamali ay eto yung lalaking gustong-gusto ni Sasa.
"I'm Rayver." Naglahad siya ng kamay at iaabot ko na sana ang kamay ko ng higitin ni August ang kamay ko palayo kay Rayver.
"Sorry but I don't let someone touch my girlfriend."
Binalik niya ako kung saan niya ako iniwan kanina. "Diba sabi ko dito ka lang?!"
"Bakit!? Para hindi ko makita kung paano ka makipaglandian sa ex mo?!"
Ayoko man aminin, pero oo. Nagseselos ako! I hate that I'm so inlove with him. Nanginginig ako sa inis but whenever I am looking in to his eyes I'm lost. I'm avoiding his gaze kasi dapat galit ako.
He cupped my face "listen okay?" Tumango ako. Para akong aso na nagiging maamo when it comes to him. "Sino bang pinakilala ko sa pamilya ko? Ikaw diba? Why are you jealous? There's nothing to be jealous about kasi alam ko na ikaw lang ang gusto ko..."
Naramdaman ko na lang ang presensya ni Dayana ng bigla siyang umubo.
"Hi!" Kumaway siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ba dapat ako mag-react. 'Cos the last time we talked, she's mad at me.
"Sorry for the last time. Naisip ko lang na hindi pala kita dapat inaway." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"So, are we good?"
Tumango na lang ako. There's no reason for me to not forgive her. If she's sincere then I'm more willing to forgive her. Nagkaayos na nga sila ni August so bakit hindi rin kami right?
Tinapik niya ang balikat ni August "nagkukwentuhan lang kami kanina."
I find everything awkward. Gusto ko na lang umuwi. "Ah...Can I go home now?"
Hinawakan ni August ang kamay ko "ihahatid na kita."
Ng makarating kami sa bahay ay nakatingin lang siya sa akin. Bumaba na ako sa kotse niya. Agad din naman niyang inistart ang sasakyan niya. "Babalik ako sa party ni Oliver."
"Okay."
Okay, kahit nandoon ang ex mo. Okay, kahit alam kong hindi dapat ako nagseselos pero hindi ko maiwasan. He gave me an assurance already but is it enough?
Pilit kong tinatatak sa isip ko na bestfriend ko pa rin naman siya and bestfriends should trust each other. Pero bakit napaparanoid ako sa pag-iisip?
Hindi ko na mapigilan ang pag-iisip kaya naiyak na lang ako. Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito. I hate this feeling.
Nagring ang cellphone ko. I checked the screen and rejected the call. Tinext niya naman ako.
"Please answer."
Pagkabasa ko ng text ay nagring ang cellphone ko ulit. I am torn between to answer or not and I still choose the first one.
"Are you asleep?"
Narinig ko sa kabilang linya ang malakas na tugtog at si Dayana "hey stop that, we should be enjoying now"
Nakapagpakawala ako ng malakas ng hikbi dahil doon "umuwi ka na..." I said between my sobs
"Saglit lang." Then he ended the call
Hindi ba niya napansin na umiiyak ako? He ended the call right after that. Mas mabuti pa pala na best friends na lang kami. It's like August is slowly drifting away from me.
Naalipungatan ako dahil sa mahinang pag-uusap sa labas. Chineck ko ang cellphone ko, 15 minutes pa lang pala ako nakakatulog.
"She's sleeping August, bumalik ka na lang bukas."
"Kailangan ko lang po talaga siya makausap, kahit saglit lang po."
Napaupo ako sa kama ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Napaiyak na naman ako ng makita ko siya na papalapit sa akin. Bakit ba lagi niya na lang ako pinapaiyak?
"Lagi na lang kitang napapaiyak. I should be making you happy always not like this."
Hindi ako sumagot. I don't know what to say. He makes me feel special and then next I'll feel worthless. This isn't healthy anymore. But if this is part of the consequences I'll gladly accept this.
"Do you want me to sleep here?" He looked down "I mean, sa couch...sa baba...for you to be sure na hindi na ako babalik doon." He scratched the back of his head
I shook my head "I trust you...just please, don't break my trust."