"I realized one thing Kirs and I guess you can't just be friends with someone you are madly in love with."Gusto ko siyang murahin at sabihing "gago ka ba? Pilit ko ngang pinipigilan yung nararamdaman ko para sa pagkakaibigan natin e. Tapos sasabihin mo sa akin yan."
Pero hindi ko magawa, tumulo yung luha ko at tumalikod na. Siguro kailangan lang namin ng oras.
Kung ganito lang din naman pala yung mangyayari, eh di sana sinabi ko na rin yung nararamdaman ko sa kaniya.
Ilan taon ko na nga bang palihim na minamahal tong gagong to?
"Kirs tara andiyan na yung-bakit ka umiiyak?"
Nagkibit balikat lang ako, kapag nagkwento ako panigurado lalo lang akong maiiyak kaya mas mabuti kung pakakalmahin ko muna yung sarili ko.
Ng sa wakas matapos na yung pagtulo ng luha ko e kinausap ako ni Oliver at inabutan ng tubig.
"Ano bang nangyari?"
"Tama naman yung ginawa ko diba?"
"August?"
Tumango ako "Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, okay lang kahit masaktan ako. Wag lang siyang mawala sa tabi ko, kasi di ko kaya,"
Umupo kami sa bench, hindi na kami nakapasok sa first subject dahil sa pagddrama ko. Anubayan.
"Alam mo, hindi ko alam kung bakit nakikinig ako sayo ngayon. Puro si August lang naman bukambibig mo. Masakit sakin, oo. Pero mas masakit naman makita na umiiyak ka mag-isa. Naiintindihan kita, pangit man pakinggan pero ganun talaga kapag nagmamahal, nakakatanga."
Sumandal ako sa dibdib ni Oliver, buti na lang din pala at naging kaibigan ko siya.
"Kuya!" Kumaway at lumapit sa amin si Dayana
Pareho kaming umayos ng upo ni Oliver, buti na lang pala at hindi na ako umiiyak kundi nakita pa ako ni Dayana.
"Good thing you're there Kirs!" Tumingin siya sa kuya niya "pahiram muna kay Kirs ha? May pupuntahan lang kami."
**
"Saan ba tayo pupunta? May klase pa kasi ako ng 1."Tumigin siya sa wrist watch niya "maaga pa naman, sa mall lang. Dahil best friend ka ni August ikaw sinama ko, birthday niya na pala sa isang araw?"
Mag bbirthday na nga pala si August.
August baby yan, halata naman sa pangalan diba? August 7 ang birthday niya to be exact."Ano ba gusto niyang regalo?"
Kwento lang siya ng kwento sa akin, sinabi niya rin na magkatext sila kagabi ni August. Habang kinukwento yun ni Dayana e halata sa kaniya ang kilig.
"Ano, gusto niya ng sapatos na panglaro ng basketball."
Patuloy lang kami sa pag-iikot sa mall hanggang sa niyaya ko na siyang bumalik sa school.
"Basta ikaw kasama ko ha?"
Tumango na lang ako, hindi alam ni Dayana na may tampuhan kami ni August.
Ano ba dapat kong iregalo sa kaniya? Ipagluluto ko na lang siguro siya ng carbonara.
**
Mabilis naman na lumipas yung araw, napakatahimik pala ng buhay ko kapag wala si August."Hey Kirs! Omg! You look so great. So let's go?"
Tumango lang ako, kinakabahan ako. Sana magkaayos na kami ni August, kung hindi niya pa ako papatawarin siguro sabihin ko na lang rin sa kaniya ang nararamdaman ko. After all, there's no use of protecting the friendship kung masisira na rin naman.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila, wala naman masaydong bisita karahiman mga team mates lang niya.
"Happy birthday August!" Bati ni Dayana at tsaka pa siya humalik sa pisngi nito, hindi ko alam kung paano ko siya babatiin. Nahihiya ako sa kaniya.
Inabot ko yung tupperware na may laman na carbonara, nakadikit lang sa takip noon ang isang sticky note na may nakalagay na "sorry and happy birthday :)"
"Excuse me for a while."
Naiwan na kaming dalawa sa salas, sa garden kasi ginaganap yung pinaka party niya, mini party to be exact.
"Kain tayo?" Alok niya sa akin
"I'm full. Thank you." Ngumiti ako sa kaniya at nginitian niya ako pabalik, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ba ako kinakabahan? Bestfriend ko siya dapat hibdi ako mahiya sa kaniya. Lahat ng kalokohan at kababuyan ko sa katawan alam niya.
"I need to go, Happy birthday August."
"Hatid na kita sa labas?" Tumango lang ako, ayoko ng maging masyadong maarte. Gusto ko rin siya makasama, namimiss ko na tong gagong to.
Pumara na ako ng taxi, at bumuntong hininga. Kailangan ko ng humingi ng tawad, it's now or never ika nga.
"August/Kirs" sabay namin tawag
Sinenyasan ko na lang yung taxi driver na umandar na at hindi muna ako sasakay.
"Go on."
"Ladies first."
Bumuntong hininga muna ako before I started to talk and explain my side
"I'm sorry August. I just want to be your best friend forever, I don't know if you really like me or whatsoever but I'd rather be your best friend forever than to be your ex girlfriend in the future. I hope you understand. Friends?"
There's a blank expression on August's face. Matagal bago siya nag react at umiling.
"Bestfriends"
Niyakap niya ko at naramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa dibdib "namiss kita pare, kung alam mo lang." Habang sinasabi niya yun parang gustong kumawala ng puso ko sa dibdib ko.
Inakbayan niya ako "tara kain tayo?"
"Buti naman inalok mo ako ulit, kanina pa ako gutom eh."
Ginulo niya yung buhok ko "nag-iinarte ka pa kasi e"
"Gusto ko kasing pilitin mo ako." Pareho naman kaming natawa, umakbay siya sa akin bago kami sabay na pumasok sa loob ng bahay nila
****Nag-umpisa na yung party ni August, may mga hinanda silang parlor games. Nakakatuwa dahil parang bumalik kami sa pagkabata.
Si Dayana at Sasa na lang ang natira sa trip to Jerusalem, masaya silang nagsasayaw na dalawa habang kaming lahat ay nanonood sa kanila.
Umupo sa tabi ko si August at nagsalita "I think I'm starting to like her."
***
Happy new year