Sumama ako kay mama para icheck yung venue ng debut ko. Lahat busy na sa pag-aayos dahil mamaya na yung special day ko. Napayakap talaga ako kay mama ng makita ko yung resort, sobrang ganda at perpekto ng lahat. Simula sa pagkakaskirting ng table cloths hanggang sa centerpiece na bulaklak.
"Thank you talaga mama."
"Huwag ka na ngang madrama diyan Kirstain, halika na't umuwi na tayo para maayusan ka na."
Tumango lang ako kay mama. Perpekto na sana ang lahat kung nandito si papa sa special na araw ko.
Naligo na ako at sinuot muna ang robe ko para hindi na ako mahirapan sa pagbibihis mamaya. Dumating na rin yung mag memake-up sa akin. Excited na talaga ako.
Umupo na ako sa harap ng salamin at inumpisahan na akong ayusan. Pinapikit ako para sa eyeshadow at ng pagdilat ko nakita ko sa reflection ng salamin si August na nakaupo sa kama ko. Nakasuot na siya ng black pants at black shoes pero ang pangtaas niya pa lang ay white t-shirt.
"Aga mo naman." Sabi ko sa kaniya habang inaayusan pa rin ako.
"Sasabay na ako sa inyo papuntang venue."
Tumango na lang ako sa kaniya. Medyo naiilang ako sa kaniya kasi kanina pa siya nakatitig sa reflection ko sa salamin, pilit ko naman ibinabaling yung attention ko sa iba.
Narinig ko na nag-ring yung cellphone niya. Agad niya naman yun sinagot at nagmadali siyang lumapit sa akin.
"Pare, aalis muna ko ha? May emergency kila Dayana. Babalik ako kahit anong mangyari." Humalik pa siya sa noo ko bago siya tuluyan umalis.
May dalawang oras pa naman bago mag-umpisa yung debut ko. Siguro naman bago mag-umpisa e' nakabalik na siya dito.
"Boyfriend mo? Ang sweet naman." Tanong ng nag-aayos sa akin.
"Ay hindi po, bestfriend ko lang po iyon."
Natapos na ang pag-aayos sa akin at hindi ako makapaniwala sa naging hitsura ko. Syempre nag selfie muna ako dahil minsan lang ako maayusan ng ganito. Pinagbihis na rin nila ako.
Chineck ko yung cellphone ko. Nagtext si August.
'Una na kayo. Sa venue na lang ako susunod.'
Hindi ko na siya nireplyan kasi kinuha na ni mama yung cellphone ko siya daw muna ang magtatago. Sinundo na rin kami ng kapatid ni mama dahil hindi naman kami pwede mag-commute dahil sa suot ko, wala din naman kaming sasakyan.
Sa backstage muna ako habang nag-iintay kami sa oras. 5 minutes na lang mag-uumpisa na yung party ko pero wala pa rin si August.
"Mag-uumpisa na." Sabi ng coordinator kaya pinaghanda na ako para sa magiging pwesto ko sa grand entrance ko.
"Ma wala pa po ang escort ko."
"Eh hindi ba pumunta na si August kanina sa bahay? Nasaan na siya ngayon?"
Nagkibit-balikat na lang ako ng pumasok si Oliver sa backstage. "Wow." Nakita ko na sinabi niya kaya nginitian ko na lang siya.
"Siya na lang ang escort mo. Hindi naman pwedeng intayin pa natin si August at baka mainip ang mga bisita."
Tumango na lang ako, ayoko naman masira ang araw ko ng dahil lang late si August.
"And let's welcome our debutant Psyche Kirstain Aldea together with her escort Oliver Louie Esteban."
Bumaba na ako sa hagdan na ginawa sa stage habang naghihintay sa akin si Oliver sa baba. Limang baitang lang naman ang hagdan na ginawa talaga para sa entrance ko.
