27

128 6 2
                                        

"Ysabel..."

"Gumising ka na.."

Rinig ko ang napakatamis na boses ni ate Francia mula sa hindi kalayuan. Minulat ko ang aking mga mata at nakita si ate na nakatayo sa may pintuan habang may hawak hawak na kape at plato na may pandesal. "Mabuti't gising ka na, mukhang napasarap ang tulog mo, Ysabel."

"Ah..." Dahan dahan akong bumangon mula sa aking kama, at napansin ang paglapit sa akin ni ate... Inilapag niya ang almusal sa lamesa na katabi lang ng aking kama. "Mukha nga, ate. Nagkaroon ako ng napakahabang panaginip, may nakita akong mga sundalo na naglalaban, at madugo rin iyon. Ngunit ayun kang naalala ko." Nag ayos ako ng buhok at inabot ang kape at pandesal.

"Tss... Eto ka nanaman, sa kakabasa mo ng mga libro na tungkol sa labanan ay binisita ka na ng mga sundalo na iyon." Biro ni ate. "Kumain ka na at may bisita tayo sa baba."

Sinunod ko ang kanyang sinabi at kumain, medyo halata na gutom ako sa bilis ng aking pagsubo at pag higop ng mainit na kape. Kinekwentuhan naman ako ni ate Francia tungkol sa kanilang lakbay nila Inay papuntang Bulacan... Binisita nila ang aking tiyuhin at mga pinsan doon, ngunit hindi ako nakasama dahil magbabantay pa ako sa bahay.

Pagkatapos ay lumabas si ate para makabihis ako at makapag ayos. Pinili ko ang aking paboritong puting bistida at kumuha ng isang ipit para sa aking buhok, pagkatapos ay lumabas na ako at bumaba.

Doon ko nakita si itay at ang isang opisyal. Gwapo siya, at halata na bata pa ang general. "Ah, Heneral Goyong, siya nga pala ang aking bunsong anak... Si Ysabel." Wika ni tatay pagkakita niya sa akin habang ako'y pababa ng hagdanan.

Lumingon ang heneral patungo sa aking direksyon at tumango. "Magandang umaga, binibini. Heneral Gregorio del Pilar, galing Bulacan."

"Nagagalak akong ika'y makilala Heneral." Bati ko habang nakangiti.

Bakit parang nakita ko na ang heneral na ito? Pakiramdam ko ngayon ay matagal na kaming magkakilala, ngunit base sa kanyang ekspresyon, ay parang ngayon lang namin nasilayan ang presensya ng isa't isa.

Umupo si tatay at si heneral Goyo sa sala, at para bang sisimulan na nila ang kanilang pagtalakay. "Heneral, itay, mauna na po ako para po makausap niyo ang isa't isa ng mabuti." Aking wika at naglakad papalayo sa kanila, ayoko nga naman makastorbo sa dalawa... At ayaw ko rin malaman kung ano ba ang paguusapan nila.

Tumungo ako sa kusina para makakain ng almusal, may nakahandang plato ng ensaymada sa lamesa, ako'y umupo at nagsimulang kumain. Buti nalang at medyo malayo ako kanila tatay at sa heneral, kaya hindi ko masyado marinig ang pinag-uusapan nila, baka kasi kung tungkol man iyon sa giyera o labanan, ayaw kong pakabahin ang aking sarili.

Napunta naman ang aking mata papunta sa isang maliit na mesa sa aking tagiliran, na madalas ay nakikita ko ang mga litrato namin doon. Ngunit may isang bagay na nakalapag sa parehas na mesa na iyon na hindi ko alam kung ano ang gamit... Para siyang kwintas na may maliit na orasan, kumunot ang aking noo ng nalilito.

Ano ito?

Tumagilid ako sa aking upuan para abutin iyon, at pagkahawak ko sa ala kwintas na ginto, ay bigla nalang nawala lahat, at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari.

...

"Ysabel, gumising ka na..." Rinig kong wika ng isang pamilyar na boses habang dahan-dahan kong minumulat ang aking mata.

Nakita ko si Juan na hawak ang kanyang sumbrero sa aking harapan. Tinignan ko muna ang aking paligid, at sigurado ako na bukang-liwayway palang... Ngunit maaga na akong ginigising, malamang ay sisimulan na ulit namin ang pag lakbay. Bumangon ako sa aking posisyon, "Pasensya na Juan at medyo napasarap ang tulog ko. Nagkaroon ako ng isang kakaibang panaginip eh." Aking sabi, onti onting tumatayo habang tinulungan ako ni Juan.

"Di mo kailangan magpatawad, Ysabel." Simula niya. "Kailangan na nating maglakad muli dahil nabalita ng isa kong sundalo na nasa kabilang bundok lamang ang mga Amerikano, kumain ka muna ng kaunti bago tayo magsimula." Inabot niya sakin ang isang dahon ng saging na may kaunting kanin.

Sa totoo lang, hindi ako masyadong gutom, ngunit alam ko ang sitwasyon namin, limitado ang pagkain kaya kinailangan ko ring magpalakas upang hindi ako manghina. "Salamat."

"Nga pala, Juan... Alam mo ba kung nasaan na ang vanguardia?" Aking tanong, ramdam ko ang malamig na hangin sa aking paligid.

"Hindi ako sigurado, ngunit alam ko na mas nauna sila sa atin... Kaunting lakbay nalang at maaabutan na natin sila." Kanyang sagot, tumango naman ako.

Lumipas ang kaunting minuto at sinimulan na muli namin ang paglakbay...

....

Hai guyssss!!

Sorry for the very slow updates, alam ko na po kung anong mangyayari ngunit hindi ko pa po alam kung paano sila ilalagay..

Sana po maintindihan niyo po.

Salamat rin po sa patuloy niyong pagsuporta sa aking libro! Sana po safe po kayong lahat.

Paalam!

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon