Syempre hindi parin mawawala ang kwentuhan habang kumakain...
Talagang maraming tanong sina Tiya Carmela at Jose tungkol sa amin ni Goyo, hindi ko naman maiiwasang sumagot sa mga tanong nila...
-----------
Lumipas ang limang minuto at natapos na kaming kumain, nag-ayos naman ng mga gamit sina Tiya Carmela at Jose.
"Ysabel...Pwede ka bang umakyat muna sa kwarto mo?", Tanong saakin ni tatay.
"Sige po tay", Sagot ko ng nakangiti.
Umakyat naman ako patungo sa aking kwarto at pumasok...May nakita akong mga kahon na nakapatong sa kama ko.
"Saan iyon galing?", Tanong ko sa aking sarili.
Tinignan ko naman ang mga kahon kung may pangalan ba na nakalagay...pero wala.
Agad ko namang tinawag si tatay...Pumunta naman siya sa kwarto ko at ngumisi.
"Tay...Para kanino po itong mga kahon?", Tanong ko, agad naman siyang sumagot.
"Para sayo."
Huh? Ang ibig sabihin ay para saakin ito?
"Sandali lang...Mga regalo ko po ito?", Nagtataka kong sabi at tumango nalang si tatay.
"Pwede ko na po ba buksan?", Masaya kong tanong.
"Pwedeng pwede", Wika ni tatay.
Nagsimula naman ako sa pagbubukas, sabi ni tatay, ang unang regalo na bubuksan ko ay galing sa kanilang tatlo, wala na kasi silang maisip na regalo ehh...
Binuksan ko ang kahon at nakita ang isang napakagandang pulseras, napangiti naman ako.
"Salamat po tay, tiya Carmela at Jose",Pasalamat ko at sumagot naman sila.
Nagkwentuhan muna kami ng kaunti at oras na para matulog..Kaya naman nag-ayos muna ako at bumalik sa aking kwarto para magpahinga.
Bago ako humiga, umupo muna ako sa aking kama... Hanggang ngayon kasi iniisip ko parin nung hinalikan ako ni Goyo....Nabigla lang ako sa ginawa niya, pero sa tingin ko ay iniisip niya rin ang nangyari kanina.
Humiga nalang ako at sinubukan kong makatulog.
------------------
Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog, hindi ko lang kasi makalimutan ang nangyari...Umabot na nga sa punto na hindi na ako nakatulog, kaya hinintay ko nalang ang pagsikat ng araw...
"Ano bayan ....Hindi naman ako nakatulog...", Bulong ko sa aking sarili.
Nagdesisyon nalang akong bumangon at mag-ayos para masimulan nanaman ang isang bagong araw.
Agad naman akong bumaba at nakitang wala pang gising, kaya ako nalang ang naghanda ng almusal.
Lumipas ang ilang minuto at may narinig akong mga apak na galing sa hagdanan, naisip ko naman na si tatay iyon, o baka rin di Jose o si tiya Carmela.
"Ysabel...Maaga kang nagising ah", Sabi ni tatay at binati ko siya, binati niya rin ako pabalik.
"Tay, kumain na po kayo...", Sabi ko at umupo naman siya sa upuan.
"Ikaw....Kumain ka na ba?", Tanong niya, tumango nalang ako at nagsimula siyang kumain.
Naglinis naman ako ng bahay at pagkatapos ang ilang minuto, bumaba na rin si tiya Carmela at Jose.
Nakita kong may mga buhat sina Jose at tiya Carmela na maleta, agad namang kinausap ni tiya Carmela si tatay.
Binaba muna nila ang mga maleta at saka sila kumain.
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfic"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo