Parang hindi ako makagalaw sa sinabi niya,hindi ko kasi alam kung papayag si tatay at nanay,pati na si ate,
"Talaga?paano kung tanggihin ng pamilya ko?ano ang gagawin mo?",aking tanong.
"Oo,pero kung tanggihin,hindi ko naman mapipilit ang gusto ko",wika niya.
"Goyong!",ang rinig namin na sigaw.
Agad kaming lumingon sa likod at bumungad sa amin si koronel Vicente at koronel Julian.
"May inuutos ang presidente,marami ka bang ginagawa?pwede ko naman sabihin na may importante kang pupuntahan",wika ni koronel Julian.
"Uhh...hatid ko lang muna si Ysabel,tapos hintayin mo nalang ako sa may harap ng tinutuluyan natin",ang sabi ni Gregorio.
Tumango ang dalawang koronel at hinatid ako ng heneral pauwi.
Habang naglalakad sa gubat,parang ang bigat ng pakiramdam ko,para bang sinuntok ako sa dibdib,hindi ko talaga mapaliwanag.
Naglakad pa kami ng ilang minuto,at tutok ang araw sa amin,kaya tagaktak ang aming pawis,pero pinigilan ko parin ang magreklamo.
Pagkadating sa harap ng bahay,huminto kami ni Gregorio para magpaalam.
"Paalam Goyo,mag-ingat ka ha",aking wika.
" Magiingat ako,magkita tayo muli",huli niyang sabi bago ako pumasok sa bahay.
Bumungad saakin ang malungkot na mukha ni tatay,at sa tingin ko may nangyari na masama.
"Ysabel",simula ni tatay,"Wala....Wala na ang nanay mo,pati na rin si Francia,binaril sila ng mga Amerikano",
"Ha?hindi...hindi pwede mangyari iyon",wika ko habang paupo sa tabi ni tatay.
Umiyak si tatay pero pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko,kaya naman pinakalma ko si tatay.
"Ayos lang iyon tay,tanggapin mo na,lagi naman silang nasa tabi natin,wag kang magalala",wika ko.
Iniwan ko muna siya para makakalma pa,at umakyat ako sa taas,doon na ako lumuha ng kaunti pero pinigilan ko parin,dahil kailangan kong maging matapang,at tanggap ko na,kahit na hindi ko pa nasabi sa kanila kung kaano ko sila mahal,baka naman alam na nila.
Parang binaril ako sa aking nalaman,hindi ko kasi akalain na ayon ang balita na aking unang maririnig dahil galing ako sa tahimik na lugar.
At pagkabukas ko sa aparador,may nakita akong sulat na parang hindi pa nagagalaw.
Ysabel,
Magingat ka sa mundo,maraming tao ay hindi mabait at may masamang balak,lagi ka muna magisip bago mo gawin ang isang bagay na sa tingin ng iba ay hindi wasto,kaya dahan-dahan lang muna sa mga taong bago sa buhay mo,
-Niña
Huh?sinong Niña?wala naman akong kakilala na may pangalan na ganun,baka siguro mali ang pagbigay at sa ibang tao ito naabot.
Ayaw kong malaman ito ni tatay kaya hindi ko pinakita sa kanya.
Lumabas ako upang makakuha ng sariwang hangin at pumunta sa may kalye.
Habang naglalakad,nakasabay ko ang isang babae na may dalang gulay.
Mukhang hirap na hirap siya,pero hindi ko muna pinansin dahil baka may ugali siya.
At nung punasan niya ang pawis niya nahulog ang mga pinamili,at tinulungan ko naman.
Pagkatapos naming kuhanin ang lahat ngumiti siya na parang hindi siya nahirapan.
"Salamat sa pagtulong,ako nga pala si Niña,Niña Ponce,matalik na Kaibigan ni heneral Goyo,at ikaw si Ysabel,tama ba?",wika niya.
Huh?paano niya nalaman ang pangalan ko?siya ata nagsulat ng letra na hindi ko alam kung saan galing,at,matalik daw siyang kaibigan ni Gregorio?sobra na akong nalilito.
"Tama,Ysabel Torres,kakilala mo si Heneral Goyo?",aking sabi.
"Oo,simula bata palang kami,kapitbahay kasi namin siya sa Bulacan dati",sabi ni Niña.
At naalala ko na dala ko yung sulat na galing sa kanya.
" Ay...Niña galing ba sayo ito?",tanong ko.
"Oo hija,nalaman ko kasi na may bagong babae si Gregorio at nalaman ko ang pangalan mo,kaya binigyan kita ng babala,kasi,minsan talagang iba si Goyo",bulong niya.
Ha!?napagkamalan nanaman akong babae ni Goyo!?ayaw ko nga!
" Ahh...sige,salamat pala Niña,sa sunod na pagkita muli",paalam ko.
Nagpaalam na rin si Niña at pumasok na ako sa bahay para kumain ng tanghalian.
Habang kumakain agad kong kinausap si tatay para hindi siya malungkot.
"Tay",simula ko," Nabalitaan niyo po ba na may bagong nobya daw si Goyo?".
Ayaw ko kasi sabihin kay tatay na ako iyon,pero ayaw na ayaw ko talaga,ewan ko lang kung bakit nila akala ako iyon.
"Oo,Ikaw,hindi ba?",wika ni tatay na parang hindi siya galit.
" Opo...magagalit po ba kayo?",nerbyos kong bigkas ng mahina.
"Ay hindi,hindi naman ako maiinis dahil malaki ka na,alam mo naman kung anong ginagawa mo",
Hay salamat sa Diyos hindi galit si tatay,akala ko kasi,magugulat siya at hindi niya na ako papayagan makasama si Gregorio.
Mukhang naintindihan naman ni tatay kung ano ang dahilan,pero sa tingin ko,hindi ako papayagan ni tatay na pakasalan si Goyo.
Siguro naman lahat ng sikreto ko,alam ni tatay,dahil dati nung bata ako,tinatanong ng mga magulang namin kung anu-ano ang mga bagay na itinatago namin,hanggang ngayon,kahit na kami lang ni tatay ang nagkakausap,syempre naririnig rin siguro ni nanay at ate.
"Naalala mo ba si Niña Ponce?",tanong ni tatay.
" Kakilala mo po siya?",wika ko ng nalilito.
"Oo!syempre naman,si Niña ang pinaka matalik mong kaibigan nung bata kayo,hindi mo ba naalala?",sabi ni tatay ng nakangiti.
Sandali...sobra na akong nalilito,kaibigan ko si Niña nung bata kami?sobrang ulyanin na ata ako!ano ba talaga,grabe! Hindi ko maalala.
" Hindi po tay,pero po kanina nung lumabas ako,may nakilala po akong Niña Ponce",aking sabi habang nilalagyan ng sabaw ang kanin ko.
"Siya iyon,na ulyanin ka na ata Ysabel ah",wika ni tatay.
" Hindi ko po kasi natandaan,at sabi niya po na matalik daw siyang kaibigan ni Goyo",aking sabi.
"Oo,totoo iyon,dahil nung sampung taon gulang na si Niña,lumipat sila sa Bulacan,at ayon naman ang panahon na wala ka nang kalaro,kaya pumalit naman si ate Francia mo",paliwanag ni tatay.
Kapag naririnig ko ang pangalan ng kapatid ko,nalulungkot ako dahil gusto ko na silang makita,pero huli na ang lahat.
"Anak,mahal mo ba si Gregorio?",tanong ni tatay ng mahina.

BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo