Nakarating na kami sa harap ng bahay namin ni tatay,at gusto ko ng pumasok pero nakakahiya kung hindi naman ako
Magpasalamat."Salamat pala sa paghatid mo,sigurado ka ba hindi mo na kailangan ng gabay pauwi sa bahay niyo?kaya ko naman umuwi mag-isa paghinatid kita",wika ko habang nakangiti sa kanya.
" Hindi na,sa totoo lang,kaya ko,pero ikaw,kung gusto mo ako ihatid,hindi ko naman tatanggihan ang iyong nais,depende sayo",kanyang sagot.
Grabe talaga ito ah,sumosobra na.
"Hala,ikaw ang heneral diyan,ikaw dapat ang magdesisyon",pagkaitan ko.
" Sige,uuwi nalang ako saamin ng mag-isa,paalam,Ysabel,maghanda ka rin pala,bukas tayo aalis",kanyang paalam.
Nagpaalam rin ako at pumasok na ako sa bahay,habang naglakad siya papunta sa tirahan niya.
"Tay,nandito na po ako",sabi ko habang pumapasok.
" Magandang gabi,kumain ka na muna sa kusina at aayusin ko pa itong mga gamit ko",wika ni tatay habang inaayos ang isang maleta,tumango ako bilang sagot.
Dumiretso ako sa kusina at nagsandok ng kanin at ulam.
Habang kumakain,inisip ko,kamusta na kaya sila nanay at ate Francia?Ayos lang ba sila?nalaman ko kasi nasakop na ng mga Amerikano ang Tarlac,pero,saan pumunta si nanay at ate nung masakop na ang bayan na tinitirahan nila?
"Tay",simula ko," Kamusta na po sila ate at nanay?nalaman ko po kasi na nasakop ng mga Amerikano ang Tarlac,nasaan na po sila ngayon?",tanong ko.
Lumungkot ang mukha ni tatay,parang dati niya pa alam,pero hindi niya lang sinasabi.
"Ysabel,ang nanay mo at ate Francia mo ay......",napahinto si tatay sa pagsasalita.
" Ano po tay?",nag-aalala kong sabi.
"Hinuli sila ng mga Amerikano,hindi ko alam kung saan pero,malayo dito",sagot ni tatay.
Para bang natamaan ng bala ang puso ko,dahil gusto ko makita si nanay at ate,matagal na,pero baka hindi na namin sila mahanap,hinuli sila ng mga tarantadong Amerikano.
" Aakyat po muna ako",wika ko habang inaayos yung pinagkainan ko.
Pagkaakyat ko sa kwarto,binuksan ko nag lampara at binasa ang huling sulat na bigay saakin ni ate.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako,kaya medyo nabasa yung papel,
Teka...hindi pa sinasagot ni ate ang sulat na bigay ko sa kanila,ibigsabihin niyon,maiiwan si tatay dito.
Hay nako,makatulog na nga para hindi na ako maiyak.
Humiga na ako sa kama at nakatulog na,tahimik na ang paligid,wala ng maingay.
Pagkagising ko,agad na akong nag-ayos,at halata na nagmamadali ako.
Bumaba ako at humarap saakin si tatay.
Hay salamat,makakakain pa ako ng almusal,wala pa si Gregorio eh.
"Magandang umaga,kumain ka muna habang wala pa si Gregorio",sabi saakin ni tatay.
Binati ko rin siya at kumain,pagkatapos,lumabas na ako at hinintay si Goyo.
Ilang minuto na ako nakatayo,at sa wakas,dumating na rin siya.
" Paalam Ysabel,magkita tayo muli",bulong saakin ni tatay.
"Opo tay,mag-ingat po kayo",aking sagot.
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo