13

250 6 0
                                    

"Sandali lang Ysabel, may kukuhanin lang ako sa loob",sabi ni Jose at tumango naman ako.

Medyo matagal siya sa loob kaya nagdesisyon ako na maglakad-lakad muna sa harap. Tapos, may biglang humila saakin na pamilyar yung mukha.

"Huy...bitawan mo nga ako!",sigaw ko habang tumitingin sa aking kamay na nahihirapan parin tumakas, pagkatingin ko sa mukha niya, hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

....Si Goyo.

"Bakit? Bakit mo ako hinila palayo sa amin?",tanong ko habang pinapakawalan niya ang kamay ko.

Parang pag gusto ako kausapin ni Goyo, lagi niya akong hinihila, bakit kaya?

"Sino yung kasama mo??",galit na tanong niya saakin.

"Sandali lang, wag ka muna masyado galit, pinsan ko yun, gusto mo ba siya makilala?",sabi ko.

"Wala akong plano makilala siya, umamin ka na, sino yun!",wika niya at nainis na ako.

Ayaw niya kasi maniwala saakin, pagmaniwala lang siya, hindi ko na ilalabas ang sama ng loob ko.

"Maniwala ka lang saakin, pangako, hindi kita niloloko, pinsan ko yun!",sigaw ko at dumating si Jose.

Nakita niya na nagaaway kami kaya alam niyo naman kung anong sunod na nangyari.

Naglabanan ang dalawa.

Tinutok na ni Goyo ang baril niya kay Jose at doon sila tumigil sa pagrarambulan.

Sinubukan ko silang patigilin pero ayaw nila, hinihila ko na nga palayo si Jose hindi parin siya humihiwalay kay Goyo.

"Goyo...kung ayaw mo ng away, maniwala ka na saakin, pinsan ko nga lang si Jose, hindi siya pamilyar sayo dahil nanggaling pa siya sa Laguna, o ayan, na paliwanag ko na, kaya sana naman wag na kayong magaway, ayaw ko kayong masaktan",paliwanag ko at binaba ni Goyo ang baril niya.

Dumating si Vicente na may dalang sulat, sa tingin ko galing sa presidente, at mukhang nalito si kuya Enteng sa mga pangyayari.

"Heneral...may pinapagawa ang presidente, teka....nagkakaguluhan ba kayo dito? Anong nangyari?"Tanong niya at kinuha naman ni Goyo ang sulat.

"Vicente, paliwanag ko nalang sa sunod nating pagkikita, mahabang storya kasi",sagot ko at tumango si Vicente.

"Hoy...Hindi pa tayo tapos Jose ah..",sabi ni Goyo habang naglalakad palayo.

Susugurin sana ni Jose si Goyo pero pinigilan ko naman siya.

Diyos ko! Grabe naman yung nangyari, muntik pang mabaril si Jose.

"Ayos ka lang ba?",tanong ko.

Tumango naman siya at pumasok na kami sa bahay.

Agad na sumalubong si tatay sa amin pagkapasok at mukhang naguluhan siya.

"May narinig akong away sa labas, may nangyari ba?",tanong niya at nagtinginan kami ni Jose.

"Kasi po tiyo-"siniko ko siya sa kanyang tagiliran kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Ang nangyari po kasi tay, may gustong kumuha saakin, sinubukan ko pong tumakas, pero po dumating si Jose kaya po hindi niya naggawa ang masang balak saakin",paliwanag ko at nagtiwala naman si tatay.

Halatang naggalit si Jose at iniwan niya ako sa sala, pakiramdam ko galit silang lahat saakin, kasalanan ko lahat ng ito.

---------------

Lumipas ang dalawang araw at hindi parin nagpaparamdam si Goyo, sa tingin ko hindi niya na ako gusto maging kaibigan, kaya minsan kinakalimot ko nalang muna ang problema ko at nagiisip nalang ako ng positibo.

Isang araw, dalawa lang kami ni tatay sa bahay, pumunta kasi sa bayan si Jose, tapos may kumatok sa pinto, agad ko naman itong binuksan.

"Magandang araw Ysabel, may pinapabigay si Goyo,nahihiya lang siya na ibigay sayo ng personal, kaya ako muna daw ang magpadala nito sayo",bati ni Vicente at tinanggap ko ang sulat.

"Sandali Ysabel, maaari ba tayong magusap sa labas?",tanong niya.

"Tatanungin ko lang si tatay, saglit lang",sagot ko at tumango siya.

"Tay, pwede po ba daw kami magusap ni Vicente sa labas?",tanong ko kay tatay.

"Sige. Wag ka lang magpapagabi",sagot niya at nagpasalamat ako.

"Ano sabi ng iyong tatay?",wika ni Vicente at sabay ngiti.

"Pwede daw",sagot ko.

Umupo kami sa tabi ng kabayo niya at nagusap. Syempre hindi niya makakalimutan itanong saakin kung anong nangyari noong nagaway si Jose at Goyo.

"Ano ang nangyari noong isang araw?nagkaroon ba nang away?",tanong niya at napabuntong hininga ako.

"Kasi...Dumating yung pinsan ko na galing Laguna, eh sabi kasi ni tatay, magmeryenda daw muna kami ni Jose sa labas, hindi ko naman alam na nandoon pala si Goyo, siguro, nasaisip niya na may iba na ako, kaya nung may kinuha si Jose sa loob, naglakadlakad muna ako sa gilid, hinila ako ni Goyo at tamang tama ay lumabas si Jose, kaya doon na nagsimula yung away",paliwanag ko.

"Ahh....naiintindihan ko ang sitwasyon na iyon, talagang mahirap kung nakita mo yung nobyo mo na akala may iba ka na",sagot niya at nalungkot ako.

"Hindi ko na alam gagawin ko, hindi ko alam kung paano ba ako magpapatawad kay Jose at Goyo, sa tingin ko parehas silang galit saakin",mahina kong sabi.

"Alam mo, hindi ikaw ang dapat magpatawad sa kanila, sila mismo ang dapat magpatawad sa isa't isa, kasi una sa lahat, dapat naniwala si Goyo sayo, pangalawa, dapat tinanong muna ng pinsan mo kung sino siya, para hindi naman away agad, kalmado lang dapat",wika saakin ni Vicente habang inaakbayan ako.

"Wag ka nang malungkot, kung pakiramdam mo na wala ka sa kondisyon, tandaan mo lang na laging may solusyon sa kahit anumang problema",dagdag niya pa at sabay ngiti.

"Salamat Vicente sa tulong, lalong gumaan ang pakiramdam ko, at sana rin nga, hindi na sila magalit saakin",aking sabi.

"O siya, baka magtaka si Goyo kung nasaan ako, may tinatapos pa kasi kaming plano",wika ni Vicente habang tumatayo.

"Magkita tayo muli, tandaan mo yung sinabi ko ah, lahat ng problema ay may solusyon",dagdag niya pa.

"Sige, tatandaan ko ang sabi mo, paalam Vicente",paalam ko at sumakay siya sa kabayo niya at umalis,pumasok naman ako sa bahay para basahin ang sulat na bigay saakin ni Goyo.

Pagkapasok, agad ko namang kinuha ang sulat na nasa lamesa at umakyat patungo sa kwarto ko.

Ysabel.

Patawad nga pala sa nangyari noong isang araw, ako'y naniniwala na sa'yo, na pinsan mo si Jose, alam kong mali ang ginawa ko, inisip ko at ugali ko, nataranta lang kasi ako, akala ko kasi may iba ka nang nobyo, sana patawarin mo ako sa pagkakamali na iyon.

Sumasaiyo, Gregorio

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon