"Heneral Goyo!", rinig naming sigaw na galing sa hindi kalayuan.
Lahat naman kami ay napatingin sa direksyon kung saan naggaling ang narinig namin na boses.
Nagmamadaling naglakad ang sundalo papalapit sa amin, "Nandito ho ba si heneral Goyo?" And kanyang tanong. Napalapit naman si koronel Vicente, "Ano iyon?", and kanyang tanong.
"Pinapatungo po ang heneral sa Bayambang para po doon magtipon."
Nagtinginan naman si Vicente at koronel Julian sa isa't isa..."Bakit?", biglang tanong ni koronel Julian.
"Nagsimula na pong umatake ang mga Amerikano sa iba't-ibang dako, sumuko na po ang Tarlac." Sagot ng sundalo at doon naman lumaki ang mga mata namin.
Noong narinig ko and balita ng sundalo, bigla ko nanaman naalala ang pagkamatay nila ate at Nanay. Mukhang hindi ko na talaga makakalimutan ang pangyayaring iyon.
"Sige susunod na kami, salamat sa balita." Wika ni koronel Julian.
Tumango nalang ang sundalo at umalis, tinulungan naman ni Vicente na tumayo si Goyo, bigla namang nagsalita si Julian "Joven, Ysabel, pasensya na kung nagulat kayo sa balita. Hindi namin inaasahan na aatake ang mga Amerikano."
"Hindi mo naman kailangan magpatawad, koronel, hindi mo naman kasalanan na nagkaganito." Aking sabi.
Napatango nalang siya at tuluyan na kaming umalis, ngayon ay patungo na kami sa punong himpilan ng heneral.
Habang pabalik, napatingin naman ako sa taas...Medyo lumiliwanag na ang langit, mukhang malapit na mag-umaga...May narinig rin kaming mga putok ng baril. Grabe, ganun pala siya kalakas...
Lumipas ang ilang minuto at nakarating na kami sa punong himpilan, maraming tao na ang nasa labas na mukhang nag-iimpake na, ang langit naman ay kulay rosas na...Tumingin naman ako sa paligid at nakita si tatay na mukhang hinahanap rin ako.
"Tay!" Sigaw ko at napalingon naman siya kung saan nanggaling ang boses.
"Ysabel!" Simula ni tatay. "Diyos ko! Grabe ang takot ko! Akala ko kung nasaan ka na napunta...Saan ka ba galing?" Tanong niya.
Napakagat ako sa aking labi. "Uhhh, pumunta lang po ako sa ilog kasama po ang heneral, and kanyang kuya, si kuya Vicente at si Joven po." Aking sagot.
"Mabuti naman at hindi kayo napalayo, ayos ka lang ba?" Wika ni tatay...
Biglang napasok sa isip ko ang narinig naming putok ng baril noong nandoon kami sa ilog, napakalakas pala ng baril. "Ayos lamang po ako, wala naman pong masamang nangyaru noong nandoon po kami. Hindi niyo po kailangan mag-alala." Sagot ko.
Napatango nalang si tatay, sinabihan niya ako na pumunta sa bahay para kuhanin ang mga bagahe, nakapag-impake na si tatag kaya hindi ko na kailangan magtagal. Medyo natakot ako dahil baka may makasalubong akong mga Amerikano pero buti naman at wala, pagdating ko sa bahay, nakalagay na ang mga maleta sa upuan. Bago ko naman sila kuhanin ay napatingin naman ako sa hagdanan papunta sa mga kwarto. Pwede kaya akong dumalaw muna sa aking silid?
Napaisip ako ng kaunti at nagdesisyon na pumunta sa kwarto. Ang mga gamit ko ay wala na, naalala ko tuloy noong una kaming tumira dito, hay nako...Ayun ang mga araw na kung saan medyo naiinis pa ako sa heneral...Naglakad ako papunta sa lamesa na katabi ng bintana, at nakita na nandoon pa ang pulseras na regalo saakin noong kaarawan ko.
Buti nalang at naisipan kong pumasok dito...
Kinuha ko ang pulseras at tuluyan nang umalis ng silid, talagang hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring naganap sa tahanan na ito.
Pagdating ko naman sa sala, wala na sa upuan ang mga maleta, ha? Sigurado naman ako na nakasara ang pinto pagkapasok ko dito...Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin si Koronel Vicente.
"Koronel, bakit ka nandito?" Aking tanong.
"Ahhh...Tinanong sakin ng iyong ama kung pwede bang tulungan kita sa pagbitbit ng gamit. Dahil wala naman akong gagawin, naisip ko nalang na tulungan ang nobya ng heneral." Sagot niya.
Ahhh, malamang si Vicente ang naglabas ng mga bagahe. "Salamat sa tulong, Vicente. Ngunit kaya ko namang buhatin ang mga maleta ng ako lang eh." Napangiti ako. Binitbit namin ang mga gamit at tuluyan ng umalis sa tahanan.
"Sus, akala mo naman napakalakas mo, sumakay ng kabayo na walang tulong hindi mo nga kaya eh." Biro ni Vicente.
"Masyado ka...Kaya ko kaya yun, abangan mo lang ang tamang araw at magagawa ko yun." Wika ko, napatawa naman ang koronel.
Naglakad pa kami ng kaunti at nakita ko na ang aking ama na naka-abang sa tabi ng kabayo."Eto na ba lahat ng gamit?" Tanong ni tatay sa amin.
"Opo tay, ito na po lahat ng maleta...Ngunit hindi ho ba masyado marami ito? At...Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko, napatingin naman sa baba and aking ama.
Pagka-angat ng kanyang ulo ay nakita ko ang kanyang natatakot at naga-alalang mukha. "Sasama tayo sa giyera...Anak." Kanyang sagot.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko akalain na darating pala sa ganito ang aming mga buhay. Mararanasan namin ang masali sa isang totoong giyera, kung nalaman ko lang sana ay nakahanda na ako...Hula ko na ang putok ng baril na narinig naming ay isang senyales na parating na...
Ang araw na ito.
****
Hello! Ito na po ang chapter 22! I'm rlly sorry for the long wait, medyo nawalan po kasi ako ng gana na ituloy ang storya na ito. Anyways thank you for reading! See you in the next chapter!
-Zy
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo