25

135 3 3
                                    

Habang papunta sa lugar kung saan kami magkikita-kita, napansin ko na ako'y nanginginig sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano dapat ang aking maramdaman ngayon, mamaya kasi baka bigla nalang umatake and mga Amerikano na walang alerto. Tumungo si tatay sa iba pang mga opisyal na nasa harap ng malawak na espasyo kung saan magtitipon-tipon and mga sundalo. Ako naman ay napapunta kay Vicente na nakatayo lang sa may poste. "Vicente." Aking simula at napalingon naman ang koronel.

"O, Ysabel. Mukhang napaaga ka, hinihintay nalang namin ang mga tenyente para makasimula na tayo sa paglakbay." Wika ni Vicente.

Sa paglipas ng panahon ay naging malapit kami ng koronel sa isa't isa. "Kaya nga eh. Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip, ang hirap pala mabuhay sa panahon ng giyera no? Hindi mo masasabi kung mabubuhay ka ba ng matagal o hindi, kung baga, ang iyong hinaharap ay hindi mo rin mahuhulaan." Aking sabi.

"Wag kang magalala, Ysabel. Lalaban tayo kahit ano man ang mangyayari, para rin ito sa kinabukasan ng ating Inang bayan. Ayaw natin na maranasan nila ang madugong panahon na ito. Ngunit sigurado naman ako, at dapat ikaw rin, na balang araw ay magkakaroon rin ng liwanag." Nginitian ako ni Vicente, yung ngiti na tipong sinasabi niya na magkaroon lang tayo ng pag-asa.

"Mauna na ako, Ysabel. Maaari ka munang pumunta sa ibang mga babae na sasama rin sa lakbay." Nagpaalam sa akin si Vicente at tumungo kay Goyo na naghahanda na para sa lakbay. Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at naglakad papunta sa isang silong kung saan nandoon ang mga tinutukoy ng koronel.

Mukhang namukhaan ako ng isa sa mga babae doon. "Ysabel, tama ba?" Kanyang sabi.

Tumango ako. Hindi kasi ako masyado magaling pagkarating sa mga bagong tao. "Ako nga pala si Felicidad." Wika niya.

"Magandang umaga, Felicidad." Bati ko. "Ayos lang ba kung itanong ko kung paano mo nalaman ang aking pangalan?"

Naglakad kami papunta sa isang silong kung saan may ina pang mga babae doon. "Napakasikat ka sa iba't ibang mga lugar dito. Kilala ka bilang nobya ni Heneral Goyo, alam mo naman na maraming nagkakagusto sa kanya, pero sa dami daming pagpipilian ikaw pa talaga. Sang ayon naman ako sa kanyang desisyon, dahil unang tingin ko palang sayo, sigurado ako na isa kang mabuting babae." Wika ni Felicidad.

Ganun na pala kabilis kumalat ang salita na nobyo ko si Goyo. "Ah, mukhang mabilis kumalat ang balitang ito no? Medyo biglaan nga rin eh."

"Marami talagang tao na ganyan, basta may nalaman sila na sa tingin nila ay dapat malaman ng iba, hindi na sila magdadalawang isip at ikekwento na sa iba." Simula ni Felicidad. "Yung mga iba nga diyan, wala pa yung buong kwento, sa kanila may katapusan na."

Napatango naman ako. Nagkwentuhan kami ni Felicidad, ngayon ko lang nalaman na kapatid pala siya ng presidente, naikwento niya rin saakin na sasama ang buong pamilya ni presidente Aguinaldo sa lakbay, nanay, anak, asawa, kapatid at siya. Grabe ah, parang may handaan lang.

Napalingon ako sa harap at nakita si Goyo na mukhang palapit sa akin, ngunit hinayaan ko nalang muna, baka naman may kukuhanin lang sa gilid. Ngunit hindi pala gamit ang pinunta niya, narinig ko ang tawag niya sa pangalan ko. "Ysabel."

Tumigil kami ni Felicidad sa pag-usap, at napatingin sa heneral. "Ah, Goyo.."

"Maaari ba tayong mag-usap?" Tanong niya.

"Sige, sandali lamang." Tumayo ako sa aking inuupuan at naisip na magpaalam muna kay Felicidad. "Felicidad, mauna na ako. Mag-ingat ka ha."

Nginitian ko siya. "Sige, ikaw rin, Ysabel."

Sabay naman kaming naglakad ni Goyo palayo sa silong. Medyo kinabahan ako dahil baka mayroong problema na nangyari, o baka naman tungkol kay tatay. Napatingin nalang ako sa baba, hanggang sa nakarating na kami sa likod ng isang puno. "Goyo, anong meron?"

"Hinati tayo sa dalawang grupo, sa vanguardia ako at ang tatay mo. Ang masama lang doon ay napunta ka sa retaguardia, kasama sina Joven at Juan. Ayos lang ba sa iyo?" Kita sa mga mata niya na kabado siyang sabihin sakin ang balitang iyon.

Hindi ko ginusto na mawalay ako kay tatay, mamaya kasi atakihin sila ng mga Amerikano. "A-ayos lamang iyon. Salamat sa pagsabi."

"Sigurado ka? Maaari ko namang sabihin kay Ka Miong na ilipat ka sa vanguardia." Wika ni Goyo.

Kaya ko na ang sarili ko, at sigurado akong kaya ko na ang lakbay na ito na hindi kasama ang aking magulang. "Oo. Hindi mo na kailangang sabihin sa presidente iyon. Wag kang magalala, Goyo, hindi na ako yung Ysabel na madaling matakot at agad agad nasisindak." Aking sabi. "Ikaw naman, mag-iingat ka, ayun lang ang hiling ko, Goyo."

Ngumiti ng kaunti ang heneral. "Oo, mag-iingat ako. Ikaw rin, ayaw kong mapahamak ang napakagandang nobya ko."

Eto nanaman tayo, bumalik yung mapang-asar na Goyo. "Hay nako, wag ka nga. O siya, tara na't bumalik na tayo at baka nandiyan na ang mga tenyente."

Ngunit bago ako makaikot at maglakad pabalik, naramdaman ko ang kamay ni Goyo sa aking balikat at inikot ako muli paharap sa kanya. Bigla niya nalang hinalikan ang aking noo, siyempre nagulat ako. Pero napaisip rin ako na baka ayun na ang huling niyang pagkakataon na halikan ako.

Napatingin ako sa kanyang mga mata. "Mahal na mahal kita." Wika ni Goyo.

"Mahal na mahal rin kita, ang batang heneral.."

...

sorry po hindi ako nakaupdate.. buti nalang po nagkaroon ako ng motivation kasi pinanood po ulit namin yung Goyo kagabi HAHAHA

stay tuned for next chapter!!

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon