"Ito kasi si Goyong, alam na may pinaplano kami... Uminom naman siya, ayan tuloy... Nalasing, pagalitan mo nga ang nobyo mo Ysabel", sabi ni koronel Vicente at napatingin naman ako kay Goyo.
"Tss...Ysabel huwag kang maniwala diyan kay Vicente, nagsisinungaling lang iyan",Iwas naman ni Goyo at halata sa tono ng boses niya na lasing nga siya.
Hindi ko naman alam kung kanino ako maniniwala, pero sa tingin ko dapat maniwala ako sa sinabi ni koronel Vicente.
"Hay nako...Goyo lasing ka nga, ano nga ba ang dahilan kung bakit ako nandito?", Tanong ko.
"Diba taga Tarlac ka, Ysabel?",wika naman ni koronel Vicente.
"Oo koronel, bakit?",sabi ko habang tumatango.
"Nais kasi naming dagdagan ng sundalo ang probinsya mo...Diba kabisado mo naman ang mga bayan sa Tarlac diba?", wika ng koronel at rinig ko parin ang mga lasing na boses ng dalawang magkapatid.
Tumango naman ako nagsimula na kami ng koronel sa plano...Grabe talaga, yung koronel pa ang naghahanda para sa labanan, tapos yung heneral...Siya pa yung lasing.
"Huy Goyong, tumigil ka nga diyan", galit na sabi ng koronel.
"Hindi ako lasing...Matibay ako, Vicente", Sabi ni Goyo at tumawa naman ang magkapatid.
"Talaga ba?", sabi ko naman.
"Ysabel...Maniwala ka dito kay Goyong, hindi siya nagsisinungaling", dagdag ni Koronel Julian.
"Alam mo koronel Vicente..",simula ko,"Si Goyong...Hinalikan ako kahapon lang."
"Weh? Matibay ka talaga Goyong ah..Buti nalang walang nakakita sa inyo",sabi ng koronel habang ngumingisi.
"Ba't ang hilig niyong dalawa magsinungaling?", Sabi ni Goyo sa amin ni koronel Vicente.
"Ha? Ikaw kaya ang mahilig magsinungaling diyan...Pa iwas-iwas ka pa",Wika ni koronel Vicente.
Bigla naman tumayo si Goyo at si koronel Julian...Pumunta naman sila sa isang kwarto na hindi kalayuan.
"Saan kayo pupunta?", Tanong ko.
"Basta...Kayo na muna ni Enteng bahala diyan ah", Sabi ni koronel Julian.
Napakamot tuloy si koronel Vicente, siguro siya lagi ang nag-aalaga sa kanila kapag lasing yung magkapatid.
"Ganito ba talaga sila koronel?", Wika ko at tumingin siya sa mapa.
"Oo... Ganyan talaga sina Goyong at Julian, nakakagigil talaga minsan", Inis niyang sagot.
Pinagpatuloy namin ang pagplano... Kahit wala ang heneral, Lumipas rin ang ilang minuto at lumabas si Goyo mula sa kwarto na pinasukan niya rin kanina, mukhang hindi na siya lasing.
"Goyong, bakit mukha kang baging gising?",Tanong ni koronel Vicente at ngumisi.
"Hindi...Nakaiglip lang",Sagot naman ng heneral.
Lumabas rin si koronel Julian at umupo siya sa harap ng mapa.
"Hindi na kayo lasing?", Aking tanong sa magkapatid.
"Hindi na yan...",Wika naman ni koronel Julian...
Hindi ko alam kung lasing parin ba sila, pero mukhang hindi na, kaya mabuti naman at wala na kaming aalagaan ni Vicente.
"Samahan niyo nga ako", Sabi ni Goyo at hinila ang kuya niya papunta sa hagdanan papunta sa baba.
"Huy...Saan tayo pupunta?", Tanong naman ni koronel Julian kay Goyo.
"Basta...Ysabel, Enteng sumama kayo..Isama niyo rin si Joven", Wika ni Goyo at nagtinginan kami ni Koronel Vicente.
Nauna nang bumaba ang magkapatid, Naiwan naman kami ni Koronel Vicente...Inutusan rin kami ni Goyo na isama ang taong nagngangalang Joven...Ano raw?
"Tara na Ysabel...Sunduin na nga natin si Joven, para malaman na natin kung ano ba balak ng nobyo mo", sabi ng koronel, tumango naman ako at umalis na kami sa punong-himpilan ni Goyo.
Lumabas kami at naglakad kami papunta sa isang gusali...Wows, akala ko naman malayo, katapat lang pala ng punong himpilan...Tss.
Pumasok naman si Vicente at nanatili ako sa labas...Napatingin naman si sa likod upang tanungin ako kung sasama ba ako sa kanya.
"Ysabel ..Hindi ka papasok?", tanong niya.
"Hindi na Vicente...Dito nalang ako", Agad kong sagot.
Tumango naman siya at tuluyang pumasok.
Naiwan akong mag-isa sa labas...medyo kinabahan ako dahil baka may mga lumilibot na mga Amerikano at mapahamak pa ako, pero sa awa ng Diyos...Wala naman, hanggang lumabas si Vicente, may kasama rin siya na malamang siya ang tinutukoy ni Goyo na 'Joven'.
"Ysabel... Pasensya na at medyo natagalan ako, ayaw kasi magising ni Joven eh", Wika ni Koronel Vicente.
"Joven...Siya nga pala si Ysabel, nobya ni heneral Goyo, Ysabel...Ito si Joven, ang potograpo ni Goyong", Dagdag niya pa.
Hindi na sumagot si Joven dahil halata naman na inaantok pa siya...Grabe dapat mga ganitong oras ay tulog na ako....Dalawang araw na ata ako hindi nakakatulog ah.
Dumating si Goyo, kasama niya rin si koronel Julian...Medyo kakaiba rin yung pakiramdam, ako lang kasi babae dito eh...Tss.
"Saan ba tayo pupunta Goyong?", Tanong ni Vicente sa heneral.
"Malalaman niyo rin", Ang sagot ni Goyo.
"Tara na", Dagdag niya pa at nagsimula kaming maglakad...Alam ba ni tatay na kasama ko sila? Baka naman mag-alala si tatay, Hala...Ano ba naman kasi ang balak nitong si Goyo.
{Time Skip}
Sunod lang kami ng sunod kay Goyo, hindi nga namin alam kung nasaan na kami eh...Hays, ang sarap sapakin ni Goyong kapag lasing.
"Parang naligaw na ata tayo Goyo", sabi ko at agad naman siyang sumagot.
"Hindi yan... Magtiwala naman kayo sakin, ako bahala kapag nawala tayo", sagot niya.
Nakarating kami sa isang batis, ano naman gagawin namin dito? Mangingisda ba kami? Hay nako...
"Bakit tayo nasa batis Goyong?",, tanong ni koronel Julian.
Parang lahat kami dito nagtataka kung bakit kami nasa batis, si Goyong...Chill lang, wow.
"Naalala mo pa ba nung naliligo tayo sa batis?", sabi ni Goyong.
Nung sinabi niya iyon...Naisip ko naman na... Maliligo sila dito? Habang nandito ang isang babae? Hay nako...Makaalis na nga.
Naglakad ako pabalik pero parang napansin naman nila na umaalis ako.
"Ysabel..Saan ka pupunta?", tanong ni koronel Vicente.
Napalingon naman ako sakanila...Ano naman ang isasagot ko?
"Uhh...Mukhang may gagawin kayo na hindi ko naman maiintindihan, kaya...Uuwi nalang ako, sige kita kita nalang tayo...Bye!", sagot ko at tumakbo palayo.
Hinabol naman nila ako, ang bagal ko pala tumakbo... Kaya wala pang isang minuto ay naabutan na nila ako.
"Ysabel...wala naman kaming gagawin na para sa amin lang...Samahan mo lang kami, pwede ba?", sabi ni Goyo habang hinahawakan ang balikat ko.
Napabuntong hininga namn ako...Kulit talaga nila eh, "Hay nako...Sige na nga."

BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo