21

193 1 1
                                    

Pagkatapos kong pumayag, tuluyan kaming naglakad pabalik sa batis...Ito kasi ang mahirap kapag kasama mo sila Goyo eh...Ang likot nila.

Tahimik akong umupo sa sahig kasama si Joven...Ang potograpo ni Goyo.

Nagtanggal ng mga pangtulog ang tatlo, medyo napapikit naman ako sa ginagawa nila...Hays.

"Bakit pa ako sumama?", paulit-ulit kong tanong sa aking sarili.

Kahit hindi ako nakatingin, rinig ko na nasa tubig na sila...Hays, naalala ko tuloy nung bata ako...Ganyan rin kami kakulit ng mga kaibigan ko eh.

Dahil gusto ko rin naman mas makilala si Joven... Kinausap ko nalang siya.

"Joven",sinimula kong kausapin ang medyo gising na si Joven,"Ilang taon ka na?"

"Disinuwebe na po binibining Ysabel", sagot niya.

Ako lang ba ang nakakaramdam ng tanda kapag tinatawag akong 'binibini' o 'ate'? Hays...O baka naman matanda na talaga ako.

"Ahh...Bata ka pa Joven...Pero alam mo, hindi mo na ako kailangang tawagin na binibini, Ysabel nalang...Kasi pakiramdam ko kapag tinawag akong ate o binibini, ang tanda ko na", wika ko at tumango nalang si Joven.

Patuloy kaming nag-usap ni Joven...Tungkol sa mga buhay namin, pero marami sa mga pinag-usapan namin ay tungkol kay Goyo....Ewan ko kung bakit...

Habang ang tatlo naman ay naliligo at naglalaro na parang mga bata sa batis...medyo inaantok ako dahil halatang hating gabi na...Ang kukulit naman kasi nitong sila Goyo.

"Joven!", rinig naming tawag ni Vicente, "Halika rito!"

"Dito nalang kami ni Ysabel! bantay lang kami dito!",sagot naman ni Joven.

"Baak magkakuliti kayo diyan...Nakahubad kami dito!", sigaw naman ni kuya Julian at tumawa ang tatlong magkakaibigan.

"Iba rin talaga silang tatlo no?",sabi ko kay Joven.

"Oo nga eh...Lalo na't matagal na silang magkakaibigan", wika niya at may narinig kaming mga tunog, para bang putok ng mga baril na galing sa malayo.

Narinig rin ng tatlo, kaya napatingin rin sila sa langit, hindi ko ba alam kung tama ang inakala ko, o baka naman may bagyo lang na paparating.

"Bagyo lang iyon", Rinig kong sabi ni koronel Julian.

Rinig parin namin ang mga tunog, at hindi siya tumitigil, Imposible namang kulog lang iyon...Baka nga mga putok siya ng baril.

"Ano kaya iyon?", Paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili.

Kahit patuloy parin ang pagkulog ng langit, hindi parin huminto ang tatlo sa paglalaro sa dagat...Habang kami naman ni Joven, sobra na kaming nag-aalala....

Bigla nalang may pumutok na baril na galing sa may likuran namin ni Joven. Kaya naman napatingin kami sa likod. Nagulat rin ang magkakaibigan.

"Wag! Hindi kami kaaway!", Sigaw ni Joven habang lumalapit ng kaunti sa mga bumaril.

"Hoy!", Sigaw naman ni Vicente.

Lumabas na sila Vicente at Julian mula sa tubig at pumunta sa amin.

"Pasensya na ho...Akala ho namin mga espiyang Kastila", Wika ng sundalo na mukhang isang koronel.

"Mukha ba kaming-", Napatigil si koronel Julian sa pagsasalita.."Juan?"

"Pinsan?", Sabi naman ng sundalo na sa tingin ko ay ang tinutukoy ni Julian na 'Juan'..

Tinanggal ni 'Juan' ang kanyang sumbrero at naki-pagtitigan kay kuya Julian.

"Tangina mo muntikan mo na kaming mapatay!", Galit na bigkas niya..

Tahimik lang kaming nakatayo ni Joven sa gilid habang naguusap ang dalawa.

"Si Vicente ito oh...At tsaka si Goyong-", Ngunit pagkatingin ni kuya Julian sa pinagliguan nila..Wala na si Goyong doon.. Ba't bigla siyang nawala?

Lahat naman kami doon ay nagpakita ng nag-aalalang emosyon...

Paulit-ulit na sinigaw nila Vicente at kuya Julian ang kanyang palayaw...

Dumating sa punto na akala namin
nalunod na siya. Ngunit bigla nalang umahon si Goyo na para bang may hinanap siya sa ilalim ng tubig...Hingal na hingal rin siya...

Buti nalang at mayroon pa siyang lakas para lumangoy palapit sa amin...Tinulungan naman nila kuya Julian at Vicente si Goyo para makaapak sa lupa.

Umuubo rin siya ng tubig..Anong nangyari naman sa kanya..

"Goyo...Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Sinubukan niyang sagutin ang tanong ko ngunit kahit na ganoon...Ubo parin siya ng ubo ng tubig...

"..Mamamatay ako", Sabi ni Goyo.

Ha? Bakit naman siya mamamatay? Grabe talaga iniisip nitong lalaking ito...

"Buhay na buhay ka, Goyo", Wika ni Vicente na sa tingin ko ay sinusubukan pasayahin si Goyo.

"Mamamatay ako!", Paulit niyang sinabi na para bang mangyayari nga... Sana naman hindi mangyayari iyon.. Kung anu-ano na talaga ang nasa isip niya...Siguro nag-aalala lang siya sa giyera...

"Huminahon ka ..", Mahinang sabi ni Julian kay Goyo.

Medyo napalingon si Goyo kay Julian..

"Kuya..."

---------

Hey Guys! Ito na po ang chapter 21! Finally naka-update na po ako!!! Sorry guys for being inactive for quite long...But here's another chapter for y'all!

See ya guys in the next chapter! Love u all ❤️❤️

(Medyo cringy and ibang parts lol so sorry for that)

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon