"Ysabel, pasensya na dahil kinakailangan mo pang maranasan ang makasali sa giyera." Patawad ni tatay.
Sa totoo lang, hindi naman niya kailangan mag-patawad. Dahil nabuhay ako sa panahon na ito, hindi naman talaga maiiwasan ang mga malalaking gulo...Kaya ayos lamang saakin. "Tay, hindi niyo po kailangan sabihin iyan. Naiintindihan ko naman po na ganito ang mga pangyayari, at kailangan talaga natin masama." Aking sabi.
Napatango nalang siya. "Basta tatandaan mo, na darating rin ang araw kung saan mararanasan din nating ang kapayapaan." Aniya...
~Timeskip~ (sry hindi ko alam ang Tagalog netoh)
Lumipas ang ilang oras at nagkaroon ako ng pagkakataon upang makita si Goyo...Nag-usap kami na dito kami sa may tabing-dagat magkikita, kaya naglakad naman ako palapit sa destinasyon at hinanap siya sa paligid.
Napalingon ako sa may kaliwa, at nakita and isang pamilyar na lalaki na nakasuot ng uniporme na mukhang panglaban...And taong iyon ay naka-upo sa isang malaking bato at tila ay malalim ang iniisip niya.
Nilapitan ko naman ang parehas na lalaki at inisip ng mabuti kung ano ang aking sasabihin... "Goyo...."
"Ysabel, nandito ka na pala." Napatingin naman sakin ang heneral at niyaya akong umupo sa tabi niya...
"Kakarating ko lamang." Simula ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo kanina...Alam kong nag-aalala ka dahil nagsimula nang sumugod ang mga Amerikano na hindi natin alam." Sabi ko at tinignan ang napakagandang tanawin sa harap namin.
Napabuntong hininga naman ang heneral. "Tama, ngunit hindi tayo susuko...Lalaban tayo hanggang kamatayan." Aniya.
"Matanong ko lang, saan nga pala tayo tutungo? Ngayon na ang mga probinsya sa pumapalibot sa atin ay okupado na ng mga Amerikano." Aking tanong, wala talaga akong alam tungkol sa mga plano-plano eh...Hays, ano ba itong utak mo Ysabel, walang laman.
Napatingin naman si Goyo sa baba at napaisip. "Tutungo tayo sa Ilocos, hihingi tayo ng tulong kay Heneral Tinio...Malayo-layo ang ating lalakarin, pero para sa bayan." Napangiti ng kaunti ang heneral.
Mahirap pala talaga ang masama sa giyera...Pero tulad ng sinabi ni Goyo, para sa bayan.
.......
Naglakad ako papunta sa bayan, medyo kumonti ang mga tao sa paligid dahil nga sa pagsugod ng mga Amerikano, ipinatawag ako ni tatay para mag-usap, dami pala pinag-uusapan pag ganito...Pero para rin magkaroon ng laman ang utak ko, nakita ko naman ang isang lalaki na pinagmamasdan ang kanyang hawak na baril...Medyo namukhaan ko siya kaya naman ako'y lumapit upang siya'y kausapin.
"Tay, nandito na po ako." Aking wika at napalingon naman ang aking ama.
"Ysabel, maupo ka muna." Sinunod ko naman ang kanyang alok at nagpahinga sa kanyang tabi.
Nagtaka ako kung bakit niya ako gustong kausapin, pero alam ko na importante iyon. "Ysabel, alam kong magugulat ka at hindi ka papayag na gawin ko ang balak na ito." Simula ni tatay. "Makikisali ako sa mga laban na kailangan nating daanan papuntang Ilocos."
Siyempre naman, nagulat ako sa kanyang desisyon. "T-tay! Hindi na po kayo pwede, baka hindi niyo po kayanin. Sigurado naman po ako na maiintindihan ng mga pinuno na mahina ka na po. Sige na tay, wag po kayo sumali, ayaw ko po kayong makitang nahihirapan, bumibigat rin po kasi pakiramdam ko." Sinubukan ko siyang pigilan, ngunit halata sa kanyang mukha na hindi siya sang-ayon sa akin.
"Alam kong mahirap ang makita ang sarili mong ama na nakikipagdigmaan, naranasan ko iyon, dahil ganun din ang tatay ko, ang lolo mo. Ang pagkakaiba lang ay hindi niya sinabi sa aming magkakapatid na sasabak siya, mas masakit iyon. Biro mo, sunod na araw biglang nawala nalang ama mo. Kaya ngayon palang, sinasabi ko na sa iyo ang mga plano ko, para kung sakali man may mangyari, alam mo kung nasaan ako. Maliwanag?" Kwento ni tatay sakin.
Onti onti nang lumalabas ang mga luha mula sa aking mga mata, kung pwede lang sana, ako nalang lumaban. Napakasakit sa dibdib ang pangyayaring ito, ayaw kong mapahamak si tatay, siya nalang ang natitira mula sa pamilya namin. Si nanay at ate Francia, wala na. Hindi ko kayang mawalan pa. "Tay, sigurado ho ba kayo?"
"Siguradong sigurado.."
At sa panahon na ito, napaluha nalang ako, lumabas na ang mga luha mula sa aking mata at sabay na napa-akap kay tatay. Hindi ko akalain na ganito mangyayari, yung tipong ayaw mo na mabuhay kasi alam mo na masasaktan ka rin ulit.. "Rerespetuhin ko nalang po desisyon niyo, mag-ingat po kayo lagi. Mahal na mahal ko po kayo."
"Mahal na mahal ko rin ikaw, Ysabel. Alam ko na ginagabayan tayo ng Diyos, nanay mo at si Francia sa trahedyang ito. Wag kang magalala, dahil lahat ng problema ay may solusyon, tandaan mo yan, aking anak. Walang kadiliman ang magpakailanman, sisikat rin ang araw at lahat ng ito ay matatapos rin." Niyakap rin ako ni tatay, grabe talaga buhos ng luha ko dito, parang isang lawa na ang mapupuno ko.
Sino ba naman ang hindi maiiyak na malaman na ang iyong ama ay makikisali sa digmaan? Ramdam ko ang lungkot ni tatay.
Simula nang lumubog ang araw, dumilim na ang langit at ang mga bituin, ang mga napakagandang bituin, ay kumikinang na para bang diyamanteng idinikit sa itim na langit.
Hanggang ngayon, iniisip ko parin ang mga nangyari sa akin ngayong araw. Ang sakit talaga sa pakiramdam, at sana nga matapos na itong giyera, para ang mga susunod na henerasyon ay hindi na kailangan madanas ang hirap na ito..
-----
Naka-update na rin ako reeeeeeeeee
Stay tuned for chapter 24!
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfic"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo