7

346 8 0
                                        

Parang hindi takot sila koronel Julian at Vicente dahil diretso lang sila ng diretso,habang sumusunod lang kami ni Goyo.

"Ysabel",tawag ni Julian saakin," Ano ang ingles ng Nandito kami?",

"We are here",sagot ko ng mahina.

" Huy!",sigaw ni Julian.

Ang tapang nito ah.

"We are here!",dagdag niya.

Mukhang pinaguusapan nila kami dahil hindi kami mukhang Amerikano.

Palapit ng Palapit na kami,at parang handa na kaming barilin ng mga tao sa kampo,

" Goyo",bulong ko,"sabihin mo sa kanila na we are not enemies",

Tumango si Goyo at gagawin na sana ni Gregorio ang utos ko ngunit.....

"We are not enemies!",sigaw ni Julian.

Hala,Epal naman nito.

" Ginawa ko na iyon para sayo Goyo",sabi ni Julian ng mahina.

Mukhang nainis si Goyo,talagang weirdo ang kapatid niya,siya dapat ang sasabi,pero ayos lang naman siguro iyon,dahil baka nanerbyos rin si Goyo at nahalata ni Julian,kaya siya nalang ang gumawa.

"Ayos lang iyon,baka kasi nakita ng kuya mo na nanenerbyos ka,kaya siya nalang ang nagsabi",wika ko sa heneral.

" Oo,nanenerbyos ako,pero kaunti lang,dahil alam ko ang gagawin ko ay para sa bansa",sabi ni Gregorio ng mahina.

Nakaharap na namin ang isang heneral ng Amerika,parang hindi makasagot ang mga kasama ko dahil hindi sila marunong mag-ingles,kaya nung nagsalita ang heneral ako nalang ang sumagot.

"Who are you?are you Filipinos?",tanong ng Amerikanong heneral.

" We are soldiers of America,we came from Bulacan",aking sagot.

Tinignan ako ng heneral ng masama,kaya pinigilan ko ang sarili ko na manerbyos.

Tumango ang heneral at nakapasok kami sa kampo.

Mabagal kami naglakad dahil wala kaming kakilala,dahil baka mawala rin kami,kasi hindi pa namin kabisado ang istilo nila.

"Napakagaling mo naman,nakuha mo ang heneral na tumiwala sa atin",bulong ni Gregorio.

Nginitian ko siya at sabi," Wala iyon,alam ko kasi na hindi kayo masyado marunong mag-ingles,kaya ako nalang ang sumagot",

Pumunta kami sa isang sundalo at parang mabait siya,pero hindi natin alam,baka may tinatagong ugali ito.

"Where is the documentary room?",aking tanong.

" Oh,the documentary room?its over there",tinuro ng lalaki ang isang kubo na nasa kaliwa.

Nagpasalamat ako at dumiretso kami sa kubo.

Pagpasok namin,may nakita kaming mga dokumento tungkol sa labanan,malaking tulong ito sa amin,baka may nakatago dito na mga taktika na pwede namin gamitin para matalo sila.

Agad naming kinalkal ang isang kahon na may laman na dokumento,tinago nila Vicente at Julian ang mga papel na may impormasyon,at lumabas na kami.

Hay salamat,buti nga walang nakakita sa amin.

Palabas na kami sa kampo nang biglang may narinig kami.

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon