Pagkapasok sa bahay, agad na sumalubong sa amin si tiya Carmela, ang nanay ni Jose, agad niya naman kami niyakap.
"Ysabel, Jose, kamusta naman kayo?",tanong niya habang nakangiti.
"Ayos naman po kami nay, wala naman kaming problema",sagot ni Jose.
Umupo muna kami ni Jose habang nagluluto si tatay at tiya Carmela, at amoy na amoy ko ang masarap na adobo ni tiya, tumulong naman si tatay sa paggawa.
Dahil wala naman ako magawa, nagdesido nalang ako na umakyat at basahin ang librong regalo saakin ni nanay nung disisyete palang ako.
"Jose, gusto mo ba umakyat? O dito ka lang sa baba?",tanong ko kay Jose.
"Uhh...Dito nalang muna ako sa baba",maikli niyang sagot at tumango nalang ako.
Naglakad ako papunta sa hagdanan at umakyat patungo sa kwarto ko. Binuksan ko ang lampara at kinuha ang librong may titolo na 'Aking Nag-Iisang Anak'. Ang storya ay tungkol sa isang dalaga na paborito ng kanyang mga magulang, at ramdam niya'y walang imposible, pero nung namatay ang kanyang nanay, na isip niya rin na may mga bagay na hindi natin kaya, pero sasanayin natin siya para kung sakali, matutunan natin ang nais na malaman.
Pero ang paborito kong pahina ay ang
may payo na kung saan pwede ko gawin itong paalala sa sarili ko.'Walang Susuko'.
Dahil marami akong pinagdaanan na marahil ay mararanasan at naranasan rin ng iba, umalis ako sa aking tunay na sinilangang-bayan, nawalan ako ng miyembro ng pamilya, at ngayo'y parang kailangan kong ulitin ang buhay, pero kahit na ganun, hindi parin ako susuko.
"Ysabel!",rinig kong sigaw,"Kakain na tayo!"
Agad ko namang sinara ang libro at inilagay ito sa munti kong aparador, pinatay ko rin ang lampara at bumaba para kumain kasama si tatay, Jose at si tiya Carmela.
Pagkababa ko, nakahanda na ang lamesa, nandoon na ang adobo, ang kanin at parang ako nalang ang kulang.
"Tara na Ysabel, ikaw nalang ang hinihintay namin",sabi ni tatay at tumango nalang ako.
Umupo na kami at nagsimulang kumain. Agad namang nagkwento si tatay.
"Ysabel, sa Sabado wala ako dito",sabi niya.
"Bakit po tay?", tanong ko naman.
"May ipagdiriwang lang kami sa bahay ni Don Mariano, naging Gobernador Militar ang kapatid ni Heneral Goyo",sagot niya at tumango nalang ako bilang sagot.
"Gusto mo ba sumama?"
"Hindi na po, dito na lang po ako sa bahay kasama si Jose at tiya Carmela"sagot ko.
"Ysabel, ngunit sa Sabado kailangan na namin umuwi ni Jose sa Laguna, magkakaroon lang kami ng kaunting pagtalakay tungkol sa negosyo namin ni Jose, ayos lang ba na maiwan ka dito ng mag-isa?",wika ni tiya Carmela.
"Ah....Ayos lang naman po, kaya ko naman po maiwan sa bahay ng mag-isa",sabi ko habang nakangiti.
Natapos na kami at nag-ayos ng gamit si tiya Carmela at si tatay naman ay nagsulat ng telegrama para sa presidente, nagligpit naman kami ng pinagkainan ni Jose.
"Jose, bakit parang lumungkot ang mukha mo?",tanong ko.
"Wala...hindi naman ako malungkot, masaya nga ako eh dahil makakabalik na ako sa Laguna, pero gusto ko parin manatili dito",sabi niya habang pinupunasan ang basang plato.
"Oo nga eh, pero pwede naman tayo magkamustahan gamit ang telegrama, hindi ba?",wika ko at napangiti siya.
"Pwede naman."
Natapos na kaming mag-ayos at nauna nang umakyat si tiya Carmela at Jose patungo sa mga kwarto nila, nanatili nalang muna kami ni tatay sa baba para mag-usap.
"Ysabel, sigurado ka ba na ayos lang sayo ang maiwan dito sa bahay mag-isa? Alam mo naman na nakakatakot kasi pag mag-isa ka lang sa gabi",sabi ni tatay ng nagaalala.
"Opo tay, sigurado po ako, at kaya ko naman po ipagtanggol ang aking sarili",maikli kong sagot.
"Sige, pero huwag ka agad magtitiwala sa mga taong nakikita mo, maging alerto ka",wika ni tatay at tumango nalang ako.
Dumiretso na ako patungo sa aking kwarto at humiga sa kama.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako.
"Ysabel...."
Minulat ko ang aking mata at nakita si ate Francia, nakangiti siya at sinalubong niya pa ako ng isang mahigpit na yakap.
"Ate Francia, bakit ka nandito? At nasaan si nanay?",masaya kong sabi.
"Nandito ako dahil gusto kitang makita muli at gusto rin kitang kamustahin. Pasensya na Ysabel, pero hindi makakapunta si nanay",malungkot na sabi ni ate Francia.
"Bakit ate?"
"Hindi ko alam pero alam ko naman na laging nakabantay si nanay",wika niya at nakarinig ako ng putok ng baril.
"Fuego!"
Tumingin ako sa likod at nakita ang mga naglalabanan na mga sundalo nang Pilipinas at Amerika, nakakabingi ang tunog ng baril kaya naman tumakbo ako papunta sa isang malaking bato.
"Ate Francia ano ang nangyayar-",lumingon ako sa aking gilid at wala na si ate, kaya bigla nalang akong nanerbyos.
"Ysabel!",rinig kong sigaw at nakita ko si koronel Vicente na tumatakbo patungo saakin.
"Koronel, Ano ang nangyayari?",tanong ko.
"Giyera."
"G-giyera?",tanong ko muli at tumango nalang siya.
"Sumama ka na saakin para mas ligtas ka",wika ng koronel at sumama naman ako.
Dinala niya ako sa isang kubo at ibinigay niya ang isang liham.
"Kanino ito galing?",tanong ko.
"Kay Goyong, mauna na ako para matulungan ko ang heneral",sabi niya at lumabas sa kubo.
"Pero-",napatigil ako sa pagsasalita dahil umalis na siya.
Binasa ko nalang ang liham.
Ysabel,
Sana'y malayo ka sa panganib, at alam ko na anumang oras ay pwede akong pumanaw, pero tandaan mo na nandito lang ako para sayo, anuman ang mangyari, ang gagawin ko ay para sa minamahal nating bayan, at para rin sayo, Ysabel, tandaan mo na mahal na mahal kita.
Sumasaiyo, Gregorio
Hindi ko alam kung anong sasabihin, dahil hindi ako makapaniwala sa sulat na bigay saakin ni Goyo.
Tiniklop ko ang papel at sumilip ako sa bintana, nakita ko ang mga sundalo na naglalabanan, iba sugatan, yung iba naman ay patay.
Pagkalingon ko, nakita ko ang mga Amerikanong sundalo, kaya naman yumuko ako at umasa na makikita ng mga tauhan na nasa trintsera, pero nung sumilip ako. Wala, wala ni isang sundalo ang nakakita sa mga Amerikanong nasa likod nila, kaya maraming natamaan ng bala.
"Sana naman ligtas si Goyo at iba niyang mga kasamahan",sabi ko sa sarili at pinikit ang aking mga mata.
Pagkamulat ko, wala na ako sa giyera, nasa kwarto ko na ako, at ang nagpapaliwanag lang ay ang buwan.
Lumingon ako sa aking gilid at wala akong nakitang mga gamit na pwedeng kumonekta sa panaginip ko.
Nagdesisyon ako na bumangon at magpahangin sa balkonahe ng bahay at nakarinig ako ng pagbukas ng pinto na galing sa kaliwa, pero hindi ko nalang si pinansin.

BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfic"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo