Binuksan ko ang bag na may libro at inilagay ko sa pahina kung saan ako huminto at may nakita akong telegrama at ibinigay kay tatay,binasa niya ito at sabi,"Ysabel,ang telegrama na ito,ay para sayo",binigay niya muli saakin ang telegrama at binasa ko sa aking silid.
Salamat sa pagtanggap mo na ayos lang ang makidigma ang iyong tatay,ngunit mahirap mawalan ng mahal sa buhay,alam ko iyon,pero hindi ako tarantado na tao,ginawa ko iyon dahil utos ng presidente natin,
Sumasaiyo
GregorioSus,paano niya naman nalaman na iniisip ko na tarantado siya,may kapangyarihan ata itong heneral na ito,
Nagsulat ako ng telegrama at pinadala sa kanya,sana naman biro lang iyong ginawa niya,kakainip.
"Tay,pupunta lang po ako saglit sa---",napahinto ako dahil hindi ko akalain na si tatay ay wala,ang nasa baba lang ay ang ayaw na ayaw kong heneral.
Dios mio!ano ba ang gusto niya?nananahimik na ako tapos mangugulat pa,kaya nag bait baitan nalang muna ako,baka kasi may masamang mangyari pag inilabas ko ang sama sa loob ko sa kanya.
"Heneral,narito po ba ang aking tatay?",tanong ko habang lumilingon sa kanya,
" Binibini,wala ang iyong ama dito,ngunit sabi niya kung maaari daw ako muna ang magbantay sayo,ako lang daw ang malalapitan niya,at tsaka kwento saakin ng iyong ama na malikot ka daw at mahilig ka lumibot",kanyang paliwanag.
Ano bayan!hindi naman ako masyado malikot!ayos lang naman kung mag-isa ako sa bahay,hindi naman na ako bata,laki-laki ko na eh.
"Salamat sa pagtanggap mo na bantayan ako,pero hindi ko na kailangan,at may pupuntahan pa ako sa bayan",dahilan ko sa kanya habang pumupunta palapit sa pinto
" Pwede naman kitang samahan sa bayan",napahinto ako sa sinabi niya at tumango nalang ako.
Hindi ko alam kung anong sasabihin eh,pumayag nalang ako.
Naglakad kami papunta sa bayan dahil malapitlapit lang iyon.
"Mayroon ka bang kapatid?",tanong niya.
" Meron,si ate Francia bakit mo tinatanong ikaw,meron ba?",
Kung ano ano nalang nilalabas ng bibig ko na salita,hayaan mo na.
"Wala lang binibini,pero mayroon rin akong kapatid,si Koronel Julian",
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo