14

250 4 0
                                        

Hindi ko akalain na magpatawad siya saakin, at sa tingin ko hindi na siya galit, dahil baka na isip niya na malungkot ako, pero mabuti nga at naniwala na siya.

Lumipas ang ilang oras at dumating na rin si Jose galing bayan, kaya kumain na kaming tatlo ng tanghalian.

"Jose at Ysabel, alam ko yung nangyari  nung isang araw, nalaman ko dahil ikwinento sa akin ni koronel Vicente, wag kayong matakot sabihin ang totoo, basta tandaan niyo na hindi ako galit sa inyo",simula ni tatay.

Tumango naman kami ni Jose, at napaisip ako, paano ikwinento ni koronel Vicente ang nangyari? Siguro nung nasa kwarto ako, bumalik siya o kaya pwede rin nagpadala siya ng sulat.

"Pasensya na po tay, ayaw ko lang po kaso kayong magalit eh",aking patawad.

"Ayos lang, basta, huwag ka lang magsasabi ng gawa-gawa na storya",sagot ni tatay.

"Nasaan nga pala si Goyo?",bulong saakin ni Jose.

"Bakit? Aawayin mo ba siya?",bulong kong sagot.

"H-Hindi, magpapatawad sana ako eh, kung sasabihin mo kung nasaan siya",sabi ni Jose

"Ewan ko, pero sigurado naman ako na sa tamang panahon ay magpapakita siya at magpapatawad din",sabi ko.

"Ysabel, Ayos lang ba kung maiwan ka dito sa bahay? May pupuntahan lang kami ni Jose",wika ni tatay.

"Ayos lang naman po, pero saan po kayo pupunta?",tanong ko.

"Sa bahay ni Don Lorenzo, may aayusin lang kami doon",sabi ni Jose.

"Ahhh...Pero kayo lang ba ang pupunta doon?".

"Hindi, kasama namin si Goyo at si Vicente,pati na rin ang presidente",sagot ni tatay at tumango nalang ako.

Lumipas ang ilang minuto at inayos na namin ni Jose ang aming pinagkainan, habang si tatay naman ay nagayos ng mga dokumento na dadalhin niya sa bahay ni Don Lorenzo.

"Ysabel, aalis na kami ni Jose, magiingat ka ha, basta alagaan mo ang sarili mo",Paalala ni tatay saakin bago sila umalis.

"Opo tay, magiingat rin kayo ni Jose",sagot ko naman.

Nagpaalam na ako at naiwan na akong mag-isa sa bahay, wala akong magawa wala rin akong makausap.

Umakyat naman ako sa kwarto ko at sumulat ng liham para kay Goyo.

Goyo,

Maraming Salamat na hindi ka na galit sa akin, at salamat din at naniwala ka na, pinapatawad na kita, at sana'y hindi na maulit ang nangyari, at may tanong nga pala ako sa'yo, kailan tayo pwede magkita? May sasabihin lang kasi si Jose, pero huwag mong iisipin na magkikita kayo dahil gusto lang niyang bumawi, magpapatawad lang siya, sana naman sumagot ka pabalik.
  
                                 Sumasaiyo, Ysabel

Pagkatapos magsulat inilagay ko ito sa isang sobre at ipinatong sa lamesa.

Dumungaw naman ako sa bintana at nakita ang isang sundalo na kumakatok sa pinto, agad naman akong bumaba para malaman ang rason kung bakit nandoon siya.

Binuksan ko ang pinto at bumungad saakin ang isang pamilyar na mukha.....teka, parang kaibigan ko ata siya nung bata ako.

"Magandang umaga binibini, pinapatawag po kayo ni Señor Torres sa bahay nila Don Lorenzo",ang sabi ng sundalo.

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon