Ysabel,
Ngunit parang ito na ang aking huling salita,malakas kasi ang puwersa ng mga Amerikano,at hindi ko na alam kung kakayanin namin, ako ang inaasintahan nila,kaya,baka matamaan ako,pero narito lang ako,para sayo,huwag mong kalimutan na mahal na mahal kita,kailanman.
Suamsaiyo, Gregorio
At sa panahon na iyon,bumagsak ang mga luha ko,dahil baka patay na siya,at hindi ko pa nasabi sa kanya,na.....Mahal ko rin siya anuman mangyari.
At kinuha ko ang panyo ko at pinunas ito sa aking mukha para matanggal ang luha.
Humiga ako sa kama at natulog na,baka kasi hindi na ako makakalma.
-------
Umaga na,at iniisip ko parin kung ayos lang ba ang heneral.
Sana naman,matanggal na iyon sa isip ko,dahil bibigat pa ang pakiramdam ko,pero syempre magdadasal parin ako na ayos lang si Gregorio.
Kahit na sinusubukan kong tanggalin ang aking mga problema,ang bigat parin ng pakiramdam ko.
Dahil siguro marami akong gusto makita at kamustahin kung ayos lang sila,tulad ni nanay at ate,pati na rin ang heneral.
Tumingin ako sa bintana at nakita ang kapatid ng heneral na si koronel Julian.
Kumatok siya at binuksan ni tatay ang pinto.
"Señor,narito po ba si binibining Ysabel?nais daw po siyang makita ng aking kapatid",ang wika niya.
" Narito si Ysabel",sagot ni tatay.
"Maaari po ba siyang sumama saakin sa aming tirahan?",tanong ng koronel.
Tumango si tatay at sumama ako sa koronel.
" Koronel",simula ko,"bakit po ako gusto makita ni Goyo?".
"May...sasabihin daw siya,pero hindi ko lang alam kung ayun lang ang dahilan",sagot niya.
Tinuloy namin ang paglakad papunta sa tirahan nila Goyo at koronel Julian.
Pagkarating sa harap ng bahay,binuksan ng koronel ang pinto at pumasok kami.
" Upo ka muna diyan,tatawagin ko lang si Goyong",ang wika niya at tumango ako.
Pumunta siya sa ikalawang palapag at sa tingin ko nasa kwarto ang heneral.
Ang unang bumungad saakin ay si Gregorio na kahit may sugat ay nakangiti parin.
Agad naman siyang umupo sa tabi ko.
"Kamusta ka naman,ayos lang ba ang sugat mo?",tanong ko.
"Mabuti naman,at hindi na masyado masakit,pero kailangan ko parin magpahinga",sagot niya.
" Ano pala ang sasabihin mo?sabi kasi ni koronel Julian na mayroon ka daw sasabihin saakin,kaya napunta ako dito",
"Samahan mo muna ako at sasabihin ko sayo ang dahilan",
Ano bayan,alis nalang kami ng alis,pero hindi ko naman kayang tanggihin,kaya sinamahan ko nalang siya,naglakad kami sa malayo na lugar at napapagod na ako,pero pinilit ko parin lumakad.
" Saan ba tayo pupunta?napapagod na ako eh",wika ko.
"Makikita mo",ang sagot niya.
Maski may sugat siya,hindi niya pinakita na siya ay nasasaktan,at ang kanyang sabi ay para saakin daw ito,hindi ko lang alam.
" Bakit tayo nasa gubat?mamaya mahanap pa tayo dito ng mga Amerikano,ano ang problema?",tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
Huminto siya sa paglakad at tumalikod saakin.
"Huy!iiwan mo lang ba ako dito?ano ba ang dahilan kung bakit tayo nasa gubat?",wika ko ng naiinip.
Parang nakita ko siya na may nilalabas sa maliit niyang maleta,
" Matagal ko na ito gusto ibigay sayo,pero nahihiya ako,ramdam ko na ito na panahon ko",ang sabi niya habang inilalagay saakin ang isang kwintas.
"Bakit?ano ang mangyayari?",tanong ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at huminga ng malalim.
" Pagmagkaroon ng giyera,wala akong mabibigay na ala-ala,kaya inisip ko na ibigay nalang ito sayo ng maaga",wika niya.
Ok...so dramatic ni kuya.
"Salamat ah,pero bakit mo naman iniisip yung mga bagay na ganun?mamaya sumakit pa ulo mo sa kakaisip",tanong ko.
" Wala lang,naiisip ko lang ang mga bagay na ganun dahil ang isang tao na kasali sa rebolusyon,ay maraming problema",paliwanag ni Gregorio.
"Sa bagay,para sa Pilipinas naman yung ginagawa mo",aking sagot.
" At para sayo",agad nitong wika.
Mukhang namula si Gregorio,dahil sa sinabi niya.
At pagkatapos,niyakap niya ako.
At doon ko lang naalala si nanay at ate,ewan ko kung bakit pero parang nararamdaman ko sila sa gilid ko.
Bigla nalang akong napaluha ng kaunti,pero sinubukan ko paring pigilan.
"Bakit?may nangyari ba?",tanong niya.
" Naalala ko lang kasi ang nanay at ate ko,sana nasa mabuting kalagayan sila",wika ko at lalo akong umiyak.
"Shh...kumalma ka,ipagdasal mo nalang na ligtas sila",sabi ni Gregorio habang pinupunasan ng panyo ang aking luha.
At pumunta kami sa dagat,kahit mainit,lumalamig parin ang pakiramdam ko,dahil sa maginaw na hangin.
Ipwinesto ko ang aking kamay sa
Palda at pinanood ang mga alon,pati na rin ang mga naglalarong ibon sa buhangin.At hinawakan ni Gregorio ang kamay ko,tinignan ko siya at parang walang nangyari.
"Gregorio",simula ko," Ganun lang ba talaga lahat ng tao,may mga problema na naaayos,at mayroon din na talagang problema na habang buhay?",
"Oo,dahil wala naman tayong kapangyarihan,walang tao ay perpekto,lahat may problema,pero paghihirapan ng mga tao na ayusin ang lahat",paliwanag niya.
" Buti ka pa Ysabel,madali kausap,sobrang bait mo pa,hindi katulad ni kuya,nakakainip,parang gusto ko nang ilunod eh",sabi niya at tumawa kaming dalawa.
"Ganun talaga ang buhay,Goyo,may mga tao na nagpapasaya,may iba naman na nagpapagalit,normal naman iyon",ang aking wika ng nakangiti.
" Baka naman tinitiis mo ang sakit ng iyong sugat,tara na,uwi na tayo",dagdag ko.
"Hindi...hindi,hindi na siya masakit,ayos na ako",ang sabi niya habang pinipigilan akong umalis.
Mukhang nagkakaintindihan na kami,parang tinigilan niya na ako,pero parang hindi nagiiba ugali niya,ayos lang basta dapat ang kanyang ginagawa ay hindi masama.
" Ysabel",simula niya,"saan ka nagkolehiyo?",tanong niya.
"Bakit?",ang iwas ko.
" Wala lang,gusto ko lang malaman dahil baka naging magkaklase tayo",wika ni Gregorio.
"Sa Ateneo Municipal de Maynila",ang aking wika.
" Talaga?doon rin ako nagkolehiyo eh,baka naging kaklase tayo,hindi lang natin namalayan",ang sabi ng heneral.
"Saan ka tumuloy nung nagaral ka doon?alam ko kasi taga Tarlac ka eh",dagdag niya.
"Sa bahay ng tiyo ko,hanggang magtapos ako ng pagaaral",aking wika.
" Goyo ,isa pang tanong",dagdag ko.
"Ano ang gagawin mo pag malaya na ang Pilipinas?may balak ka ba?",aking tanong.
Huminga siya ng malalim at ngumiti.
" Isa lang ang aking balak pagmapayapa na ang bayan".
"Ano?".
" Mapakasalan ka".

BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo