Nanigas ako sa tanong ni tatay,hindi ko kasi alam kung ano ang aking isasagot,ayaw ko kasi magsinungaling,kaya aaminin ko nalang.
"O-Opo tay,alam ko po na dapat hindi ko iyon sinagot,pero ito na po ako",aking sagot ng kinakabahan.
"Ayos lang naman Ysabel,tulad ng sabi ko,malaki ka na,hindi gaya nung bata ka,pinagbabawalan ka,pero ngayon,ikaw bahala",wika ni tatay.
Parang napansin ko na mukhang nagpapaagaw pansin si Goyo,kaya minsan ayaw kong kasama.
Pagkatapos kumain,inayos ko naman ang aming pinagkainan.
Hindi ko alam kung bakkt parang ngayon lang gumaan ang pakiramdam ko,siguro dahil,kalmado na ako at kaya ko na alagaan ang sarili ko.Habang inilalagay ko ang mga plato sa aparador,nasa labas naman si tatay at sa palagay ko ay kumukuha siya ng sariwang hangin.
Pagkatapos mag-ayos,pumunta ako kay tatay at umupo sa tabi niya.
"Tay",simula ko," Kailan po tayo makakabalik sa Tarlac?Gusto ko na po kasi makita ang mga kaibigan ko,tulad ni Regina at Martine ,gusto ko po silang kamustahin".
"Ysabel,mukhang hindi na tayo makakabalik sa Tarlac,paano naman,nasakop na ng mga Amerikano ang ating probinsya,at baka mahuli pa tayo,dito muna tayo mananatili sa Dagupan",paliwanag ni tatay.
" Sige po tay,ayos lang naman po sa akin,naiintindihan ko po na hindi pa tayo makakabalik sa panahon ngayon",aking sagot at pumasok ako sa bahay.
Bubuksan ko na sana ang pinto,ng bigla nalang ako hinawakan ni tatay sa braso at inabot saakin ang isang sobre.
"Kanino po ito galing?",aking maikling tanong.
"Kay koronel Julian,pinapabigay daw ng kapatid niya,hindi ko lang alam kung bakit",sagot ni tatay at pumasok na ako sa bahay para basahin ito ng pansarilinan.
Ysabel
Aking kinakatuwa na ang iyong kaarawan ay malapit na,at mayroon akong surpresa para sayo, patawad rin pala sa kamatayan ng iyong nakakatandang kapatid at inay,pero huwag ka ng malungkot,dahil alam ko na lagi nilang binabantayan ang kanilang minamahal sa buhay,sana naman ay nakakalma ka na at hindi na mabigat ang iyong pakiramdam.
-Gregorio
May surpresa si heneral....wow.
Parang tinamad na aking magsulat pabalik,kaya naisipan ko nalang na pag nagkita kami,doon ko nalang siya sasagutin,mas mabuti pa kasi medyo mahirap sagutin kapag sulat eh.
Bigla nalang pumasok si tatay sa kwarto,"Anak may bisita ka,si Crisanta",at pinapasok niya si Crisanta sa aking kwarto,iniwan niya muna kami doon.
"Ako si Crisanta,Crisanta Rodriguez",kanyang pakilala at nagpakilala rin ako.
"Uhhh....sabi saakin ni tatay na may paguusapan daw tayo,tungkol saan?mausisa lang ako",aking tanong.
"Ahh...tungkol sa buhay mo,mayroon kasi kaming proyekto sa aming eskwelahan,kailangan namin maghananap ng tao na malapit daw sa isang heneral,eh kasi si Angela,ang kaklase ko,naisipan na ikaw daw ang i-panayam namin,dahil sabi niya na talagang malapit kayo ni heneral del Pilar",paliwanag niya ng nakangiti.
Luh....ako pa talaga ang pinagisipan na i-panayam!?malapit daw sa heneral?bakit hindi nalang si koronel Julian?
"Ahh...Osige,ano ang kailangan kong gawin?",wika ko.
" May itatanong lang ako tungkol sa iyong pamumuhay",kanyang sagot at inilabas niya ang isang kwaderno at panulat.
"Ano ang iyong pakiramdam bilang isang tao na malapit sa heneral?",kanyong tanong at napaisip ako kung ano ang aking pwede isagot.
" Uhh...Masaya naman,kasi pag malapit ka sa panganib,pwede ka naman tulungan,pero minsan naman ay nakakainis,kasi sa opinyon ko,malakas sila mangulit,at nakakagigil rin sila minsan",aking sagot.
Huh...ano raw??kung anu-ano nalang sinabi ko,hindi ko naintindihan sarili ko.
"Ahh...sige,ika'y nagagalit ba minsan?",wika ni Crisanta habang nagususlat sa papel.
"Oo,minsan lang,hindi naman parati,baka kasi malungkot sila",aking sabi habang ngumisi ng kaunti.
" Isa pang tanong,iniibig ka ba ni heneral del Pilar?",ani niya.
"Uhhh.....medyo,alam mo naman siya,pero hindi naman masyadong seryoso",aking wika.
At pagkatapos niya ako i-panayam,nagpaalam na siya at kinausap naman ako ni tatay tungkol sa ginawa namin kanina.
" Ano ang pinagusapan niyo?",tanong ni tatay.
"Wala naman po kaming pinagusapam,ipinayam lang niya po ako,tungkol sa buhay ko bilang isang tao na malapit daw sa heneral,nakakaloka po tay",aking sabi at umupo ako sa sala.
" Bakit naman nakakaloka?may nakakabaliw ba siyang tanong?",wika ni tatay ng mausisa.
"Uhh...hindi naman po,naloka lang po ako,kasi po hindi ko alam kung ano ang aking masasabi",iwas kong sagot.
Tumango si tatay at napahiya ako, kasi bawat tanong ni tatay, hindi tama ang aking mga sagot.
Dadating naman ang pinsan ko na galing Laguna, matagal ko na siyang hindi nakikita, kaya marami akong gusto ikwento sa kanya.
"Ysabel, dadating ang pinsan mong si Jose, kaya magpakabait ka",sabi saakin ni tatay at tumango naman ako.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na si Jose, at naghanda naman si tatay ng meryenda.
"Magandang hapon po tiyo, magandang hapon din Ysabel, masaya po ako at nagkita tayo muli,pagkatapos ng ilang taon", masaya niyang sabi at inilagay niya ang mga maleta sa upuan.
"Jose, Ysabel, kumain na muna kayo ng meryenda sa labas para makakuha kayo ng sariwang hangin, kasi pag nasa loob,medyo malungkot, ito o, ensaymada at kape, doon muna kayo sa labas at magaayos pa ako ng gamit",sabi ni tatay at sinunod naman namin ang sabi niya.
"Ysabel, may nobyo ka na ba?",tanong saakin ni Jose.
"Uhh.....w-wala pa, bakit Jose? ikaw ba may nobya na?",sabi ko at ngumisi siya.
"Meron na, kaso lang lumipat ang pamilya niya sa Pampanga, pero sabi niya na babalik rin sila, kaya umaasa nga ako na mangyayari iyon",sagot nita at uminom ng kape.
"Pero sa totoo lang Jose, meron na akong kasamahan, na tinuturi akong nobya niya",sabi ko at gulat na gulat si Jose.
"Sino?"
"Si Gregorio del Pilar",sagot ko at tiwalang-tiwala siya.
"Talaga? grabe naman, imposible!",gulat na sabi ni Jose.
At doon ko lang napansin na parang may lalaki na nakatayo sa kalye na parang kanina pa kami pinapanood, pero agad naman siyang umalis pagkalingon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo