9

286 7 3
                                    

Pagkadating namin sa gubat,nakarinig kami ng mga apak ng sundalo,doon na ako nanerbyos at si Gregorio,parang wala lang.

"Goyo",simula ko," K-kailangan ata nating magtago muna",

"Bakit?ano ang narinig mo?",tanong nito.

" Parang may mga Amerikano kasi akong nakita",wika ko ng nanenerbyos.

Tumingin ang heneral sa mga gilid at nakita ang higit sa anim na sundalo.

Hinila ako ni Goyo sa may kuweba at nagtago doon.

Palapit ng palapit ang mga apak at doon na ako kinabahan ng sobra, kaya parang hindi na ako makahinga.

Nakita ni Goyo na sobrang nerbyos na ako.

"Kalma ka lang,huwag kang magalala,ako bahala",wika niya.

Nakita ng mga Amerikano na nasa kuweba kami,at doon na ako hindi makakalma.

Tumingin ang heneral ng kalaban sa amin,

"Get the general",utos ng heneral.

" Sir,how about the girl?",tanong ng isang sundalo.

"Leave her alone, she's useless",sagot nito.

Aba! tinawag niya pa akong 'useless' ah! akala niya hindi ako nakakaintindi ng ingles.

Kinuha ng mga Amerikano si Gregorio at hindi ko alam kung anong gagawin,kaya tumayo ako at kinausap ang heneral.

" General!",sigaw ko.

"H-he is a g-good person,dont hurt him,leave him with me",wika ko ng matapang.

Pinakawalan ng mga sundalo si Gregorio at umalis.

Naloko sila,akala nila ah,malalampasan nila ako.

Agad naman pumunta saakin si Gregorio.

"Napakagaling mo talaga,may kapangyarihan ka na agad mapapatiwala ang kalaban sayo,pangalawang beses na iyon",wika niya.

"Hay nako....nanenerbyos pa nga ako eh,ginawa ko iyon dahil gusto kitang iligtas",sabi ko habang nakangiti.

Dahil hating gabi na,at malayong lakbay pa bago kami makadating sa bayan,nagpahinga muna ako sa kuweba,nung makita ko si Goyo na parang ayaw umupo tinawag ko siya.

" Goyo!",sigaw ko,"Hindi ka ba magpapahinga?",

"Hindi,ayos lang ako,kahit mapuyat ako,maprotektahan lang ikaw",sagot nito.

Parang hindi talaga titigil itong si Goyo.

" Bahala ka ha,pag ikaw napuyat diyan,ewan ko lang,buhay mo yan eh",huli kong sinabi bago ako pumikit at nagpahinga.

Pagkamulat ko,agad na akong bumangon at nakita si Gregorio.

"Kamusta ang tulog mo?",tanong niya.

" Ayos lang,ikaw?nakapahinga ka ba?",wika ko.

Ngumisi siya at sabi,"Hindi nga ako natulog eh,kagabi ko pa sinabi sayo,binantayan ko nga kasi ikaw",sabi ni Goyo.

Ok...ok....chill lang kuya.

Binigyan niya ako ng mansanas at nagpasalamat ako,tinuloy namin ang paglakbay pauwi sa bayan at napakainit ng sikat ng araw,maski umaga palang.

"Nakakain ka na ba?",tanong ko ng mahina.

" Oo,kanina pa",sagot ng heneral.

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon