18

231 4 2
                                        

Patuloy na naglakad ang mga kabayo hanggang sa nakaabot kami sa gubat, at medyo kinabahan ako dahil baka may mga Amerikano dito at mapahamak pa kami.

Agad ko naman siyang tinanong.

"Goyo, sigurado ka ba dito sa pupuntahan natin? Baka naman kasi may lumilibot dito na Amerikano, masaktan pa tayo."

Lumingon siya saakin at tumawa ng mahina, may balak kaya siyang masama?

"Hindi 'yan...At tsaka..Kung sakali tama ang sinabi mo, nandito lang kami para protektahan ka",sagot niya.

"Hay nako...Pag tayo napahamak ah...Hindi ako ang may kasalanan",ang nasabi ko nalang.

Tumingin ako sa likod at nakita ang dalawang koronel na nagkekwentuhan.

"Ysabel...Tingin ka sa harap mo",Sabi ni koronel Julian.

Tumingin naman ako sa harap at nakita na nasa tuktok na kami ng bundok.

Kitang-kita ang magandang tanawin, Saktong-sakto pa at pababa na ang araw, kaya talagang mapapangiti ka sa ganda.

"Nandito na tayo",Wika ni Goyo bumaba na kami sa mga kabayo.

"Napakagandang tanawin naman ito, paano mo naman nadiskubre ang bundok na ito?", Masaya kong sabi.

"Wala lang...Si kuya ang unang nakadiskubre nito, sabi niya na sa kaarawan mo, dito kita dadalhin", Sagot niya.

Nakita ko naman na nagbubulungan ang dalawang koronel, at sa tingin ko...tungkol sa amin ang mga sinasabi nila.

Tumabi naman siya saakin at hinawakan ang kamay ko, ayon ang dahilan kung bakit nagsalubong naman ang mga mata namin.

"Maligayang bati...Ysabel, sana'y masaya ka, at sana rin lagi kang magkaroon ng maayos na kalagayan...Mahal na mahal kita",kanyang sabi.

"Salamat Goyo...Pero, maniniwala ka ba sa sasabihin ko?",mahina kong sabi.

"Ano iyon?"

"Nanaginip kasi ako na nagkaroon ng giyera, at naisip ko na baka nahulaan ko ang hinaharap...sa tingin ko hindi kita maniniwala saakin, tama ba ako?",aking sabi at napayuko nalang ako.

"Alam mo... Posibleng mangyari iyon, dahil alam ko naman na tahimik ang mga panahon ngayon, pero hindi natin alam..Baka naghahanda ang mga Amerikano para sa isang malaking labanan, mainam na magdasal tayo na hindi iyon mangyayari...Pero tandaan mo na sa balang araw, ay magiging malaya na rin ang Pilipinas",Paliwanag ni Goyo.

Natuwa naman ako sa sinabi niya..Dahil alam ko rin na magiging maayos rin ang lahat, kaya napangiti naman ako.

At tsaka niya ako niyakap, wala naman akong magawa, at wala rin akong masabi...Siguro kung hindi ako sumama kay tatay sa Dagupan, hindi kami magiging malapit sa isa't isa ng heneral, Nakakagulat rin dahil saakin nangyari ito.

"Kung hindi kita nakilala, hindi tayo aabot sa ganito", Kanyang sabi Habang bumibitaw mula sa yakap.

"Oo nga eh....Buti nalang at sumama ako kay tatay", wika ko at ngumiti.

Rinig na rinig ko ang mga tawa ng dalawang koronel, kaya tuloy napalingon kami ni Goyo sa kanila.

"Ano? Bakit kayo nakatingin sa amin?", Tanong ni koronel Julian pero hindi niya parin mapigilang tumawa.

"Wala lang....Masama ba?",Sabi ni Goyo.

"Hindi naman ah, grabe ka Goyong", Wika ni koronel Vicente at nagtawanan ulit sila.

Napatingin naman si Goyo saakin, at parang mayroon siyang sasabihin, kaya naman hinihintay ko syang magsalita.

"Salamat nga pala Ysabel", Kanyang sabi at nagtaka naman ako...Bakit siya magpapasalamat sa akin?

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon