3

549 11 4
                                    

Tumawa ng parang baliw si kuya Manuel.

"Ysabel,ano ba ang nakain mo at nagustuhan mo ang heneral na ito?",wika niya at nagalit ako sa sabi niya.

Gusto ko nang suntukin,kaya lumapit ako sa kanya pero hinarangan ako ni Gregorio.

Kaya ko naman lumaban,hinarangan mo pa talaga ako.

"Isa nalang Manuel,at ipuputok ko na ang baril",matapang na sabi ni Gregorio.

Nag-arte si kuya Manuel na susuko na siya,may narinig kaming mga apak na galing sa likod,doon na ako kinabahan.

" Hindi lang ako mag-isa",wika niya.

Napatingin kami sa likod at nakita namin si kapitan Rusca at kapitan Jose Bernal.

Parang papatayin nila kami,may hawak na baril eh,mas nanerbyos tuloy ako.

"Akala niyo susuko kami sa inyo,heneral?",wika ni kuya Jose ng malakas.

Binaba ni Gregorio ang baril niya at hinawakan ang pulso ko.

Hala,gulat ko naman akala ko may humawak na saakin na multo.

" Alam mo na gagawin",bulong niya saakin.

"Anong gagawin?",tanong ko.

Huminga siya ng malalim.

Binigay niya saakin ang espada at sabi,"Alam ko na hindi ka marunong lumaban,pero bigay mo lang ang lahat mo para ma-ligtas natin ang ama mo",bulong niya,tumango ako ng nanenerbyos.

Ayaw ko saktan sila kuya Manuel,kuya Jose at kapitan Rusca,makikiusap na nga lang ako.

"Sandali!",sigaw ko.

" Kuya Manuel,kuya Jose,kapitan Rusca,bakit niyo kami gustong saktan?",tanong ko.

Tumawa ng parang baliw si kuya Jose at sabi.

"Dahil alam namin ang sikreto ng pamilya niyo,Ysabel,ngunit tapat kayo kay heneral Luna,hindi ba?tapos,nung hinuhuli na ang mga tapat sa kanya,nagsinungaling kayo sa presidente na tapat kayo sa kanya,traydor kayo!"

Paano niya nalaman?alam ko sikreto lang iyon?!

" Totoo ba iyon Ysabel?",wika ni Gregorio at tumingin siya saakin.

"Hindi!nagsisinungaling lang siya para ako ang patayin mo!",wika ko.

Alam kong hindi totoo ang sabi ko,pero para sa kabutihan ng pamilya namin.

Tinutok ni kuya Jose ang kanyang baril sa heneral,ngunit hindi nagpakita ng takot si Gregorio.

"Pag naniwala ka saakin,mawawala lahat ng traydor sa Pilipinas",wika niya.

"Bakit naman ako maniniwala sa mas traydor na mga Bernal,kaya kayo dapat ang mamatay",sagot niya na parang hindi siya nanenerbyos.

Tinutok na rin ni kuya Manuel at kapitan Rusca ang kanilang baril kay Gregorio,isang putok lang at wala ng buhay ang heneral.

"Ako nalang ang barilin niyo,basta huwag niyo lang sasaktan ang heneral,at ang tatay ko",sabi ko ng matapang.

Tumawa nanaman sila na parang baliw.

Grabe talaga ang mga sundalo ni Heneral Luna,mga baliw.

" Kung pwede lang sana,kayong dalawa nalang",wika ni Kuya Jose.

May narinig kami na mga apak ng sundalo,parang mas marami kaisa sa anim.

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon