26

126 1 1
                                        

Nagsimula na ang lakbay patungong Ilocos. Mahaba-haba ang lakbay, at siguradong nakakapagod ito.

Kasama ko sina Joven at Juan, ang pinsan nila Goyo, bale nasa retaguardia kami. Hinati ang grupo sa dalawa para mas mabilis ang paglakbay. Sa totoo lang, hindi talaga ako handa sa mga kondisyon na ganito. Hindi ako masyado mahilig magbabad sa araw, at para bang sinusubukan kaming lahat ngayon.

Gabi gabi, napapadasal nalang ako na sana ay maayos pa ang kalagayan ng
vanguardia at wala silang nakakasalubong na Amerikano.

Ngayon, hindi ako sigurado kung saang lugar na kami. Pangatlong araw na namin sa paglakbay, at aaminin ko, na malayo-layo na rin ang nalakad namin. Nagdesisyon kami na magpahinga muna. Umupo ako sa isang malaking bato at pinunasan ang aking pawis na para bang wala nang tigil ang pagpatak. Lumapit sakin sa Juan.

"Binibining Ysabel, ayos ka lang ba? Mukhang hinihingal ka na sa pagod." Nag-aalalang wika niya.

"Ayos lang ako. Normal naman na bumilis ang paghinga kapag nagbababad sa araw eh, kinakaya ko pa naman." Aking sabi. "Ikaw? Parang ilang gabi ka na rin hindi nakakatulog sa kakaisip na mamaya may umatake na mga Amerikano. May kapalit ka ba sa gabi? Ibig sabihin ay.. Mayroon ka bang ibang taga bantay habang ika'y nagpapahinga?"

Hindi lang naman ako o ang mga ordinaryong sundalo lang ang napapagod, ngunit pati rin ang mga namumuno sa grupo namin. "Meron naman. Pero madalas ako ang namumuno.. Bakit, gusto mo bang subukan?" Biro ni Juan.

"Hindi naman. Nag-aalala lang ako na baka nauubusan ka na ng dugo dahil hindi ka nakakatulog.." Sagot ko.

Bigla nalang naming narinig ang isang putok na baril na galing sa mga damuhan sa harapan namin. Nabaril ang isang sundalo sa may gilid ko, at doon na nagsimula ang pag-handa ng mga sundalo. Hindi ko inasahan na makakasabay pa namin ang mga Amerikanong ito, hay nako. Tumayo ako at nagtago sa likod ng inupuan ko na bato, ginamit ko siya bilang isang harang para hindi ako matamaan ng bala, at si Juan naman ay nakisali sa bakbakan. Grabe talaga, kahit hindi ko nakikita ang mga pangyayari ay alam ko na mukhang nauubusan na kami ng mga tauhan.

May mga sundalo na bigla nalang bumagsak at namatay malapit sa akin, at hindi kami tumagal sa laban na iyon. Mabilis rin kaming napaatras sa laban at naghanap nalang ng mas ligtas na daan papunta sa Ilocos.

...

"Ysabel, mag sabaw ka muna.. pang pawala ng kaba." Inabutan ako ni Juan ng sabaw.

Maginaw ang gabi ngayon, at ang mga nangyari kanina ay nag-iikot parin sa aking isipan. Hindi ko makalimutan kung paano mamatay ang aking mga kababayan, habang kami ay umatras nalang. "Y-Ysabel..?" Bumalik ako sa katotohan.

"Ah, salamat, Juan." Tinanggap ko ang bigay niya. "Pasensya na at.. medyo matagal akong kumilos. Nabigla lang ako."

"Hindi mo kailangan magpatawad, binibini. Naiintindihan ko na hindi parin maalis sa ulo mo ang nangyari kaning tanghali, pero sana ay kumalma ka muna at magpakawala ng mga masasamang kaisipan." Wika niya.

Humigop ako ng kaunting sabaw. "Paano ako kakalma kung puro mga patay na katawan ang naranasan ko kanina? Gusto ko silang tulungan, dahil hindi naman pwede na iniiwan lang sila ng ganoon." Sinubukan kong hinaan ang aking boses. "Noong mga nakaraang panahon, napansin ko na napakatahimik ng mga Amerikano. Ni isang laban ay hindi ko naramdaman. Naisip ko, yung mga buwan na iyon, may pinaplano ba sila? At yung mga parehas na araw na iyon ay nagpi-piyesta naman ang ating mga kababayan. Aaminin ko, isa ako sa mga bulag na kinalimutan ang pagsakop sa atin ng mga banyaga."

"Ysabel, ano ang ibig mong sabihin?"

"Magkakaroon kaya ng pinto papunta sa isang bagong daan kung sinunod natin ang mga kilos ng Amerikano? Ang pagplano at pagsiyasat ng mga armas? Pagturo sa mga tauhan kung paano lumaban?" Dagdag ko..

Napakalalim ng iniisip ko ngayon, hindi na tungkol sa kinabukasan.. tungkol sa nakaraan..

"Malalim nanaman ang iyong kaisipan." Simula ni Juan. "Pero tama ka. May iba pa sigurong daan kung hindi natin ginawa iyon, ngunit tapos na siya.. Wala na tayong magagawa dahil nagawa na natin sila. Kaya sisiguraduhin rin natin na ang hinaharap ay hindi matutulad doon."

"Sana nga.."

"O siya, magpahinga ka na at malayo pa ang lalakbayin natin pagsikat ng araw. Kailangan na nating habulin ang vanguardia dahil sa tingin ko ay nauunahan na nila tayo." Nagpaalam si Juan sakin at pumunta sa mga ibang opisyal na nagbabantay sa hindi kalayuan.

Hindi ko pa gustong magpahinga, hindi pa ako inaantok, pero kailangan ko para magkaroon rin ako ng lakas upang makalakad ng malayo-layo bukas.

...

Hello everyone!

Pasensya na po at medyo walang kwenta ang chapter na ito HAHAHAH malapit na po mag 12 am so medyo inaantok na po ang inyong patatas.

Salamat po sa patuloy na pagsuporta!

Mag-ingat kayong lahat!

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon