24

111 4 0
                                    

Madaling araw palang ay bumangon na ako sa aking hinihigaan, sisimulan na namin ang paghanda sa malayong lakbay patungong Ilocos. Kahit hindi ako nakatulog ng maayos at mahimbing ay kinailangan ko paring gumising dahil baka bigla nalang umatake and mga Amerikano.

"Ysabel, buti naman at gising ka na." Wika ni tatay habang ako nama'y inaantok parin.

"Opo." Ang aking nasagot lamang.

Naglakad si tatay patungo sakin. "May bilin ako sa iyo. Pagkatapos mong kumain, maari mo bang sulatan ang iyong tiyahin at pinsan bago tayo maglakbay papuntang Ilocos? Sabihin mo lang kung anong gusto mo, basta habaan mo naman. Hindi tulad ng mga sulat mo noong bata ka na iisang pangungusap lamang." Biro ni tatay at napangiti naman ako ng kaunti.

"Opo tay. Hahabaan ko po." Aking sabi habang naglalakad papunta sa kusina para kumain ng kahit isang subo lang. Bumungad sa akin ang mga prutas at sabaw na parang kakaluto pa lang, kitang kita ang usok ng sabaw. Talagang nakakagutom rin ang kanyang amoy.

Umupo ako at nagsimula nang kumain. Habang sumusubo, iniisip ko rin kung ano ang pwede kong sabihin sa sulat na ipapadala sa aking tiyahin at pinsan. Sa tingin ko, sila ang pinakamalapit kong mga kamag-anak sa aming pamilya. Dahil siguro lumaki ako na laging pumunta sa kanilang tahanan tuwing Lunes para bisitahin ang aking lola na ina ni tiya
Carmela. Hay nako, maiiyak na talaga ako. Naalala ko lang yung mga araw na bata pa kami ni Jose, napakasaya talaga noon. Magtatakbuhan kami sa berdeng damo habang ang araw naman ang umiilaw sa paligid. Kasama rin namin sila ate Francia maglaro, pati na rin ang mga kanyang malalapit na kaibigan. Ang sarap talaga balikan ang mga ala-alang iyon.

"Ysabel, bakit nakatulala ka diyan?" Bigla akong bumalik sa katotohanan nang magsalita si tatay. Medyo nagulat nga ako sa kanyang presensya.

"Wala lang po tay. Naalala ko lang po yung mga araw na bata pa po ako. Napadaan po ako sa ala-alang iyon nung iniisip ko po kung ano po ang posible kong masulat sa liham na ibibigay po kanila Jose."

"Ah, naiintindihan ko. Talagang napakabilis ng panahon no? Parang kahapon ka lang naging sampung taong gulang. Ngayon, napakalaki mo na!" Simula ni tatay. "Sige, mag-aayos lang ako, kumain ka ng mabuti at isipin mo na rin ang iyong susulat para sa pinsan mo." Napatango naman ako at umalis na si tatay sa kusina.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin ako, hinugasan ko and aking pinagkainan at nagmadali papunta sa aking kwarto. Alam ko na kung ano and sasabihin ko, sa kakaisip ko halos makabisado ko na siya.

Umupo ako sa upuan at naglagay ng papel na ginagamit ko lang kapag magsusulat ng importanteng mensahe. At nagsimula na akong magsulat...

Tiya Carmela at Jose,

Mukhang dumating na rin ang panahon kung saan tayo ay masusubok ng Panginoon. Tutungo kami sa Ilocos upang humingi ng tulong kay Heneral Tinio. Napakalakas ng puwersa ng mga Amerikano, pero hinding hindi tayo susuko, diba? Sana'y mabuti ang kalagayan niyo diyan at tayo'y magkikita rin kapag maayos na ang lahat. Alam ko na dadating rin ang panahon na iyon, dahil walang kadiliman ang magpakailanman.

Tiya Carmela, salamat sa iyong pag-ibig na para bang ako'y sarili mong anak, hindi ko aakalain na binigyan ako ng Diyos nang isang biyaya. Mag-ingat po kayo diyan.

At para naman kay Jose, salamat sa mga napakagandang ala-ala na hinding hindi ko makakalimutan kahit pa ako'y pumanaw. Tumayo kang isang kuya para sa akin, at nagpapasalamat ako para doon. Naalala mo ba nung tumakas tayo ng bahay at naglibot sa gubat, at may nahanap tayong kakaibang bato? Nasa akin parin siya, at sana'y nasa iyo parin ang kapares ng bato.

Mahal na mahal ko kayo, wag niyong kakalimutan na nandito kami para sa inyo, bali-baliktarin man ang mundo, mamatay man kami, ay lagi kaming nasa tabi niyo para kayo'y gabayan at mahalin.

Sumasaiyo, Ysabel

Medyo napaluha ako sa sinulat kong mensahe, hay nako, ito nanaman yung mga ala-ala, bumalik nanaman siya sa utak ko. Wag ka nga, Ysabel, hindi pa naman katapusan ng mundo.

Itiniklop ko ang papel at pinasok ito sa isang sobre. Tumayo ako mula sa aking inuupuan at kinuha ang sulat. Napasok tuloy na isip ko yung bato na nahanap namin ni Jose, ang alam ko ay nasa isa siyang maliit na lagyanan na tinago ko na sa aking maleta. Pero kahit nakatago na siya, hinanap ko parin. Binuksan ko ang maleta, mukhang aayusin ko ulit ang mga gamit ko ah. Nakita ko ang maliit na kahon at binuksan ito, nakita ko ang bato na kakaiba, makintab siya pero maitim ang kulay niya. Hindi pa namin natatanong kung ano ito, pero alam namin na hindi siya ordinaryong bagay lang.

"Salamat sa Diyos at kahit lumipas na ang napakaraming taon ay nasa akin pa ito." Sabi ko sa aking sarili at napangiti.

Narinig ko naman ang tawag ni tatay sa akin mula sa baba, "Ysabel! Tayo na't kailangan na nating umalis!"

Ayan na, magsisimula na ang lakbay..

_____

Hi! Sorry po if I'm updating rly slowly, busy po ako sa school and nawawala na po ang Goyo fever ko huhu. Pero I will still continue this book and try my best na para worth it naman po ang pagbasa niyo!

Thank u ang stay safe!! 💜

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon