8

342 8 2
                                        

Pagkaalis ng presidente,naglakad nalang kaming apat papunta sa sarili naming tuluyan.

Hinatid ako ni Gregorio sa bahay na tinutuluyan namin ni tatay,at pagkadating namin sa harap ng bahay,bigla siyang huminto.

"Salamat talaga sa tulong mo,talagang matapang ka at mabait",wika niya habang nakangiti.

" Wala lang iyon,para sa bayan,gagawin ko",maiksi kong sagot at biglang....

Napahinto ako sa ginawa niya,niyakap niya ako at wala akong masabi.

"Mag-ingat ka Ysabel,dapat maging matapang ka ha",wika niya.

" Oo,mag-iingat ako,ikaw rin ah,huwag kang matatakot sa mga kalaban",aking sabi ng nakangiti.

" Paalam",wika niya at nagpaalam na rin ako.

Pagkapasok ko sa bahay bumungad saakin si tatay at ang tiya Carmela ko,at doon ako nakasalubong ng yakap mula sa kanya.

"Ysabel,kamusta ka naman?ayos ka lang ba?",maikling tanong ni tiya Carmela.

"Opo tiya Carmela,ayos lang po ako",aking sagot.

At nahalata ni tiya na iba ang damit ko,parang nalito siya sa suot ko.

" Ano itong suot mo?",

Tumingin ako sa damit ko at nahalata ko na nakalimutan kong magpalit.

Ano bayan,nakalimutan ko suot ko pa ito.

"Ma-may ginawa lang po akong importante",sagot ko.

Tumango si tiya bilang sagot.

Agad naman akong umakyat para magpalit,grabe nakakahiya,ganun suot ko sa harap ni tiya.

Kaya nagpalit ako ng mabilis,at sa panahon na iyon,may narinig akong katok,kaya agad kong binuksan yung pintuan pagkatapos kong magbihis.

Pagkatapos,binuksan ko ang pinto at bumungad saakin si tiya.

" Ysabel,bakit parang iniiwasan mo ako?",tanong ni tiya habang pumapasok sa kwarto ko.

"Wala po tiya,may....ginawa lang po kasi ako",sagot ko.

"Sige,nasaan pala ang nanay mo at si Francia?nasa Tarlac pa ba sila?",

Bumagsak ang mga luha ko at hindi ako makaimik.

"Tiya",simula ko," Nahuli po sila ng mga Amerikano,kaya po mabigat ang pakiramdam ko",sagot ko ng malungkot.

"Sige,pagdasal natin naligtas sila,ako rin,malungkot,pero normal naman iyan,basta wag ka lang sususko na hanapin ang ina mo,sigurado ako na sa tamang araw,makikita mo muli sila",wika ni tiya ng nakangiti.

" Salamat po tiya sa pagkakalma mo saakin",pasalamat ko at lumabas na siya sa kwarto ko.

Hays....Sana naman ayos lang sila nanay at ate,kung nasaan man sila.

Pagkababa ko,tinawag ako ni tatay para kumain ng tanghalian.

Habang kumakain,pinigilan ko ang sarili ko na huwag sabihin kung ano ang nangyari,

"Ysabel",simula ni tatay," Ano ang ginawa niyo ni Goyo sa Maynila?",

"Kinuha po namin ang ibang impormasyon tungkol sa labanan,dahil daw baka may taktika silang makita doon",nerbyos kong sagot.

"Ha?pumunta ka sa kampo ng mga Amerikano?",tanong ni tiya.

Tumango ako at halata sa mukha ni tiya na nagulat siya.

" Nasaktan ka ba?masama ba pakiramdam mo?",sunod-sunod  na sabi ng tiya ko.

"Hindi po,ayos lang po ako,wala naman po nangyari",sagot ko.

Tinuloy namin ang pagkain at hapon na,kaya uuwi na si tiya at aayos pa sa kanyang tirahan.

Nagpaalam na kami,Pumunta si tatay sa kusina at naghanda ng hapunan namin mamaya,habang umupo naman ako sa upuan na malapit sa isang lamesa na nasa harap ng bahay.

Tumayo ako pagkalipas ng ilang minuto para maglakadlakad sa paligid.

Bigla nalang may humawak sa kamay ko na hindi ko masyado makilala kung sino ang gumawa.

"Huy!sino ka?pakawalan mo ako!",sigaw ko habang sinusubukang makatakas.

" Ysabel,ako ito,hindi mo ba ako nakilala?",ang wika niya at humarap siya saakin.

"Goyo?ano ang kailangan mo?bakit mo ako dinadala palayo sa bahay namin?hahanapin ako ni tatay,at maggagabi na,dapat nasa bahay lang ako,o kaya malapit",aking sabi ng naiinip.

" Sandali lamang,samahan mo lang ako at makakauwi ka na",kanyang sabi at sinundan ko siya sa aming pupuntahan.

Kung saan-saan nalang ako dinadala nito,kung pwede lang sana hindi na ako sumama.

Pagkarating namin sa isang bundok,gabi na,kaya maganda ang tanawin sa taas dahil kumikinang ang mga bituin,at sobrang liwanag ng buwan.

"Gregorio,ang ganda ng mga bituin diba?parang mga dyamante na dinikit sa langit",wika ko at tumingin ako sa kanya.

Doon naman nagkasalubong ang aming mga mata ng hindi sadya.

"Oo nga,pero huwag mong kakalimutan,na mas maganda ka,matagal ka nang inaasam ng puso ko",ang sabi ng heneral.

Luh....ano ba kuya.

Sus,ito nanaman,parang nagiging ugali na niya ito saakin ah,sobrang nakakagigil.

"Alam mo kuya,malapit na kitang  suntukin,nakakagigil ka na,sobra",inip kong wika.

"Sige lang,hindi naman masakit siguro",kanyang sabi ng nakangisi.

"Ahh...kaya sinasabi mo na lampa ako?hindi ako malakas?napaka epal mo talaga",aking sabi.

" Sige,gawin mo ang gusto mo,tignan natin kung masasaktan ako",

At nung sinabi niya iyon,ginawa ko naman sa kanya at parang wala lang,kaya sobrang inis na talaga ako.

"Tibay mo ah,sige na panalo ka na",aking wika.

Ngumisi si Gregorio ng nakakagigil.

" Ysabel,kung mayroon kang sasabihin,ito na ang panahon mo",wika ni Gregorio.

"Uhh....naalala mo ba nung niligtas natin ang tatay ko?",aking tanong.

" Oo,bakit?",sabi ng heneral.

"Kasi yung sinabi ni kuya Manuel na tapat kami kay heneral Luna,ay totoo,ito na ang panahon mo para sabihin sa presidente,ayos lang saakin kung masaktan ako,basta nalaman mo na yung totoo",paliwanag ko at medyo napayuko ang ulo ko.

Ngumisi si Goyo at inayos ang buhok ko na hinaharangan ang aking mukha," Hindi naman ibig sabihin tapat ka kay heneral Luna,papatayin ka na,huwag kang magalala,hindi ko sasabihin sa presidente,sikreto natin iyon",wika niya.

Bigla nalang ako nagulat sa kanyan sinabi.

"Talaga?salamat!salamat Gregorio!",pasalamat ko at bigla ko nalang siya niyakap.

Shacks....anong ginagawa ko!?

Agad ko naman tinanggal ang aking braso sa baywang niya,at medyo nahiya ako.

Pero parang hindi niya iyon napansin,kaya naman siya ang yumakap saakin ng walang malay.

Umupo pa kami doon ng ilang minuto at pagkatapos,tumayo na kami at lumakad pabalik sa bayan.

Sikreto (Goyo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon