Pagkalipas pa ng ilang oras... (timeskip ish woo)
Naabutan na namin ang vanguardia matapos ang paglakbay na para bang walang katapusan. Nakakapagod rin ang aming ginagawa, hindi na sapat ang aming mga pagkain at kagamitan... Nawalan na rin kami ng mga sundalo dahil sa mga di inaasahan na pagsalubong sa mga Amerikano. Napabuntong hininga nalang ako, kailan ba magkakaroon ng kalayaan at payapa ang Pilipinas?
Nakita kong nag uusap sila Goyo at yung iba pang mga opisyal tulad ng Presidente sa loob ng isang kubo, hinanap ko naman si tatay sa mga gilid gilid at inasahan na makikita ko pa siya.
Nadatnan ko ang aking ama na nagpapahinga sa tabi ng isang malaking puno, agad naman akong naglakad papunta sa kanya para tanungin kung ayos lang ba ang kanyang kalagayan.
"Tay!" Aking tawag, napalingon naman siya sa akin.
"Ysabel, salamat sa Diyos at ikaw ay buhay pa. Hindi mo alam kung gaano ko gustong makita ang natitira kong anak." Wika ni tatay, at sa tono palang ng kanyang boses ay masasabi mo na na siya ay nag aalala para sa akin.
Niyakap ko si tatay, "Ayos lamang po ako, wag na pa kayo malungkot." Aking sabi, masasabi mo rin na masaya ako dahil meron pa akong pamilya na natitira. "Kamusta po ang vanguardia?"
"Wala naman, Ysabel. Iniisip ko na parehas din ang sitwasyon ng vanguardia sa retaguardia, kaya wala masyadong nangyari. Ngunit ang mga pag atake lang ng mga Amerikano ang sumira sa aming rota at mga kagamitan, pati na rin ang aming mga sundalo. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ito ginagawa ng mga Amerikano sa atin. Alam nila na hindi tayo susuko sa kanilang mga kamay, pero pilit parin nila tayong sinasakop na para bang isla na wala pang pangalan." Kanyang sabi, totoo nga na wala naman masyadong pagkakaiba sa retaguardia at vanguardia pagdating sa mga dinanas namin para makarating sa punto na ito.
Nakita ko ang lungkot na bumuo sa kanyang mukha, mahirap rin kasi maging isang biktima ng mga giyera. "Wag ka pong mag alala, tay. Sigurado ako na matutulungan tayo ni Heneral Tinio para sa isang malaking labanan pagdating natin aa Ilocos. Narinig ko po kasi na may ganoong plano ang ating mga kababayan."
"Totoo, at doon natin mapapatunayan na kaya natin sila. Pero mas mabuti siguro kung buhay pa si Heneral Luna... Mas marami tayong malalakas na tauhan at mas matatalinong mga opisyal." Pagkabanggit ni tatay kay heneral Luna, bigla kong naalala yung huling beses na nakita ko sila Kapitan Bernal, ang tagal na pala ng pangyayaring iyon, parang kailan lang siya nangyari.
Umaasa ako na sila ay nasa mabuting kalagayan kahit sila ay inaresto nila Vicente noon, at sana ay tama nga ako. "Ganun po talaga, tay. Minsan may mga tao na gustong pumatay para lang mawala ang kasikatan ng kanilang kalaban." Aking wika.
"Sana lang ay makaya ng mga opisyal na wala ang Heneral Luna."
Habang kami ay nag uusap, ay biglang may sumigaw sa di kalayuan na paparating na ang mga Amerikano. Agad namang nagtayuan ang mga nakaupong sundalo at nakita ko rin ang pag alis ng mga opisyal sa kubo. Hindi talaga tayo tinatantanan ng mga Amerikano na ito, sigurado ako na hindi sila mapapagod kakahabol sa amin.
Napilitan kaming umalis sa baryo kung saan kami nagpapahinga, narinig ko rin na hindi na natuloy ang plano na humingi ng tulong mula kay Heneral Tinio dahil nga sa inaasahang paglapit ng mga Amerikano sa grupo. Hindi pa nga ako nakakapagpaalam kay tatay, dahil agad siyang tumungo sa vanguardia upang maghintay ng mga utos mula sa heneral at presidente.
"Ysabel!" Rinig kong sigaw. "Tara na!"
Nakita ko si Juan na patakbo sa akin, at mukhang nagmamadali siya. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Tara na't kailangan na nating umalis, ngayon na din."
Napatango nalang ako at sumunod sa kanya, simula nanaman ang aming paglakbay palayo sa mga kalaban.
Dahil sa mga pangyayaring iyon ay tuluyan nang naubos ang aming mga kagamitan, minsan ay tubo nalang ang kinukuhanan namin ng lakas, kahit wala naman talaga masyadong binibigay ito. Nakakapagod talaga, pero hindi ako magrereklamo, dahil alam ko na hindi lang ang Pilipinas ang dumadaan sa mga bagay na ito.
Ilang gabi pa ang lumipas at hindi na ako nakatulog, kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang makapagpahinga. Iniisip ko na baka iyon na ang aking huling sandali, kaya't tumutulong nalang ako kanila Juan upang magbantay sa mga maliliit na kampong pinagpapahingaan namin.
...
hello pooooo sorry for this very short chapter jjfjfjfjr minsan po talaga wala akong time para sa wattpad :<<
sorry din po for the long wait, meron na po akong plano para sa ending ng book na ito so kailangan ko nalang po talaga siya isulat.
Salamat po sa inyong pagbasa! Ingat!

BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fiksi Penggemar"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo