Hanggang ngayon hindi parin ako inaantok, kahit na pababa na ang buwan, at iniisip ko rin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko, nahulaan ko kaya ang mangyayari sa hinaharap, o kaya aksidente ko lang iyon napanaginipan.
May humawak sa balikat ko at napalingon ako sa aking likod.
"Tiya Carmela, ang gulat ko naman po, bakit po gising pa kayo?",tanong ko.
"May nakalimutan lang ako sa baba, ikaw? Bakit gising ka pa, Ysabel?",sabi ni tiya Carmela at hindi ako makaisip ng ibang dahilan para hindi niya malaman ang panaginip ko.
"Ahh...Kasi po tiya Carmela...Hindi po ako makatulog eh, kaya nagdesisyon po ako na magpahangin muna dito",iwas kong sagot.
"Talaga? Yung totoo, bakit hindi ka pa natutulog?",tanong niya ulit.
Dahil wala na akong masabi, naisip ko nalang na sabihin ang totoo.
"Kasi po tiya Carmela",simula ko,"Nanaginip po ako na nagkaroon ng giyera, kaya po nung magising ako, nag-alala po ako, kasi baka nahulaan ko po ang hinaharap, kaya ayon...hindi na po ako nakatulog."
"Alam mo Ysabel, sa tingin ko hindi na magkakaroon ng mga bagay tulad niyan, pero hindi tayo dapat masyado sigurado, ganun talaga ang buhay, may mga napapanaginipan na pwedeng mangyari o hindi mangyari",paliwanag ni tiya Carmela at parang gumaan ang pakiramdam ko.
"Salamat po tiya Carmela, gumaan po ang aking pakiramdam dahil sa pagpaliwanag mo",aking pasalamat.
"Walang anuman Ysabel, o siya, matulog ka na at baka antukin ka bukas",sabi niya at tumango nalang ako.
Bumalik na ako sa aking kwarto at magiging bente cuatro na ako bukas, hala! ano bayan! Ang tanda ko na! hindi joke lang naman.
Kaya humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata ko upang makatulog.
------------------
"Ysabel!",Rinig kong tawag na galing sa baba.
Agad naman akong bumangon at nag-ayos, medyo inaantok parin ako pero pinipilit ko parin ang aking sarili na gumising.
Pagkatapos mag-ayos, lumabas naman ako ng kwarto at bumaba, at para bang natupad ang isa sa mga pangarap ko, ang makita muli ang aking pinaka matalik na kaibigan na sila Regina at Martine.
"Regina! Martine!",Masaya kong sinabi at sinalubong nila ako ng mga yakap.
"Maligayang bati!",Sabay nilang sabi at nagpasalamat naman ako.
"Ysabel! Kamusta ka naman?",tanong ni Regina at halata sa tono ng boses niya na sobrang saya siya.
"Ayos lang naman, ito, tumatanda na rin", biro ko at napatawa lang sila.
"May nobyo ka na, Ysabel?",wika ni Martine at napakagat ako sa aking labi.
Luh...Bakit kaya ang daming nagtatanong kung may nobyo na ako...
"Ahh...Meron, pero ayaw ko sabihin sa inyo kung sino",sagot ko.
"Bakit naman?"
"Basta."
"Kumain na muna kayo dito, ginawa naming masarap ni Carmela ang pagkain niyo",sabi ni tatay at tumango nalang kami.
Umupo na kaming tatlo, Grabe ha! Ang bango ng pagkain, at paborito ko pa ito.
"Kasi naman Ysabel, Sino nga?",Paulit na tanong ni Regina.
"Ang kulit niyo naman...mamaya ko nalang sasabihin",sagot ko at nagsimula na kaming kumain.
"Salamat talaga sa pagpunta niya sa kaarawan ko...Alam ko naman na malayo tayo sa isa't isa, pero pinilit niyo parin na pumunta dito",aking sabi at napangiti ang dalawa.
"Naku...Syempre naman Ysabel, hindi namin mapapalipas ang kaarawan mo, at para sa amin ni Martine..Ikaw ang pinaka mabuting kaibigan na nakilala namin",Wika ni Regina.
Ang saya talaga kapag nakakausap mo ang mga pinaka matalik na kaibigan mo...lalo na kung marami kang ikukwento.
"Sana ganito nalang tayo araw-araw...Laging masaya at hindi malungkot",Sabi ni Martine at sang-ayon kami sa sinabi niya.
Tinuloy namin ang pagkwento at nakalimutan ko ang mga malululungkot na alaala.
--------------------
Lumipas ang ilang oras at kailangan nang umuwi nila Regina at Martine...kaya medyo nalungkot kami, pero alam namin na magkikita parin kami balang araw.
Sinamahan ko sila sa labas at saktong-sakto ay dumating si Goyo, Koronel Vicente at Koronel Julian, sa tingin ko may paguusapan lang sila nila tatay, kaya hindi ko nalang muna sila pinansin.
"Uy...Ysabel, nandiyan na ata sundo mo",sabi ni Regina at nagtaka ako.
Sundo? Wala naman akong pupuntahan ah...
Lumingon ako sa likod at nakita ang tatlo, pero nagkunwari nalang ako na hindi ko sila nakita.
"Hala...Grabe si Regina, hindi ko yan sundo, sigurado ako na may paguusapan lang sila ni tatay",aking wika.
"Ysabel",rinig kong tawag ng usang pamilyar na boses.
Lumingon naman ako sa likod at nakita si Goyo, rinig ko rin ang mga mahinang tawa ng aking mga kaibigan.
"Ahh...Goyo, ano yun?",ayun nalang ang aking nasabi dahil ramdam ko na mang-aasar nanaman ang dalawa.
"May gagawin ka ba kasama ang iyong mga kaibigan?",kanyang tanong at hindi talaga ako makaisip ng tamang sagot.
"Wala naman",Simula ko,"Ahh...Goyo..Sila nga pala ang mga kaibigan ko...Si Regina at si Martine, Siya si Heneral Gregorio del Pilar."
Nung sinabi ko ang 'Heneral Gregorio del Pilar', gulat na gulat ang dalawa.
"Magandang umaga po heneral",bati nilang dalawa at bumati rin si Goyo.
"Kaano-ano mo ang heneral, Ysabel?",tanong ni Martine.
"Kaibi-",napatigil ako sa pagsasalita dahil bigla nalang akong pinigilan ng heneral.
"Nobya ko siya",maiksing sabi ni Goyo.
Siniko ko siya ng mahina...Grabe naman, nobya pa talaga sinabi, napahiya tuloy ako sa mga kaibigan ko..malamang aasarin nila ako.
"Totoo ba iyon Ysabel?",hindi makapaniwalang tanong ni Martine.
Dahil ayaw ko naman magalit, sinagot ko nalang ang tanong niya ng mapayapa.
"Ahh...Oo..Totoo yun",Sagot ko at hindi ko naiwasang tumingin sa likod para hindi nila makita na galit ako.
"Regina, Martine...Oras na para umuwi...Magkikita pa naman kayo eh",sabi ng kapatid ni Martine.
"Mauna na kami..Paalam po heneral Del Pilar at Ysabel",wika ni Regina.
Kahit malayo na sila, rinig ko parin ang mga mahihinang tawa nila.
"Goyo naman eh...Ayaw ko na nga sabihin sa kanila yun", Sabi ko habang tumatalikod para kausapin ang heneral.
"Bakit ba? Para nga malaman nila na ako ang nobyo mo eh", Sagot ni Goyo at ngumisi.
"Bahala ka nga... Teka bakit ka nga nandito?", Tanong ko.
"Para sunduin ka", Maiksi niyang sagot.
"Huh? Alam ba ito ni tatay?", Nagtataka kong sabi at pinasakay niya ako sa kabayo niya.
"Alam ito ng iyong tatay... dati pa", Kanyang wika.
"Uy...Baka naman mapahamak pa tayo sa plano mo ah", Sabi ko at medyo galit ako.
"Hindi iyan...At tsaka, sasama rin naman si kuya ay si Enteng eh", Wika ni Goyo at ngumiti.
"Hay nako... Bahala ka diyan", Pabulong kong sabi at sumakay siya sa kabayo.
Naglakad ang kabayo at tumingin ako sa likod...Sumusunod sila Koronel Julian at Vicente saamin.
Ano nanaman kaya ang plano ni Goyo?

BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfiction"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo