Umupo naman kami nila Goyo at Jose sa munting sala sa labas, pagkaupo ko, bumulong si Martinez.
"Mauna na ako Ysabel."
"Saan ka pupunta?"tanong ko ngunit umalis na siya at hindi niya na sinagot ang tanong ko.
Kaya medyo nagtaka ako, pero siguro nagmamadali siya, at tumakbo na si Martinez palayo sa amin.
"Ysabel at Goyo",simula ni Jose,"May pupuntahan lang ako sandali, ayos lang ba kung maiwan kayo dito?"
"Syempre naman",sagot ko.
Naglakad na siya palayo saamin at dahil si Jose ang nasa tabi ko kanina sa upuan, at may pinuntahan siya, lumipat si Goyo sa pinaggalingan ni Jose.
"Ayan ka nanaman eh, sa totoo lang, hindi ako kinikilig",sabi ko ng naiinip.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ng kakaiba, may feeling ako na ginagawa niya ang mga paraan niya para makaakit ng babae.
"Malamang nangaakit ka lang, hindi ba?",dagdag ko pa.
"Hindi, naaaliw lang talaga ako sayo, ikaw ang pinaka magandang babae na nakita ko",sagot ni Goyo.
"Alam ko ang mga mata na iyan, pati na rin ang tono ng boses mo, nangaakit ka nga",sabi ko.
Ngumisi siya,"Tama ka, pero hindi ko na kailangan gawin pa iyon sayo."
"Bakit?"tanong ko at ngumiti siya ng kakaiba.
"Dahil halata naman sa mukha mo na mahal mo ako",sagot ni Goyo.
"Hay nako...Tayo na nga eh, pero sumosobra ka na, hindi mo na nga kailangan gawin yung mga paraan mo, kasi nakakainip na eh",wika ko at lumingon ako sa kanan para maiwasan ko ang mga mata niya.
"Kinikilig ka no?",tanong niya at napalingon tuloy ako sa kanya.
Ayaw ko naman magalit sa kanya kasi, alam ko na magbabago rin siya, sana lang.
"Hindi ah, may gusto lang ako makita, kaya ako lumingon",iwas kong sagot.
At sa panahong iyon ay nagkasalubong ang mga mata namin, pakiramdam ko ay namula ako ng kaunti.
Hays...Hirap talaga ng buhay pagkasama mo si Goyo.
"Alam ko ang reaksyon na iyan, umamin ka na, Ysabel",sabi niya.
"Isa pa talaga at iiwan na kita dito"sabi ko ng naiinip.
Pero deep inside, may nararamdam akong kakaibang damdamin na halo-halo, hindi ko mapaliwanag kung anong pakiramdam, pero sobrang nakakalito.
"Kung gusto mo ako tumigil, may isang hiling lang ako",wika ni Goyo at napabuntong-hininga siya.
"Ano?"
"Kung sakaling magsimula ang labanan, at pupunta kami sa malayong lugar, sana ipagdasal mo na magiging maayos lang kami, na sana matalo namin ang mga Amerikano, at sana tandaan mo rin na...",napahinto siya sa pagsasalita at tumingin saakin na parang may halong masaya at malungkot ang damdamin niya.
"Bakit? Sana tandaan ko rin na ano?"sabi ko.
"Sana tandaan mo na narito lang ako para sayo, kahit malayo tayo sa isa't isa, magtiwala ka lang na balang araw ay magiging mapayapa na ang Pilipinas",wika ni Goyo.
"Sus! grabe ka naman magisip! Pero may surpresa ako sayo, sa tingin ko magiging masaya ka pagnalaman mo ito",sabi ko at ngumiti ng malaki.
"May surpresa ka? Sa tingin ko pinaghandaan mo iyan, hindi ba?",sambit ni Goyo
"Hindi ko siya pinaghandaan, nalaman ko lang kanina",wika ko.
"Alam mo, pag may laban, hindi ako maiiwan dito sa Dagupan, sasama ako",dagdag ko pa.
"Talaga? Baka naman binibiro mo lang ako",sabi niya na parang hindi makapaniwala.
"Oo nga! Kulit mo eh, hindi mo ba narinig kanina?",masaya kong wika.
"Hindi pero narinig ko lang na naguusap kayo ng presidente",sambit ng heneral.
"Ako rin, may surpresa ako sayo, dahil malapit na ang kaarawan mo",dagdag pa ni Goyo.
"Ano?"
"Surpresa nga eh, kaya sa kaarawan mo pa malalaman kung ano iyon",wika niya.
"Ano ang sana mo?",tanong niya saakin at napaisip ako.
"Edi...Sana maging malaya at mapayapa na ang Pilipinas, para wala nang gulo at away",sagot ko.
"Ikaw?"
Napangiti siya at nagsalita,"Ganun din, pero sana hindi na maulit ang ang gulo na tulad nito."
Para hindi kami mainip, naisip namin na maglakadlakad sa baybayin na hindi kalayuan, at tamang-tama rin dahil palubog na ang araw at maganda ang tanawin.
"Alam na ba ng tatay mo ang nangyari sa atin nila Jose?", biglaang tanong ni Goyo.
"Alam na niya, kwinento daw ni Koronel Vicente sa kanya, pero hindi naman siya nagalit, pinaliwanag niya nalang sa amin na huwag na ulitin iyon",sagot ko at hinawakan niya ang aking kamay.
"Gulat ko naman kuya! Akala ko kung sino! Wag ka ngang mangulat na ganun!"Naiinip kong sabi.
"Kung ibang tao magugulat ka, pero kung saakin, malamang hindi",wika ni Goyo.
"Pwede bang tumigil ka na?",tanong ko at natawa siya.
"Huy! Seryoso yung tanong ko! Hindi ako nagbibiro!",galit kong dagdag.
Tumigil siya sa pagtatawa para sumagot,"Pwede naman, basta ititigil mo rin ang pagiging mainitin ang ulo."
"Sige na, hindi na ako magiging ganun, pero ititigil mo ang mga paraan mo",sagot ko.
"Ysabel! Uuwi na tayo!",rinig naming sigaw ni Jose.
Agad kaming bumalik ni Goyo at bigla niya kaming kinausap.
"Kamusta naman ang pagsama niyo?"
"Teka...Iniwan mo ba kami ni Goyo doon dahil gusto mo kaming magkasama?",nalilito kong tanong.
Tumango si Goyo at Jose habang tumatawa.
"Plinano niyo iyon?"
"Oo, nung wala ka pa, naisip namin na lituhin ka, kaya medyo napansin mo na lumayo si Jose para magtago",sabi ni Goyo at inis na inis ako.
"Ano ba kayo! Nakakainis naman o! Wala naman akong ginagawa na masama eh!",inis kong sabi.
"May kasunduan tayo, diba sabi mo hindi ka na magagalit agad?",pabirong sabi niya.
"Hay nako! Bahala na nga! Tara na Jose! Uwi na tayo!",wika ko at tawang-tawa parin ang dalawa.
"Sige, Paalam Ysabel, Magkita tayo muli",huli kong narinig na sabi ni Gooy bago ako sumabay kay tatay pauwi.
Lumingon ako sa likod at nakikita ko parin ang nakakainis niyang tawa.
"Jose, plinano niyo talaga iyon?",muli kong tanong kay Jose at tumango siya.
"Oo, susuriin sana namin kung mahuhulog ka sa plano namin, pero mukhang gumana nga", sagot niya.
"Jose, Ysabel, pwede bang bumili lang kayo saglit ng karne sa bayan?",tanong ni tatay.
"Opo tay",maikli kong sagot.
Dumiretso si tatay pauwi habang naglakad naman kami ni Jose papunta sa bayan para bumili ng karne, hindi naman kami nagtagal doon, kaya pagkatapos bumili ng pagkain, tumungo kami pauwi para makapahinga at maibigay ang mga pinamili namin.
------------
Sorry po kung medyo boring ang mga recent chapters, wala na kasi ako maisip eh... hahaha, pero promise po susubukan ko po na gawing magaganda ang chapters...
Thanks for the support! 😁
BINABASA MO ANG
Sikreto (Goyo Fanfic)
Fanfic"Mapapahamak ba kaya ako pagmalaman niya ang sikreto?" Salamat sa pagbasa!👍(Fanfic) Highest Rankings: 1# in philippinehistory 3# in pauloavelino 1# in gregoriodelpilar 3# in goyo